Chapter 45

73 4 0
                                    

Luna's POV

"Isa., dalawa.. tatlo. Ay tang—a. Ang tanga tanga. Hehe." Pahina nang pahina na saad ni Gio nang bigla siyang pagtinginan ng mga tao. "Why so gwapo Gio, mah men?" Kanina pa kasi siya naglalaro ng hindi ko alam kung anong laro ba yang nilalaro niya dahil wala naman akong paki.

At guys, required ba talagang magmura kapag naglalaro?

"Napakaingay mo." Tumayo ako at lumipat sa kabilang bahagi ng hallway at doon napagpasyahang maupo. Kanina ko pa gusto saktan itong si Genesis dahil panay tulak sakin ang ginagawa niya habang naglalaro. Ilang mura na rin ang narinig ko kaya tuloy kami pinagtitinginan ng mga tao.

Hihikab-hikab akong naupo sa kabilang side dahil inaantok pa talaga ako.

Nandito kami ngayon sa ospital kung saan naka-confine si Tita Jessica. Kanina kasi ay nagtext si Zeke kaya nalaman ko ang mga detalye nang isinugod rito si tita kahapon.

Mabuti nalang at saktong wala akong pasok ngayong kahapon kaya sumabay na rin ako kay Zeke papunta rito para makabisita kay tita Jess.

"Inaantok ka pa rin?" Tanong ni Zeke na kararating lang pagakatapos bumili ng pagkain kaya tumango naman ako.

Hindi kasi ako nakatulog kagabi nang maayos. Paano ba naman kasi ay hindi ako tinantanan ni Rigel. Talagang sumugod siya sa bahay dis oras ng gabi at hinahanap niya si Georgina sa akin. Eh ako nga 'tong iniwan nila ni Zeke kahapon sa coffee shop. Solo flight ang lola niyo kahapon. Mga maduga.

Ito namang si Georgina aba't naka off ang telepono nakaka high blood! Kaya sino ba naman ang hindi mag-aalala? Missing in action ang eksena ni ate ghorl! Tas hindi man lang namin alam paano kokontakin.

Isa pa 'tong si Ezekiel, naku! Itatampal ko talaga sa mga pagmumukha nila mga selpon nila eh. Panay rin ang text ko kay Zeke pagkatapos nila akong iwan sa coffee shop kahapon pero hindi man lang ako nirereplyan! Wala pa man rin akong load pantawag. Ramdam na ramdam ko ang pagiging dukha.

"Uy, sorry na." Ani Zeke at iniabot sa akin ang isang can ng cold coffee. Balak pa yata ako suhulan ng loko.

"May dignidad ako Ezekiel. Galit pa rin ako. Tigil-tigilan mo'ko, matatampal kita." Saad ako saka kinuha ang kape mula sa kanya. Natawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero mas natawa lang siya lalo. Wirdo!

"Nakakatangna kasi kayo. Ano ba naman yung magtext kayo kung nasaan kayo?"

"Asus, tampo yan? Pasensiya ka na. Hindi ko na rin kasi napansin mga text mo. Masyado mabilis ang pangyayari at nagmamadali kaming pumunta rito."

Gets ko naman ang sitwasyon nila pero nag-alala lang naman talaga ako. Malay ko bang kung anong nangayri at biglang missing in action ang dalawa. Baka mamaya kinuha na pala sila ng mga nakaputing van at isinikid sa sako.

Ano ba naman yung magreply siya kahit isa lang di ba? Mayaman naman sila. Kabawasan ba sa yaman nila ang pisong load?

"Nasaan na ba yung babaita na 'yon?" Pag-iiba ko ng usapan. "Lintik lang talaga. Iniwan niyo na nga ako kahapon at hindi pa rin nagpapakita si Georgina hanggang ngayon."

Kanina pa kasi kami dito sa ospital. Mga isang oras na rin. Nadalaw na rin namin si tita na wala pa ring malay. Pagkarating namin ay si Kuya Charles, Manang Ging at itong bwisit na si Genesis lang ang nadatnan naming nagbabantay kay tita.

"Parating na 'yun. Antayin nalang natin." Ani Zeke saka nagbukas ng chichirya.

Eh ano pa nga ba? Alangan namang umalis kami agad-agad. Sasabunutan ko pa ang babaitang 'yon.

Ilang minuto rin ang nakalipas nang sa wakas ay dumating na ang mahal na prinsesa. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad at nakatingin sa kawalan. Dinaig ng lola niyo ang pagsesenti. May pa slow-mo effect na akala mo eh kinaganda niya.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon