Chapter 32: Last day

130 13 1
                                    

Yna's POV

"Ouch!" Inda ko nang bigla nalang sumabit sa sanga ng kung anong halamang gubat ang jogging pants ko. Mabuti sana kung pants lang ang sumabit. Mukhang nadaplisan pa ng sanga nito ang binti ko.

Hinigit ko pataas ang pants ko at inilawan ang binti ko ng flashlight. Nakita kong may sugat ito. Panibagong sakit sa katawan na naman ang inabot ko.

Hindi ko alam kung saang parte na ako ng gubat. Umalis ako sa pinagpahingahan namin ni Zeke at Ash. Paano'y sinubukan kong sundan si Viel.

Bakit ko nga ba siya sinundan? Hindi ko rin alam. Nacurious lang talaga ako bakit siya nandito sa gitna ng gubat. Hindi naman siya pinasama rito dahil nga medyo delikado ang activity para sa kanya kaya naiwan lang siya sa camp.

Ano bang ginawa niya at saan siya pupunta? Masyadong delikado ang gubat na ito kahit pa sabihing sinigurado nila ang safety ng mga estudyante.

Napagisipan kong bumalik nalang sa pinanggalingan ko kanina para sana humingi nalang ng tulong kila Zeke. Pero kung suswertihin nga naman talaga. Naligaw lang naman ako.

At ang pinakamasayang part, mukhang nahulog ako sa isa sa mga patibong.

Para itong isang pit trap. Natatabunan kasi ito ng mga berdeng halaman kaya hindi mo mahahalatang may patibong sa ilalim nito. Malalim rin yung hukay, siguro ay higit sa tatlong beses ng height ko ang taas nito. Kung kaya ko lang ay ginawa ko nang makaalis rito. Sinubukan ko na ring sumigaw ng ilang beses pero walang sumasagot. Tingin ko nga talaga ay kailangan kong magantay nalang.

Masyado naman yatang mamalim ang pit at bakit wala man lang nagbabantay kung sakaling may mahulog man dito?

Naupo ako sa isang parte kung saan may mga damo at pinagpag ito bago maupo.

Maliban sa sprain at sugat, medyo masakit rin ang pwet at baywang ko. Ito kasi ang unang tumama nung nahulog ako.

Talagang nangongolekta ako ng sakit ng katawan sa trip na'to. Pambihira.

Kahit na gaano ako katapang, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Niyakap ko ang sarili kong mga tuhod at sinubukang labanan ang takot.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng sigaw. Agad kong kinuha ang flashlight ko at binuksan ang ilaw nito. Iwinagayway ko ito upang magsilbing signal sa kung sino man ang pwedeng tumulong.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko.

"George!" Rinig ko ring may sumigaw at napakapamilyar ng boses na yon.

"Ely! Tulungan mo ako!"

"Where are you?!" Papalapit na papalapit ang sigaw niya kaya mas nilakasan ko pa ang sigaw ko.

"Andito ako sa may hukay!"

"Ano?!"

"Rigel, kumag! Andito nga ako!" Sabi ko at winagayway pa ang flashlight. Pagkatapos ng sigaw na iyon ay wala na akong narinig na sagot mula sa kanya.

B-bakit hindi na yon sumagot? Umalis na kaya siya?

"Ay palakang bundat!" Halos lumundag ang puso ko nang biglang may kung ano na nahulog mula sa taas. "Ely?" Naaninag ko na may tao sa bukana ng hukay at biglang itinapat sa akin ang flashlight.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"O-okay lang naman ako."

Imbes na tulungan akong makaalis sa hukay ay bigla nalang siyang lumundag pababa.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon