Chapter 03 - 1

365 31 9
                                    

Heartbreak


Yna's POV

"Gio!" Tawag ni Viel sa pinsan ko na siya namang nag-aayos ng gitara. Nasa second floor kami nang matanaw namin si Gio sa ibaba at nakaupo sa bench habang tumutugtog.

Naningkit pa ang kanyang mata nang tignan kami bago kami tuluyang makilala. "Viel.. Cous!" Kumaway naman ito.. Mabilis akong hinila ni Viel pababa sa ground floor kung nasaan naman ang music room. Nang makababa kami ay narinig naming nagpaparactice pala ang school band.

"Wow so totoo nga? Natanggap kayo sa university band?" tanong ni Viel nang makalapit kami kay Gio. I saw my cousin blushed at halos matunaw naman sa pakikipagtitigan sa bestfriend ko.

Hindi pa rin siya kumikibo kaya tumabi ako sa pinsan kong ugok at agad ko siyang siniko. "Y-Yup."

Napahawak si Gio sa kanyang batok at hinimas ito, tanda na naiilang siya sa presensiya ng kaibigan ko.

I knew my cousin had a serious crush on my bestfriend since we were kids. But he never really admitted it. I know that he had been in serious relationships before pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ni isang beses ay hindi niya nagawang manligaw o magparamdam man lang rito.

He's a playboy and maybe Viel's modest personality is too much for him to handle. Their personalities complement each other. Tingin ko titino ang pinsan ko kapag naging sila. But oh well. I think Gio's feelings towards her is just purely crush. It remains to that level lang. Sayang! Ship ko pa naman sana sila.

"Tutugtog kami sa acquaintance party!l. Manood kayo ah?"

"Of course! Manonood kami nila Yna at Luna. Hindi ba Yna?" Nilingon ako ng bestfriend ko.

Viel seems to be excited. "Well, do I have a choice?" Tinignan naman nila ako ng masama. "Fine.. fine. Bawal na palang magbiro."

Natawa naman si Gio. "Great! Aasahan namin yan ha." He really has this enthusiastic aura as always

Isa-isa namang nagsilabasan ang mga tao sa music room. Halos mapa-nganga ako dahil sa hotness overload! Shit. Nakakagwapo ba talaga ang pagbabanda? Gusto kong batukan ang sarili sa mga naiisip ko.

Biglang lumabas si Ashton sa pintuan at mabilis na tinawag ang pinsan kong nakakipaglandian pala sa best friend ko! "Bro! Andito ka lang pala. Una na kami ha? Bukas nalang ulit." Paalam ni Ash at tinapik si Gio. Bigla naman siyang nagulat nang napalingon ito sa amin ni Viel. "Yna. V-Viel. Kayo pala. It was nice to see the both of you." Bati niya sa amin.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Viel. Palibhasa si Ash ang taong nagugustuhan niya– well she never admitted it but recently it was way too obvious. Kinukutuban rin ako sa dalawang to eh. Parang nagkaka-ilangan sila sa isa't isa. Minsan pakiramdam ko may nangyayari sa kanilang dalawa na hindi ko alam. Hindi bale, malalaman ko rin naman 'yan soon.

Maya maya pa ay bigla ring may lumabas na isang pamilyar na lalaki. Oh that damn smile. Si kuyang anghel!

"Bro, musta? Uuwi ka na?" sinalubong siya ni Gio at nakipag high five. I saw him glanced in our direction pero saglit lang iyon. Ay may pag ganon?

"Oo, pero may dadaanan lang ako sa gym. Mauna na ako." Paalam ni kuyang anghel. Lumingon ito sa direksiyon namin ni Viel and smiled before he left. So nakilala niya pala kami? Akala ko pa naman snob siya.

"Gio, where are the others?" Tanong ni Viel. I think she's pertaining to the original members of Chronus.

Chronus. Isang kilalang banda hindi lang sa school kundi pati na rin sa buong siyudad.

Nahagilap ng mata kong napalunok si Gio sa tanong ni Viel bago ito sagutin. "K-Kami lang apat. Ako, si Ash, Kiko at Ely." I was kind of surprised on what he said.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon