Chapter 8: New friend

245 23 0
                                    

Yna's POV

"Bilisan mo at mag-uumpisa na ang misa." Tawag ni mommy kaya dali-dali akong pumasok sa simbahan.

Nakaugalian na namin ang magsimba muna sa linggo bago kami magbonding na pamilya. Minimake sure nila mommy at daddy na Sunday will always be family day.

"Yow couz. How's last night?" Inakbayan niya ako at ngumisi. Inirapan ko nalang siya.

"Grabe sungit." nagsmirk siya at dali daling umupo sa tabi ni tita Beatrice.

Nandito rin ang iba kong pinsan sa father side. Wedding anniversary kasi nila tito Greg and tita Beatrice at may family lunch ang angkan ng mga Perez pagkatapos ng misa.

Nang natapos ang misa ay dumaan muna ako sa hilera ng mga nagtitinda ng fishball. Ililibre raw kasi ako ng magaling kong pinsan.

"My treat couz. Quiet ka lang kasi kaw lang nilibre ko, baka magalit yung iba sakin. Pili ka lang. We have here the-" Bago pa siya dumaldal eh nilagyan ko na ng isang buong kwek kwek ang bunganga niya.

Ang ingay talaga!

As if naman hindi ko alam na may kailangan lang siya kaya mabait siya ngayon sa 'kin. Tss.

Kaya lang yan nanlibre kasi gusto niyang pilitin ko si kuya na hiramin mamaya yung bagong video game na binili nito.

Agad niya inubos ang kinain at uminom ng tubig bago nagsalita. "Why did you do that?" angal niya sa akin.

"Thank you Gio pero kailangan na natin bilisan. Inaantay na nila tayo." Kumuha na ako ng isang stick ng fishball at isinawsaw sa matamis na sauce. Kakainin ko nalamang 'yon sa daan. Iniwan ko siya para mauna sa sasakyan.

Tanaw ko na ang sasakyan namin ngunit bago pa ako makarating roon ay may biglang humarang sa akin.

"May nagpapabigay po." Binigay ng isang batang nagtitinda ng sampagita ang tatlong pirasong kendi.

"Kendi? Sigurado kang para sa akin to?" Tumango naman siya. "Sino ang nagpapabigay?"

"Bawal raw po sabihin eh." Bago pa ako makapagtanong muli ay tumakbo na ito palayo.

Weird. Sino kaya?

Nakalimang hakbang palang ako palayo nang bigla nalang may humila sa aking dress.

"Ah ate.. may nagpapabigay po." Iniabot sa akin ng isang batang babae ang isang tangkay na bulaklak ng camellia.

"Pa-para sakin?" tumango siya. "Sino nagpapabigay?" itinuro niya ang isang lalaki na nagtitinda ng cotton candy.

"Yun ba?" at itinuro ko ang lalaking nagtitinda.

"Ah hindi po." Luminga-linga siya sa paligid niya. "Teka.. nawala na po si kuyang pogi. Nandoon lang po siya kanina." Paliwanag ng bata.

Pogi? Sino naman kaya?

"Yna! Aalis na tayo." Tawag sa akin ni mommy.

"Ah sige salamat bata ah." At nagpaalam na ako sa batang babae.

Agad akong sumakay sa passenger seat sa sasakyan ni Kuya.

Kasama ko pa ang iba pa naming pinsan na sina Elle, Tanya, Cris at Rin na halos kaedad ko lang lahat. Syempre yung asungot kong pinsan eh dito rin nakisakay sa amin. Sila mommy naman ay sa sasakyan nila tito Greg sumakay. Syempre for adults lang yun at mga bata naming pinsan.

"Ano yan Yna?" tanong ni Elle sa hawak kong bulaklak.

"Hmm may nagbigay lang na bata sa may simbahan." Sabi ko.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon