Chapter 41

70 4 0
                                    

Yna's POV

"Paki-kurot nga ako." Wala sa wisyo kong sabi nang maupo si Luna sa harapan ko.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin nang may pagtataka sabay tawa.

"Please." Walang ganang sabi at seryosong tinitignan si Luna, mata sa mata. Nabulunan naman siya nang mapagtantong seryoso ako sa mga sinasabi ko.

"Pucha. Anyare te?"

"Wala." Tipid kong sagot. As if naman gusto kong ipaalam sa ibang tao ang ang mga iniisip ko ngayon.

Para naman kasing hindi nauubos ang mga tanong sa utak ko. Parang andaming nagaganap sa mga tao. Gaya nalang nung kanina. Viel kept on being secretive while I can't even face Ely. How stupid Georgina.

"Tengena naman Georgina. Nagpunta ka ba rito para mag-emote?"

Should I share to Luna? I trust her naman. Besides, wala naman akong ibang pwedeng pagsabihan.

Ikwinento ko sa kanya muna yung kay Viel. Alam ko naman kasi marami na rin siyang napapansin sa kaibigan namin. Pareho rin naman kaming nagaalala para sa kanya.

"Naka drugs ba yang si Viel?"

"The heck Luna? Baka may pinagdadaanan lang yung tao."

As much as we want to confront her ay nakapahirap pa ring gawin. Viel has never been this secretive to us, especially to me. She's like an open book. Kaya nakakapagtaka lang talaga. Anong problema niya at hindi niya kayang sabihin iyon sa amin.

"We have to talk to her." Sabi ko kay Luna. She smiled at alam kong sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

"Tutulungan kita." Mabuti nalang talaga at nasabi ko yon kay Luna. Nakakagaan rin pala sa pakiramdam. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko siya kahit anong mangyari.

Umorder muna kami ng pagkain bago magtuloy sa kwentuhan.

Abala si Luna sa pagpili ng kakainin namin nang biglang mahagip ng paningin ko ang isang lalaki sa labas ng coffee shop. Alam kong nakatingin siya sa amin kanina pero bigla nalang ito umiwas nang makitang nakatinign rin ako sa kanya kaya naglakad rin siya papalayo.

"Sure ka bang hindi kita naiistorbo sa work mo?"

"Gaga, pinuntahan mo na nga ako dito ng walang pakundangan. Iiwan pa ba kita?! Loka loka ka talaga. Ugh. Yung bangs ko nastress!" Mabuti nalang at may napakiusapan siyang katrabaho niya na magcover ng shift niya. Masyado naman kasing masipag 'tong babaeng to. Try niya rin kaya magrelax? "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Di ba may ikukwento ka pa? Oh siya! Shat!" Itinaas niya ang cup ng frappucino at mukhang tanga naman niyang inaantay ang pagtaas ko ng baso. "Ay laglagan? Bilis! May sasabihin rin ako."

Pagkatapos ng eksena ni Luna ay umayos siya ng upo at nag-aantay sa sasabihin ko. "A-Ano kasi.." uminom muna ako ng kape bago ulit magsalita. Shit. Ganito pala kahirap magshare. Paano pa kaya ang magconfess? "A-Ano kasi.. si R-Rigel." Saad ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Halatang inip na inip at nauubos ang pasensiya niyang tingnan ako.

Uminom pa ulit ako ng kape saka ko sinimulang ikwento ang lahat kay Luna sa pagout of town namin ni Ely. As in lahat. Maliban nalang yung- uhh. Nevermind.

"Huwaaaaat?!" sigaw niya na nakatawag pansin sa ibang customer. Gusto ko siyang tadyakan sa pagka-OA niya pero ayoko na dagdagan pa ang eksena nitong si Luna. Sapat na yung pagtunginan kami ng mga tao.

"Ang ingay mo!"

"Oh my gosh! Like ooh em geee. Ptang-" hindi niya naituloy ang sinasabi nang samaan ko siya ng tingin. "Oh my gosh talaga! Binata ka na Georgina. I'm so proud of you girl!"

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon