Chapter 9: After Party

229 20 0
                                    

Luna's POV

"Asan na kaya 'yon?" bulong ko sa sarili. Halos sinuyod ko na ang campus para lang hanapin si Yna pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi rin niya sinasagot ang telepono niya.

Pumunta ako sa field, sa gym, sa cafeteria, sa classroom nila, sa org room, at sa library.. pero walang Yna.

"Luna!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh ikaw pala Zeke." Nginitian ko siya at akma namang lumapit siya sa akin.

"Kamusta? Hindi na tayo nakapagusap after ng graduation ah."

"Oo nga eh. Ikaw kamusta?"

Ngumiti muna siya nang bahagya at hinimas ng isang kamay ang kanyang batok habang nakapameywang. "Hmm.. Ayos lang." biglang napalitan ang mukha niya ng kalungkutan.

"Sayang hindi man lang tayo nakapag usap nung Sabado."

"Kaya nga eh. Naiintindihan ko naman na hindi pa rin madali kila Ely ang pag-alis ko sa banda." Aniya.

Gustong-gusto ko siyang tanungin tungkol sa pag-alis niya sa banda nila pero hindi naman ako ganun ka echosera para manghimasok pa.

"Magiging maayos rin ang lahat." Nginitian ko siya para mawala ang pagkailang niya. "Congrats nga pala ah. May girlfriend ka na pala, ipakilala mo sa amin minsan." Napanganga siya nang bahagya at napakagat sa labi nang sinabi ko iyon.

"Ha?" usal niya.

"Yung kasama mo nun sa café." Sabi ko. Nais ko talagang malaman kung sino ang babaeng 'yon. Hindi lang rin talaga kasi ako makapaniwala na may dinidate na siya.

"Ah.. 'yon? Sige."

"Sige Zeke. Sana makapag chill rin tayo minsan. Bye." paalam ko sa kanya.

"Ah Luna." Nakatalikod na ako nang tinawag niya ang pangalan ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Hmm? Bakit Zeke?"

"K-kamusta na si Yna?" Hindi ko alam bakit niya tinatanong 'yon pero may biglang namuong ideya at kutob sa utak at dibdib ko.

"Okay naman siya."

"That's nice to hear."

Kung alam mo lang.

"Last time kasi parang nagmamadali siya. Hindi na kami nakapag-usap." nahagapi ng mata ko ang mga pilit niyang mga ngiti.

"Ah 'yon ba? May call of nature lang 'yon. Wag mo na isipin." At ngumiti naman siya. "Sige una na ako." At iniwan ko na siya nang tuluyan.

May kakaiba kay Zeke pero hindi ko maipaliwanag. Hindi pa sapat ang mga nalalaman at nararamdaman ko para magassume ng mga bagay.



Yna's POV

"Asan ka ba nagsususuot? Kanina pa ako tumatawag sayo." Aniya habang nakapameywang na humarap sa akin.

"Pasensya na okay? Kumain lang ako saglit. Naka silent rin yung phone ko. Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko.

"Ayan kasi hindi ka kumain kanina. Late na para maglunch. Alas dos na! Kanina pa nagstart yung program at patapos nang tumugtog ang university band." Inirapan niya ako habang hila niya ako papunta sa gym.

"Luna, hindi naman titigil ang program, nandun man tayo o wala."

"Oo na oo na.. bilisan mo. First college acquaintance natin to ang KJ mo talaga! Nag-aantay na si Viel sa loob." Aniya

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon