Simula

71 13 5
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang hawak ang gitara ko. Kumusta na kaya ang Manila? Syempre Manila parin..magulo.


Nasa Negros Occidental ako at wala akong ibang ginagawa dito sa bahay bakasyunan ni Lola kundi ang tumambay at uuwi lang sa bahay kapag magpapagabi na.


I don't know if dito na ako mag-aaral o sa Manila pa ba. Parang ayoko ng bumalik dahil hindi ako kumportable don lalo pa at gusto ko sa mas matahimik na lugar..iniiwasan ko ang mga bagay na maingay sa pandinig ko at nakakasira ng mood ko.


Kapag ako 'yong nag-iingay okay lang pero kapag ibang tao na ay nagiging iritado ako. Hindi naman ako palasalita ang sinasabi kong nag-iingay ako ay iyong pagigitara ko lang.


"Hala, lantawa Brielle ang apo ni nay Pauline kaguwapo. Bagay gid kamo kay parehos hamis kag nami lahi."

(Hala, tingnan mo Brielle ang apo ni nay Pauline sobrang guwapo. Bagay kayo kasi parehas kayong maganda ang kutis at maganda ang lahi.)


Kahit papaano naman ay marunong akong magbisaya. They are called Hiligaynon people or Ilonggo at ang tawag naman sa mga babae ay ilongga, ang cute nilang i-address ng ganon.


Tumayo ako ng mas lalong dumarami ang grupo nilang nagsidatingan. Maliligo yata sila sa malapit na talon dito.

"Hi!" Napahinto ako at lumingon sa babaeng tinawag ako.

"What?" Malamig na sabi ko. Natural na malamig naman talaga ang boses ko.

"Ipakikilala ko sana sayo si Brielle..kaibigan ko-"

"Fel, kahuluya nugay na pagsabada kag isa pa indi man kinanlan mangilala pa hehe-" I cut her off.

(Fel, nakakahiya huwag na nating istorbohin at isa pa hindi na naman kailangan kilalanin pa natin hehe-)


"Nice to meet you, Brielle," natigilan sila sa sinabi ko at tumalikod na ako ulit.

"Teka, name mo po?" Sabi nong Fel ang pangalan.

"Harper." At tuluyan akong umalis.


Buti nalang hindi naman nila napansin ang panginginig ng labi ko at bakit nga ulit ako nakipag usap don?



Brielle..a strong woman of God and a warrior of God.

Can We Fix It (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon