Kabanata 25

24 5 0
                                    


---

Naging normal naman ang takbo ng araw at buwan hanggang sa gumraduate na nga ako.

Natapos ko na ang pag-aaral ko at nakatanggap ng diploma at awards.

Sobrang tuwa ang nararamdaman ko dahil unting-unti nang natutupad ang mga pangarap ko..pero may kulang.


She left me.

Tama nga sila, may dadating at aalis rin naman.

Isang araw nawala nalang sila bigla ng kanyang pamilya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko that time pero tinanggap ko nalang. Anong magagawa ko? Wala na eh.

I still remember how excited I was to go back and visit her in Bacolod.

"Mom, I'm going to bacolod today.. babalik ako bukas ng gabi."
Pagpapaalam ko sa kanila at agad naman akong pinyagan. They're so fond of Hera at naalala ko noong bumisita si Hera dito sa bahay nong nakaraang buwan. Hindi sila matapos-tapos sa kakatanong tungkol kay Hera.

Nang bumabyahe na ako papuntang Bacolod ay hindi ko na siya ma-contact. At napaisip ko na baka may ginagawa siya at hindi napapansin ang kanyang cellphone.

Dumaan muna ako sa bahay ni lola at hindi pa ako nakaalis agad dahil may pinapaayos siya sa kanyang kusina kaya tumulong na muna ako don. At isa pa, paniguradong may pasok si Hera ngayon. Mamayang hapon pa ang uwian niya.

Nawili ako sa pag-aayos sa kusina at nawala sa isip ko na may pupuntahan ako.

"Harper..ingat ka. Kapag hindi mo kaya, bumalik ka dito sa bahay. Mag-uusap tayo." Iyon ang sinabi ni lola bago ako lumabas ng bahay. Nagtaka ako kung bakit iyon ang paalala sakin ni Lola.

Nang makarating ako don ay nagtaka ako dahil ang bahay nila ay walang kailaw-ilaw. Baka nawalan sila ng kuryente..

"Tao po?"

"Hera! Tita!" Masayang tawag ko.

"Tita Ashley? Ave, nandito na ako! Nandiyan ba kayo?"

"Tao po!" Sigaw ko dahil kanina pa ako dito sa labas at wala talagang may lumalabas.

"Hera nandiyan ka ba?!" Ulit ko pero wala parin. Nakaramdam na ako nh kaba sa oras na iyon.

"Hijo?" Napalingon ako sa matandang lumapit sakin.

"Magandang gabi po 'Nay.." bati ko sa kanya na nakangiti.

"Hinahanap mo ba ang nakatira diyan?" Sabi niya at nakaramdam ako ng tuwa baka alam niya.

"Opo, nasan po sila?"

Nangunot ang noo ng matanda.

"Aba'y isang buwan ng walang tao diyan. Umalis na at mukhang malaki ang problema ng pamilyang iyon."
Nagulat ako sa narinig ko. Isang buwan na?

"Po?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko dahil walang binanggit sakin si Hera, nag-uusap pa naman kami nitong mga nakaraang araw ah pero bakit wala na sila dito?

"Matagal na silang umalis diyan."
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at mararamdaman ko.

She left without telling me about her plans.

"S-saan po pumunta?" Nanlamig ako at pinigilan ang sarili kong bumagsak nalang bigla sa lupa. Hindi ako mapaniwala..

Wala akong kaalam-alam. Hindi ko alam na isang buwan na pala akong umaasa na may babalikan pa ako dito at may aabutan akong Hera pagkadating ko.

"Walang may nakakaalam dito, hijo. Walang sinabi eh.."

I tried to contact her again and again but failed. She's not available in messenger now and in facebook.

She's nowhere to be found.

Mabigat ang dibdib kong umalis sa tapat ng bahay nila at umuwi agad sa Manila. There's no way I will stay here!

I promise to myself that I will never go back to that place. Never again.





I kept myself busy at pilit kung kinakalimutan ang mga araw na magkasama kami. I want to forget the pain but I couldn't. I couldn't stop myself thinking about her, her smiles, her eyes, her lips, our kisses, cuddles and laughters.

How could I forget all of that Hera?

"Stop it Harper. Puro ka inom."
Malamig na sambit ng pinsan kong si Maxwell pero hindi ko siya pinansin.
Hindi ko nga alam kung bakit sila nandito eh.

"Ano magpapakalunod ka sa alak?" Inagaw sakin ni Stephen ang hawak kong bote na kalahati nalang ang laman.

"Uwi na nga kayo," taboy ko sa kanila at pilit na kinukuha kay Stephen ang iniinom ko.

"Kahit ano pa karaming alak ang iinumin mo ay hindi parin siya rito magpapakita sayo."

"Hayaan mo na muna siya Harper. Magkikita din kayo balang araw. Mag-iisang taon ka ng ganyan!"

"Live a healthy lifestyle again yong walang inom at yosi. Nag-aalala na ang pamilya mo."

"I love her but why the fuck she leave me like that?"

Putangina talaga. Ang sakit tanggapin.

"Hindi natin alam ang rason niya, Harper. Alam naming masakit iyon para sayo at mahirap tanggapin.. pero sana bumalik ka na sa dati. Iyong hindi ganito, pinag-aalala mo kami."

Tinapik nila ako sa balikat ko at tuluyan na akong hinila patayo at inalalayan palabas ng bar.

Maiintindihan ko naman siya kung sakaling aalis man sila. Re-respetuhin ko naman 'yon at hindi naman ako manggugulo. Hindi ang ganito na hindi ko alam kung nasaan siya, koung maayos lang ba siya..

Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana maayos kayo.

Ito yong huling araw na magsasalita ako tungkol sa kanya. I don't want to see her again.. ganoon din naman siya sakin.

Mabuting magkalimutan na kaming dalawa.

Can We Fix It (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon