Chapter 16

260 17 3
                                    

Yna's POV

Pagkagaling sa bahay nila Luna ay agad naman akong dumaan sa paboritong bakeshop ni mommy para bumili ng cake.

"Kuya, isa pong dulce de leche." sabay turo ko sa favorite flavor na cake ni mommy. Gusto raw niya kasi na icelebrate namin ang birthday ko na kami lang pamilya sa bahay. Kaya naman naisipan kong bilhin yung paborito ni mommy bilang pasasalamat sa kanya.

Busy rin kasi kaming lahat kahapon lalo na ang parents ko sa pagaasikaso sa mga bisita. Kaya hindi rin talaga kami nakapagbonding na kami lang. Isama mo pa yung nangyari kahapon. Ang gulo lang!

"Thank you po." Pasasalamat ko nang inabot yung cake sa akin. Agad akong umalis sa bakeshop at patakbong sumakay sa kotse. "Tara na po Kuya Natoy." Yaya ko sa kanyang umuwi.

Pagkarating ng bahay ay sinalubong agad ako ni mommy. Naghanda siya ng napakaraming pagkain kahit na tapos na talaga ang birthday ko. Tuwang-tuwa naman rin ang lahat ng aming kasambahay na nakisalo rin sa aming kumain.

Pagkatapos kumain agad naman akong umakyat sa kwarto at nagpahinga. Naghilamos muna ako at nagbihis saka nahiga ako sa kama ko at bahagyang pinikit ang mga mata.

Andami-daming nangyayari.

Ayun na naman ako sa mga isipin kong yon. Parang sunod sunod ang linggong may panibagong nangyayari.

Una ay yung natuklasan ko tungkol kay Zeke na siya naman talagang dinamdam ko.

Tsk. May girlfriend na pala siya, hindi manlang sinasabi.

Pangalawa ay yung pag-amin ni Ely na gusto niya ako pero hindi ko pa rin kayang paniwalaan.

Ano na naman kayang trip non? Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya. Eh halos nasanay na akong nag-aaway kami araw-araw.

At pang huli ay yung nangyari kahapong pagaaway ng dalawa.

Bakit ba sila nag-aaway?

Bahagya pa ako napakagat ng labi nang maisip ko ang mga bagay na yon. Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame.

*TOK *TOK

Biglang may kumatok sa kwarto ko.

Medyo dahan dahang nagbukas ang pinto. Agad naman akong bumalik sa ulirat at napabalikwas sa kama.

"Yna hija, pwede ba akong pumasok?" tanong ni Manang Ging kaya napatango naman ako.

Agad siyang pumasok na may dalang malaking paper bag.

"Ano po yan?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko lamang ito kagabi sa garden at mukhang may nakaiwan at hindi naibigay sayo ang regalo."

Regalo? Iniabot niya sa akin ang paper bag saka ko tinignan ang pabalat. "Maraming salamat po Manang Ging."

"Walang ano man. Oh siya, maiwan na kita at marami pa akong gagawin." Nginitian niya muna ako ng pagkalaki bago umalis ng kwarto ko.

Agad ko namang binuksan ang laman ng paper bag at tumambad sa akin ang napakacute na stuffed toy.

Ayun lang eh hindi ko mahulaan kung aso ba iyon kasi mukha rin namang teddy bear... pero mukhang aso... na mukhang teddy bear... na mukhang aso.. na teddy bear! Aish! Ewan, basta ang cute! Mukha naman talagang kasing aso na mukha ring teddy bear! Ayoko na magisip ano! Kayo nalang bahala mag-imagine. Hehehe.

Masaya kong niyakap agad yon lalo na at favorite color ko pa talaga ang kulay niyang blue.

Katamtaman lamang ang laki noon.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon