Chapter 27: Freshmen trip - Part One

128 12 0
                                    

Yna's POV

"Uuuuy dito, faster!" marahas akong hinatak ni Viel papasok ng bus na sasakyan namin.

Halos madapa na ako sa kakatakbo para lang mauna kaming makasakay. Para raw makahanap kami ng magandang pwesto.

Para akong tumakbo ng marathon. Akala ba field trip to? Para akong nagtrack and field eh.

Ibinigay namin ron sa isa sa mga facilitator yung mga maleta namin para malagay sa compartment. Buti nalang maliit yung dinala ko para hindi ako gaano mahirapan humila. Hindi gaya nung mga kaklase ko na parang isang buwan yatang hindi uuwi.

Pagdating sa bus ay nagpaumunang umakyat si Viel at pumunta sa pinakalikod. Ayoko pa naman ron.

Maumbok.

"Viel naman, alam mo naman ayaw ko diyan di ba?" reklamo ko na may halong pagmamakaawa.

Tumikhim muna siya saglit at inayos ang backpack niya bago nilagay sa luggage rack at saka ako hinarap. "Hindi naman kita pinipilit umupo sa likuran bestie. Dito ka oh." Turo niya ron sa upuan na nasa unahan niya. Yung nasa katabi ng bintana.

"Eh bakit pa tayo nagmadali? Hindi rin pala tayo magkatabi." Nakasimangot pa ako nang makitang hindi siya papapigil sa pag-upo sa likod.

"Hindi ko naman sinabi na magkatabi tayo. Kaya nga nagmadali ako para kahit papano eh magkalapit lang tayo. Diyan ka, at siyempre dito naman ako."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Fine fine. Umupo ka na."

Nilagay ko na rin yung backpack na dala ko sa luggage rack pati na rin yung maliit na bag ko na may lamang mga pagkain. Mga pang snacks lang naman ang laman non.

Hindi pa nagiiinit ang pwet ko sa pagkakaupo at kinalabit ako ni Viel kaya lumingon naman ako. May kinuha siya sa sling bag niya at inabot yung plastic na puno ng bubble gum.

Mabaho ba hininga ko?

Kinuha ko nalang yon, akala ko kasi nagbibiro lang talaga siya. Marami lang pala talaga siyang dalang bubble gum at kung anu-anong kendi. May chocolate rin siyang dala. Yung paborito ko.

Humingi ako pero ayaw niya ako bigyan. May pinaglalaanan raw siya pero alam ko namang kakainin rin naman niya yon. Hihingi nalang ulit ako sa kanya mamaya.

Pinilit kong matulog muna. Mukha kasing napaaga talaga kami nang sobra. Halos wala pa yung iba naming kaklase. 5:30 a.m. ang call time. Wala pang ala singko ng umaga andito na kami.

Nagising na lamang ako nang maramdaman kong umandar na ang makina ng bus. Hindi pa naman kami nakaalis. Sinuyod ng mga mata ko yung loob bus. Halos mapuno na rin ang mga upuan pero...

Parang may kulang.

Pansin ko rin na kahit napupuno na yung bus, wala pa rin akong katabi. Tinignan ko nalang yung mga natitirang rows. Dalawa nalang yung bakanteng upuan. Yung isa sa harap, yung isa sa tabi ko.

Mabaho ba ako? Parang ayaw naman nila ako katabi.

Makailang ulit pa ako dinalaw ng antok. Hindi pa rin kasi umaalis yung bus kaya nagnap nalang ulit ako. Inaantok pa rin kasi ako, ang aga ko ba namang gumising dahil kay Viel.

Ilang saglit palang siguro ako nagnap nang bigla kong maramdam ang isang malamig na bagay na pumisil sa pisngi ko.

Ang lamig!

Unti-unti akong napadilat at bahagya pang humikab. Nang lingunin ko ang pinagmulan ng malamig na bagay na yon ay nahagip rin ng paningin ko si Ely hawak hawak yung mineral water na nakadikit pa rin sa pisngi ko.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon