Chapter 12: Catfight

230 21 0
                                    

Yna's POV

Nasa kusina ako ngayon para kumuha ng yelo at towel. Paano ba namin kasi eh nag-away pa yung dalawang yon! Bida bida kids eh ako naman yung may birthday, kainis!

Eh dapat ako ang nag-eenjoy ngayon at pinagsisilbihan di ba? Eh mukhang ako pa yata ang ang magiging tagapagsilbi!

"Huy! Ano ba tulala ka na naman!"

"H-ha?" napalingon naman ako sa kanya.

"Matutunaw na yang yelo sa bowl oh." Turo ni Luna sa yelong nasa bowl na hawak ko.

"A-aah."

"Tch, ano ba kasi nangyari sa mga 'yon?"

Bumuntong hininga muna ako bago makapag salita. "Hindi ko rin alam eh."

"Baka dahil sa issue ng pag-alis ni Zeke sa Chronus. Tulungan na nga kita riyan."

"Siguro. Hayaan na natin. Nangyari na, wala rin naman tayong karapatan para manghimasok sa gulo nila. Away nila 'yon."

"Kung sa bagay, hindi ko lang kasi maisip na sa sobrang close ng dalawang 'yon noon eh ganyan ang gagawin nila ngayon. Aaaaaish, ang gulo nila!" Aniya at napakamot pa sa kanyang sintido.

"Problemado ah?"

"Hindi naman. Eh ikaw? Hindi ka manlang ba naiinis sa mga 'yon? Birthday mo pa naman. Hindi mo man lang sinabi na may pa live action show sa birthay mo?" Sarkastiko niyang sabi. "O baka naman kaya hindi ka nagagalit dahil nag-aalala ka kay-"

"Hep! Hindi ako nag-aalala okay? Ang sakin lang eh ayoko na problemahin ang problema nila. Birthday ko nga di ba? Saka mamaya malaman laman pa nila mommy yung nangyari sa labas eh baka magkagulo pa. Lalo na kapag nalaman ng pamilya ng mga 'yon na nag-away ang mag pinsan."

"Truth?" tinignan niya ako ng may mga mapangdudang mga tingin. "Yun lang ba talaga?"

"Ang ano?"

"Weh? May painosente effect?"

Oo nga ang kulit! Sarap niyo ipagsama ni Gio eh!

Hindi ko na siya sinagot at mayamaya pa ay biglang dumating si mommy.

"Oh anong ginagawa niyo dito?", nagtataka naman kaming tinignan ni mommy.

"K-kumuha lang po ng yelo." binigyan naman ako ng nagtatanong na titig ni mommy.

Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari. 

"O-opo tita, kumuha lang po kami ng yelo." nagsalita na rin si Luna.

"Para saan naman?" tanong ni mommy.

"Iinom po kami!" sabat ni Luna at bigla naman nagulat si mommy

What?? Iinom?? Kahit kailan sablay magpalusot 'to!

Nilingon ko si Luna at binigyan ko siya ng ng matatalim na tingin.

"A-ah ang ibig ko pong sabihin eh iinom po kami ng j-juice. T-tama! Juice tita. Iinom kami ng juice!"

"Nagulat naman ako. Akala ko eh umiinom kayo ng alak Luna. Hahaha!" malakas na tawa ni mommy.

"Mom. Alam niyo naman po na nangako ako kay daddy na hindi ako iinom until mag eighteen ako. Kayo talaga." Sabi ko sa kanya.

"Oh siya sige. Bumalik na rin kayo ron maya maya." Tumango kami ni Luna pagkatapos ay umalis na si mommy.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon