Chapter 48

70 1 0
                                    

Hi everyone! Merry Christmas!

Thank you for your support sa story na ito. Hope you can also leave comments so I'll know your thoughts about it and please also vote if you find it good and interesting. Maraming Salamat!


Yna's POV

"A-yaw." Tanggi ko. Kahit ilang beses pa ako kulitin ni Kiko ay hindi pa rin ako papayag sa gusto niyang mangyari.

Tinignan niya ako ng masama. Kahit papaano ay ramdam ko ang inis sa mukha niya. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Kiko bago ulit magsalita. "Ano ba naman yung lalapitan mo lang?"

"Ayaw ko nga. Nakakahiya. Eh kung ikaw na lang?"

"Sasamahan nalang kita –"

"Ah basta, ayoko."

Isang napakalalim na buntong hininga ang muli kong narinig mula kay Kiko. Ang kulit kulit naman kasi niya.

Pinipilit niya lang naman kasi akong makipagkilala sa isa sa mga pinakasikat na artist ng Pilipinas – si Giovanne Custodio, isang tanyag na pintor. Maihahalintulad ang kanyang mga obra sa mga gawa nila Juan Luna. Kumbaga, he's the modern day counter part of the great artist.

Nakaupo ngayon si Giovanne sa kabilang mesa na katabi lang mg mesang inuupuan namin. Na-ikwento ko kasi kay Kiko na isa si Giovanne sa mga hinahangaan kong artist sa bansa. Hindi rin nagtagal at pinagsisihan ko pang sinabi ko iyon sa kanya dahil mas supportive pa siya sa pagka-supportive ni mommy. Talagang gusto niya akong itulak na makipagkilala rito para naman raw may social life ako. Anong connect? Wala di ba?

"Teka nga, napapansin ko lang. Parang –"

"Parang guma-guwapo ako?" Oh wow! Si Kiko ba talaga 'tong naririnig ko? Akala ko pa naman ay naiiba siya kila Ely at Gio na kulang nalang ay ipagkalandakan na isa sila sa mga bukod na pinagpala.

"Hindi. Parang mukha kang –." Agad na bumusangot ang kanyang mukha at mabilis na lumagok ng red wine. "Mukha kang nabasted."

"Alam mo, diyan nagsisimula 'yang mga crush crush na 'yan. Sa pang-aasar." Halos mailuwa ko an kakasubo ko lang na pagkain sa overly confidence nitong si Kiko. "Crush mo 'ko no?"

"Kapal." Pinandilatan ko siya pero tanging malakas na tawa lang ang isinagot niya.

The event haven't started yet. Alas-otso pa talaga magsisimula ang main event kaya heto kami ni Kiko at panay kain lang ang ginagawa.

"Wanna check out the paintings and artifacts out there?" Yaya ko kay Kiko at agad naman siyang pumayag at sinamahan agad ako.

"Wow! Totoong gold ba ang mga 'to?"

"Gusto mo nakawin natin? Ta's sangla natin para malaman nating kung pwede na ba tayong tumigil sa pag-aaral at magbuhay prinsipe at prinsesa habambuhay."

Halos umikot ng three hundred - sixty degrees ang eyeballs ko sa sinabi ni Kiko. Kung gaano siya pinagpala sa kagwapuhan ay siya namang ubod na ka-cornyhan ang taglay niya.

"Sige, mauna ka na. Balitaan mo nalang ako kung magpapapiyansa ka na." sabat ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Bakit? Tutubusin mo ba ako?"

"Hindi." tugon ko at iniwan siya saka ako lumipat sa pagtingin ng iba pang mga artifacts.

"Huy Yna, joke lang!" rinig kong tawag ni Kiko. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa tabi ko. "Ang cute cute mo talaga kapag na-aasar ka." aniya at mabilis na pinisil ang right cheeks ko.

"Kiko!"

"Shh. Bawal ang maingay dito – uy ang ganda oh!" tukoy niya roon sa necklace na punong-puno ng diamonds. "Bagay "yan sayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now