Chapter 42

74 4 0
                                    

Yna's POV

Binabaybay namin ngayon ang kahabaan ng expressway. Medyo malayo ang ospital na sinabi sa amin ni Kuya. Nasa kabilang probinsiya pa iyon.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at parang pinapatay ako ng kaba sa bawat segundong lumilipas na nasa sasakyan ako.

Napalingon ako sa phone ni Zeke nang bigla itong tumunog. Tinignan niya muna ako before he answered the call.

"I'll be home late. Okay. I'll call later." Paalam niya bago ibaba ang tawag. "Do you want to eat?" Tanong ni Zeke. Umiling ako. Walang lugar ang ibang bagay sa isip ko ngayon kundi ang lagay ni Mommy.

After an hour and a half ay narating na namin ang ospital. Pagkatapak ko palang sa loob ng ospital ay grabeng kaba ang naramdaman ko. Kung wala si Zeke ay malamang nagbreakdown na ako kanina pa.

"This way." Hinila ako ni Zeke hawak hawak ang kamay ko.

Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 9th floor. Pagkarating namin sa taas ay agad naming hinanap ang information desk pero bago pa man kami makapagtanong ay nahagip na ng mata ko si Kuya.

He's sitting on one of the chairs na katabi ng isang room. He seems frustrated. Nakapatong ang kanyang mga siko sa tuhod habang hinihimas ang kanyang noo.

I slowly walk towards him at unti-unti ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Sakto naman na lumingon si Kuya at mabilis siyang lumapit sakin saka ako niyakap. "K-Kuya." Para akong bata na umiiyak. I hugged him back pero naramdaman kong lumapit sa likuran si Zeke.

"What happened?" Zeke asked.

Kumalas naman si Kuya sa pagkakayap at hinawakan ang isa kong kamay bago hinarap si Zeke. "Car accident." Biglang napahigpit ang ang hawak ko sa kamay ni Kuya at nilingon siya.

"Nasaan si mommy?" Again para akong batang umiiyak. I hate crying especially when I know someone's watching but I don't care about it now. Gustong-gusto kong makita sa mommy.

Agad kaming sinamahan ni Kuya sa loob ng hospital room kung saan naka confine si mommy. Nanghina ang tuhod ko nang makita itong nakahiga sa hospital bed. She's full of bruises all over her body.

I sat beside her and ganoon rin si Kuya. Lumabas naman si Zeke at nagpaalam na bibili ng pagkain namin.

"Did you eat?" Tanong ni Kuya kaya umiling ako. Inalok niya sa akin ang mga fruits na nasa table.

"Aantayin ko nalang si Zeke Kuya. Bibili naman siya."

Isang katok ang dahilan kaya napalingon kami pareho sa pinto. It was a doctor and Kuya immediately went to talk to him kaya tumayo na rin ako.

"Mr. Perez. Your mom is now on a stable condition pero kailangan pa rin namin siyang obserbahan for a few days." The doctor said kaya nakahinga naman kami ng maluwag. "Good thing hindi naging malakas ang impact sa kanyang ulo and didn't cause any internal bleeding."

"Kailan po magigising si mommy?" Kuya asked. Kahit naman siguro maayos na ang lagay ni mom ay hindi pa rin maiaalis sa amin ang mag-alala not until she's conscious.

"We don't know exactly that is why we need few more days to observe her. Now, if you'll excuse me."

"Thank you, doc."

Pagkatapos namin makausap ang doktor ay tinawagan niya agad si daddy para sabihin ang balita sa lagay  ni mommy. Kuya mentioned that daddy is in Cebu but he's on his way back.

Ilang minuto ang nakalipas nang bigla ulit makatanggap ng tawag si Kuya. "Stay here." Aniya at lumabas ng room. And siyempre dakila akong curious sa mga bagay bagay ay lumabas rin ako ng kwarto.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon