Kabanata 22

19 6 0
                                    

---

Hindi naging madali ang relasyon namin ni Hera, sometimes we will fight over little things and after that she won't talk to me.

At 'yon ang hindi ko kaya, ang hindi niya ako kausapin. Ang layo namin sa isa't-isa at ayokong nag-aaway kami kasi ang hirap niyang suyuin sa tawag, vc o text man yan.

[Talk to me na lang when you're feeling okay. I'm sorry.]

Pinag-awayan lang naman namin yong late kong reply. At yong kahapon naman ay tungkol sa kanya na nakalimutan niyang kumain ng agahan. Inaway niya ako dahil sinusungitan ko daw siya, eh nagsasabi lang naman ako na baka magkasakit siya.

Naligo muna ako at pagkalabas ko ay bumungad agad sakin ang maingay na tunog ng cellphone ko.
It's a video call from Hera. Agad na napangiti ako dahil tumawag siya.

"Hi, babe." Bungad ko at nahiga sa kama ko na hindi pa nakasuot ng sando.

"Where are you?"
Takang tanong niya at nakita kong nakaupo siya sa study table niya at maraming mga notes at librong nakakalat don.

"Bakit ang tagal mong sagutin ang call?"

"I'm in my room. Sorry naligo ako." Natawa ako nang mahina dahil tunog nagseselos na naman siya. Three months na kami at napapansin kong palagi siyang nagseselos at iritado sakin.

Wala naman akong iba at hindi ko naman siya ipagpapalit..

"How's your day babe?"

"It's fine. S-sigurado ka bang wala kang iba diyan? Maiintindihan ko n-naman at hindi ako magagalit–"

"I love you, Rara ko." I cut her off and smile at her cutely.

Sinamaan niya ako ng tingin habang may ngiti sa kanyang labi. Ang cute.

"Wala akong kabit rito." Nagkakaganito siya siguro dahil hindi na naman ako nakabalik don dalawang buwan na.

"I love you.." she wrinkle her nose and giggle.

"Miss na kita cutie Rara."

"Miss narin kita."
I wanna hug her so tight.

"I want to hold you babe while talking to you.." nakatitig ako sa mukha niya at nagbabasakaling lalabas siya sa screen ng cellphone ko.

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Kailan ka babalik dito?" Tanong niya pero nakaiwas ng tingin sakin.

"I don't know babe.. I'm sorry." Napabuntong hininga ako dahil ang dami ko talagang ginagawa.

"It's okay. I understand." Mahinang sambit niya.

"You always take care, Rara and please huwag papagutom."

Naalala ko hindi naman na ako katulad dati, na sobrang nag-aalala dahil sa pinangagawa ni Brielle sa kanya. Mabuti na lang tumigil na ang mga iyon at tinupad nila ang pangako nilang tantanan na nila ang girlfriend ko.


Hindi ko alam pero natagpuan ko na lang ang sarili ko kinabukasan na nasa Bacolod na at kayakap na si Hera. Babalik din naman ulit ako bukas ng gabi kaya sobrang sinulit ko ang pagbisita ko sa kanya.

Hanggang ngayon nakakatuwa kapag naaalala ko ang gulat sa mukha ng girlfriend ko nang makita niya akong nasa labas ng bahay niya.

"Hala nandito ka?" Bungad niya sakin at nilapitan ako. Nakabihis na siya ng school uniform niya.

"Good morning, my Rara." Malawak akong ngumiti at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning." She chuckled softly and hugged me tight. Ito talaga ang kailangan ko..

"Hatid na kita." Wala akong kotseng dala pero sasabayan ko siyang sumakay sa jeep.

Maraming studyanteng pasahero ang sinakyan naming jeep at mabuti nalang nagkasya pa kaming dalawa.

Kalong ko ang bag niya at pasimple kong pinagsiklop ang kamay naming dalawa at ipinatong iyon sa hita ko.

"Hi, Kuya Harper," napalingon ako sa pasaherong babae na kaharap namin. Nagsisikuhan pa sila ng kanyang mga kaibigan.

"Naaalala mo pa ba kami, Kuya?"

Nangunot ang noo ko.

Bahagya akong nagulat nang maalala ko na sila pala iyong mga highschool students dati na nagbigay sakin ng letters! Ang bilis ng panahon..

Tumango at napangiti.

"It's nice to see you here again, Kuya." Halos sabay nilang sambit habang may malawak na mga ngiti.

"Good to see you again, ladies."
Pinisil ni Hera ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Stay strong po kayo ni Hera." Nag thumbs up pa sila na ikinatawa ko nang mahina.

"Thanks."

Nang makababa kami sa jeep ay nag-usap pa kami saglit.

"Study well." Hinalikan ko siya sa pisngi at kinurot nang mahina ang kanyang baba.

"Don't be jealous. Halikan kita sa lips kapag hindi ka tumigil sa kakasimangot."
Sinamaan niya ako ng tingin.

"I'm not jealous!" Mahinang kinurot niya ako sa braso ko.

"Ingat ka pauwi ha? Matulog ka na din para makapagpahinga ka."
Malambing niya akong niyakap at hinalikan sa ulo.

Ewan ko kung makakatulog ako nito mamaya.

Aalis na sana siya nang hilahin ko siya sa bewang niya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"I love you."


"I love you, Harper."

Can We Fix It (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن