Chapter 02

701 39 24
                                    

First day

Yna's POV

"I like you Yna." he said while squeezing my hands.

"Z-Zeke?" I tried to remain composed pero hindi ko maitago sa loob ko ang kilig. His hands on mine is more than enough to make my heart flutter.

Salubong ang mga kilay ko at pilit na iniintindi ang kanyang sinabi. Natawa naman siya.

"I'm okay." He sighed then smiled. "Gusto ko lang malaman mo na.. I like you. I really do.. since we were kids."

I was too stunned to respond and even move. Why is it so easy for this guy to make me feel numb for a moment?

Humakbang siya papalapit sa akin. Parang nakuryente ang buong katawan ko nang hawakan niya ang aking pisngi. Unti-unti niyang nilapit at hinilig ang kanyang ulo palapit sa akin. Halos magkalapit na ang aming mga mukha. Sinuri niya ang aking mukha na para bang nais niya itong imemorya. Hanggang sa tumigil ang kanyang mga titig sa aking labi.

'Oh Lord hindi ko naman inexpect na agad agad niyong ibibigay yung birthday gift ko. Di man lang ako nakapagprepare o kahit magtoothbrush man lang! Pero salamat po talaga Lord!'

Ipinikit ko ang mga mata ko nang tuluyan nang inangkin ni Zeke ang aking labi.

His lips are soft like an ice cream. His kiss isn't passionate but it was too sweet for my thoughts to wander. Ramdam na ramdam ko na nais niya akong ingatan.

His lips stopped touching mine. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Then the next few moments shocked me.

"Fudge–, anong ginagawa mo dito?!" Halos mapamura nalang ako habang nakikita siyang nakangisi.

Why is he here? Where is Zeke?

He didn't answer me. Ang mukha niya ay walang emosyon.

"H-How on earth you're here El–"

Hindi na niya ako pinatapos at agad na akong sinunggaban ng halik.

Narinig ko ang malakas na pagtunog ng alarm clock at agad ko iyong hinigit at pinatay habang nakapikit. Sinubukan kong iangat ang sarili para mapasandal sa headboard ng aking kama. That's when I realized..

"Ahh!" Hiyaw ko pagkatapos kong maalala ang eksena kanina. Napabalikwas pa ako sa kama bago sinampal-sampal at kinurot-kurot ang sarili.

Napatayo ako sabay hilamos ng aking mukha at ginulo ang buhok ko.

That is not happening!

"What the–, it's just a dream. Y-Yeah. It's just a dream." I comforted myself sabay sampal ko sa dalawang pisngi. Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na panaginip nga lang ang lahat.

"Ouch!" Inda ko nang may biglang bumato sa akin ng tsinelas.

"Oy, gumising ka na! Unang araw ng klase mo ngayon di ba?" Bungad ni Kuya nang pumasok sa kwarto ko. Kitang-kita naman niyang gising na gising na ako. Ang labo talaga!

"I hate you! Why did you do that?!"

Natawa siya sabay sandal sa pinto. "You're so loud. Akala mo naman sound proof 'tong kwarto mo". Inirapan ko siya.

"Whatever! Just get out of my sight!" sabay hagis sa kanya ng tsinelas na ibinato niya sakin kanina.

Patuloy pa rin sa pagtawa ang kapatid kong hukluban.

"Get out Kuya!" Sabay tapon ko nung kapares ng tsinelas kanina.

"Okay okay. Lumalabas na yung usok sa ilong mo. Mukha ka talagang–" he keeps on laughing kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Love you George!"

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon