Chapter 11: Birthday Party

271 23 0
                                    

Yna's POV

"Happy birthday baby." Niyakap ako ni mommy habang ako naman ay kinusot kusot pa ang mga mata mula sa pagkakagising.

"Thank you my." At sinuklian ko naman siya ng halik sa pisngi.

"Oh sya, bumaba ka na at nagaantay na ang breakfast. Ipinagluto kita ng paborito mo."

Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng aking kwarto.

Pumunta ako sa banyo at nagsipilyo. Kahit na inaantok ay pilit ko paring dinidilat ang mga mata ko. Sobra hatinggabi na rin kasi nang nakauwi ako kanina. Mabuti nalang at hindi na ako kinulit ni mommy sa late kong pag-uwi. Napalaam kasi naman pala ni Ely kila mommy na medyo malilate kami ng uwi at sinigurado naman raw niya na ihahatid niya ako sa bahay nang ligtas. Ewan ko ba at parang hindi manlang nagalit sakin si mommy. Pero si daddy medyo galit ng very very light dahil bakit raw pinayagan ako ni mommy at mukhang chill lang siya. Ang mahalaga eh hindi na niya ako inusisa pa, at alam naman ni daddy na birthday ko kaya siguro ay pinagbigyan na niya ako.

'I like you George and I'm dead serious.'

"No!" Naghilamos ulit ako nang maisip ko ang mga katagang 'yon. "Baliw talaga 'yon! Nakakainis!"

Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba sa dining. Mabuti nalang at wala kaming pasok ngayon. Free day dahil acquaintance raw kahapon at pagod ang mga estudyante lalo na sa mga pumunta ng after party.

"Arf.. arf.." tumakbo palapit sa akin si Matcha at niyakap ko naman siya pagkatapos niya akong dilaan sa pisngi.

"Matcha baby! Babatiin mo rin ba ako?" sabi ko sa kanya at umikot ikot lang siya sa harap ko habang winawagayway ang kanyang buntot.

Isang chowchow si Matcha, at dahil fluffy siya ay enjoy talaga ako lagi kapag niyayakap ko siya. Para siyang isang malaking teddy bear!

"Happy birthday monster baby sis." bati ni Kuya at nilahad ang kanyang open arms para yakapin ako.

Niyakap ko naman siya. "Tsk, asan yung regalo ko?"

"HAHAHA. Akala ko eh okay na yung yakap ko hindi pa pala." May kinuha siya sa kanyang bulsa at binigay ito sa akin.

"Wow. Wala nang bawian to ha? Akin na talaga 'to?" inabot niya sa akin ang isang VIP ticket sa concert ng pinakaborito kong banda!

"Yiiee love you! Alam ko naman talagang mahal na mahal mo 'ko eh. Pakipot ka pa."

"Ewww!" at nagkunwari pang nandidiri sa sinabi ko.

"Tsk. Panira ka nang moment." At sabay naman kaming natawa.

"Happy birthday hija." biglang sumulpot sa harap ko si Mnang Ging at binati ako.

"Thank you Manang Ging.",nginitian ko siya at niyakap.

"Nako dalagang dalaga na talaga ang alaga ko at napakaganda na.

"Kayo talaga manang inuuto niyo naman ako eh. Sige ka baka maniwala ako.", tumawa naman siya.

"Oo nga manang, wag niyo masyado purihin at baka maniwala." Mapang-asar na sabi ni Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang!"

"Oh siya at pumunta na kayo doon at inaantay na kayo ng mommy at daddy niyo sa mesa."

"Sumabay na kayo sa amin manang. Para mas masaya."

"Nako eh-"

"Oo nga manang, hindi naman na kayo iba sa amin."

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon