Kabanata 17

24 6 0
                                    


---

Napahikab akong umupo sa dulo ng kama ko at tinitigan ang cellphone ko. She's not answering my calls. Dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sakin.

It's been 3 months already at hindi pa ako nakakabalik ulit sa Bacolod. I wanted to visit her pero hindi ako nakakatiyempo dahil maraming pinapagawa si Dad.

Hindi na siya katulad ng dati na talagang mahigpit at strikto, hinahayaan na niya ako sa mga disesyon ko sa buhay, ganun rin si Mom.

Pero dahil sa ako ang panganay, syempre responsibilidad kong akuin ang mabigat na trabaho sa business namin. My passion is photography but I want also to be an interior designer..I can do both naman.

[Rara, answer my calls please.]
I texted her.

Naghintay ako ng ilang minuto pa pero wala akong reply na natanggap. Mabigat ang dibdib kong nahiga sa kama at tamad na pumikit ng mga mata. Inaantok ako pero hindi ko magawang matulog.

I missed her so much and I want to see her badly.

Maaga akong nagising at dala-dala ang maliit kong backpack na itim pababa ng hagdan. Nakasalubong ko si Mama na kunot-noong nakatingin sakin.

"I'm going to bacolod Mom. I'll be back after a week." Sabi ko.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Hera.

"Okay. Sino kasama mo nak?" Tanong niya sakin at malambing na yumakap sa braso ko. Malaki ang pinagbago ni Mom simula nong nawala ako ng dalawang taon sa puder nila.

"Ako lang 'Ma. Si Dad nasan?"

"Nasa library. Ako na magpapaalam sayo. Maiintindihan ka non at isa pa ilang buwan ka nang nagtatrabaho sa Daddy mo. Lalo pa at sinasabay mo 'yong pag-aaral mo kaya alam kong napapagod ka din."

"Thank you 'Ma." Napangiti ako.

"And I'm sorry for making you feel that you're not enough.."

"Ma, it's all in the past now. I know you've changed and I'm happy that you were. You and Dad are always the best for me. At alam ko namang para din sakin yon..aminado naman akong nasaktan ako pero naiintindihan ko naman po." Hinalikan siya sa pisngi.

"I'm a proud Dad. You know, look at you now..you have grown into a great man." Napalingon ako kay Dad na nangingiting tinapik ang balikat ko.

Sabi sa inyo eh nagbago na sila.

"Ngayon ka na aalis? Mag breakfast ka kaya muna?" Malambing na sambit ng mother ko.

"Kumain ka muna Harper."
Hindi na ako nakatanggi sa sinabing iyon ni Dad.

Matapos kong kumain ay pumunta na akong Airport. Isang oras at dalawamput limang minutong byahe lang naman galing Manila papuntang Bacolod. At kung sa ferry ako sasakay ay aabutin ako ng 20 hours bago makarating don.

[Babe.:<]
Ilang araw ko na siyang kinukulit sa text pero hindi siya nagre-reply.

[I don't want to talk to you anymore. May iba na ako.]

Nakatanggap na naman ako ng ganitong reply..pero hindi ako naniniwala. Baka pagod lang siya sa school diba? Baka wala lang siya sa mood.

[May boyfriend na ako. Sorry.]
Nangunot ang noo ko sa reply niya.

[Ayokong mag-aaway na naman kami dahil dito sa mga text mo.]
Napabuntong-hininga ako sa huling text na binasa ko.

May boyfriend naba talaga siya? Kaya ba hindi na siya nagpaparamdam?
I did not reply. Ayokong pag-usapan namin to sa text, mamaya na ako makikipag-usap kapag magkaharap na kami.

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko dahil sa inis at sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako makapaghintay na makita siya at makausap.

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now