Chapter 44

88 3 0
                                    

Gio's POV

"Anak ng tinapa! Hinaan mo nga yan." Masisira na yata eardrums ko sa sobrang lakas ng pagpapatugtog ng kapatid kong kanina pa pinapanood ang mga videos ng mga kpop crush niya. Mga bakla naman.

Hindi yata niya ako narinig kaya inhagis ko sa kanya ang throw pillow na siya namang tumama sa ulo niya. Napangisi ako nang lumingon siya at salubong ang mga kilay. "Bakit po ba Kuya?!"

"Tigil-tigilan mo nga yang mga pinapanood mo! Naknang- mga bakla naman yan eh."

"Excuse me po? Mas gwapo pa nga sila sayo ng sampug paligo. Ang sama mo po Kuya!" Aniya at sinamaan ako ng tingin saka ibinalik ang atensiyon sa pinapanood niya.

Mga babae talaga. Anong bang meron sa mga kpop na yan at halos asawahin na nila yan? Di hamak naman na mas gwapo ako sa mga yan. Tch.

Nandito kami ngayon sa bahay nila insan. Nagtext si Kuya Charles na nasa ospital si Tita. Hindi niya sinabi kung anong nangyari pero sinabihan niya lang akong pumunta rito at samahan si Yna. Gusto ko nga kaninang pumunta sa ospital kanina dahil nag-aalala ako pero wag na raw dahil nasa kabilang probinsiya raw iyon at masyadong malayo.

Mag-isa lang sana akong pupunta rito kanina nang bigla namang sumama ang asungot kong kapatid.

"Hoy, saan ka galing kanina?" Tanong ko kaya inosenteng nilingon naman niya ako.

"Sa bahay nila Kit po."

"Kit?" Anak ng mami mo! Napapadalas yata ang punta ng utol ko sa bahay nila Zeke. Tapos napapadalas rin na wala siya bahay. Mas gala pa siya kaysa sakin. "Anong ginagawa mo ron?"

"Assignment Kuya."

Ah. Assignment naman pala. "Kayo lang?"

"Opo." Nakangiting sagot nito kaya nanlaki ang mga mata ko pero bago pa man ako makapagsalita ay tinalukran niya ulit ako.

Aish! "Ano ba kasing ginagawa mo ron? Nanliligaw ba yon sayo? Binubully ka ba non? Crush mo ba yon? Ha, sagot!" Medyo naiinis kong sabi dahilan para mabali ko yung lightstick yata ang tawag na hawak ko. Hindi ko namalayang nadampot ko pala. Mabilis ko iyon inihagis sa kabilang couch. Aish! Nakakainis kasi.

Pinatay niya ang TV at nakabusangot ang mukha na hinarap ako. "Why are you so malisyoso Kuya?" Tanong niya at tumayo saka lumapit sa akin. Pakiramdam ko ay nagsimula nang tumagaktak ang pawis ko.

Peste namang lightstick yan! Napakarupok. Hindi siguro original. Pwede ko pa nga siyang gawan niyan eh. De kahoy pa. Oh di ba mas matibay? Lagyan ko lang ng bombilya. Tangna.

Napalingon siya sa bali-baling light stick saka nilingon ako. biglang nanlamig ang mga kamay ko habang nilalapit niya ang mukha niya sakin. "Kaya ka po walang jowa. I hate you po Kuya!" Padabog niya ako tinalikuran at pumunta sa kitchen.

Aba! Winalk out-an ba naman ako kaya sinundan ko siya sa kusina. At ako walang jowa? And she hates me? Namumuro na sakin ang batang to.

"At kelan ka natutong magwalk out ha? Di ba itinuro sayo ni mommy ang salitang respect?" Maawtoridad na tanong ko. Nilingon naman niya ako hawak hawak ang isang baso ng fresh milk.

Hindi siya sumagot at sinamaan lang ako ng tingin. "Y-You hate me now?" tanong ko pero tahimik pa rin siya.

Naglakad siya papunta sakin kaya mas kinakabahan ako. "I hate you po. With respect." Aniya at mabilis akong nilagpasan.

Sinundan ko siyang ng tingin pabalik sa living room nang biglang may nagdoorbell.


Yna's POV

Pagkatapos tanawin ang papalayo na si Ely ay naisipan kong tawagan siya. Pero pipindutin ko palang ang call button ay naduwag ako bigla.

I rang the doorbell at pinagbuksan naman ako ni Manang Ging.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon