Chapter 07

246 29 0
                                    

Confession

Yna's POV

Nakatingin lang ako sa papalubog na araw, nag-iisip ng magagandang bagay to fix my thoughts.

Pero di rin nagtagal ay bumabalik sa'kin ang mga alaala na kasama ko si Zeke. He's one of my truest friend. My confidant. Isa siya sa mga taong naniwala sa'kin noong mga panahong hindi ako nagtiwala sa sarili ko.

It's not his fault. I shouldn't have blamed him for this. Ako naman ang nahulog di ba? Sabi nga nila, unang mahulog talo.

Noong umpisa palang, ako na ang mag-assume ng mga bagay. There's one point in time na in-assume ko na may gusto rin siya sa'kin because of how he treats me. Naniwala ako nahuhulog na rin siya sa'kin. Pero ang hirap nga talaga kapag puro assumptions lang. Sa huli ikaw lang rin naman pala ang unang masasaktan.

Napabuntong-hininga ako at patuloy na nagmumuni nang bigla ko nalang maramdamang may tumabi sa'kin.

"Mind if I sit with you?" Napamulat ako nang dahil sa nagsalita.

Umupo siya sa tabi ko at diretso ang tingin sa papalubog na araw. Hindi niya ako nilingon pero alam kong ramdam niya ang mga hikbi ko.

Natawa ako nang bahagya. Kabute ba siya? Lagi nalang siyang sumusulpot sa paningin ko.

"Ikaw na naman?" nilingon ko pag-aakalang lilingon rin siya sa akin. Pero dahil kumag siya ay hindi niya 'yon ginawa. Malalim akong napabuntong hininga. "Lagi ka nalang sumusulpot sa mga panahon na hindj ko ine-expect."

Itinungkod niya ang dalawa niyang kamay sa likod at tumingala. I heard him chuckled pero it doesn't sound sarcastic. "Was that supposed to be a compliment?"

"Hmm depende sayo." Napahalukiphip ako at nilihis ang paningin sa pagkagandang sunset.

Napuno rin ng ilang minutong katahimikan ang pagitan naming dalawa. Ni isang beses ay hindi pa siya lumingon sa gawi ko o kaya magtanong ng mga bagay na may kinalaman sa nangyari kanina.

"Nakakapagod rin pala no?" panimula ko. "Yung nag-aantay ka nang walang kasiguraduhan. Yung tipong nakakalimutan mo na yung sarili mo. You're chasing someone who doesn't want to be chased. Oh right, he doesn't even know he's been chased."

Napatigil ako at napangiti nang bahagya. Tulala sa araw na tila nais nang magpahinga.

"Pero alam mo pagkatapos nang lahat ang dami kong narealize. One of them is that you can't have everything you wanted. Kahit ano pa ang effort mo. Kung hindi talaga para sa'yo then hindi talaga ito ibibigay sa'yo."

Nilingon ko siya ngunit hindi pa rin kumikibo ang kumag. He just staring at the beautiful sunset.

I hate to admit pero gumagaan ang loob ko kasama ang kumag na'to. And I hate to say na napakagwapo talaga ng isang 'to. Ang umaalon niyang buhok na mas pinaalon pa ng paghampas ng malamig na hangin. His perfectly-shaped nose bridge. Ang mga talukap niya sa mata na kasing haba ng sa nga babae. His sexy adam's apple. Ang mapupula niyang labi- shit ano ba 'tong sinasabi ko?

Iniwasan kong tignan siya dahil baka masyado na ang papuring ginagawa ko sa kanya.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko pero walang sumagot. Bingi ba siya? Para tuloy akong timang na nagsasalita mag-isa. Ang bait bait ko na nga sa kanya sa lagay na'to. I let him intrude my privacy.

"Huy!" tinapik ko siya sa kanyang braso para makuha ang kanyang atensyon. Pero siya pa yata itong nakuha ang aking atensyon. Sht na malagkit ang tigas ng muscles!

"Shit. What's your problem lady?salubong ang kilay at kunot noo niya akong nilingon sabay hipo sa braso niya.

"Uso rin magsalita para naman mukhang may kausap rin ako." Baling ko sa kanya.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon