Kabanata 20

33 6 0
                                    

---

"Nakailang girlfriend ka na?" Tanong niya sakin. Inaya ko siyang lumabas at ang cute niya nga dahil panay ang yuko niya, hindi daw siya sanay na lumabas na kami lang dalawa.

"Ikaw palang Hera." Ngiti ko at pinunasan ang pawis sa noo niya. Pawis na siya sa paglalakad namin.

"Ha? Talaga?" Hindi makapaniwala niyang sambit at nilingon pa ako na namumula ang pisngi.

"Seryoso, ikaw unang girlfriend ko. Eh ikaw, nakailang boyfriend na?" Tanong ko at hinila siya palapit dahil lumalayo na naman siya sakin. Madami kasing tao ngayon sa city park baka mawala pa sakin eh.

"Ikaw palang din." Nilingon niya ako at nginitian.

"Swerte ko talaga." Ngisi ko at natawa naman siya.

Hinila ko siya sa malapit na upuan sa tabi ng mga food stand. Maraming nagbebenta ng mga street food ngayon at nakakatuwa dahil nagustuhan ni Hera dito.

"What do you want to eat?" Napatingin sa kanya. Nakaupo na siya at ako naman ay nakatayo sa tabi niya.

"Ah ikaw nalang-"

"Hey, we're at the public though–"ay tangina.

Ang sakit mangurot. Hindi siya makapagsalita at umiwas nalang ng tingin sakin.

"Joke lang babe. Ako nalang bahala bumili?"Bawi ko at kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mukha at leeg niyang pawis.

"Amoy baby kapa. Lipat tayo babe?pawis ka dito oh."

"Hindi, okay na ako dito. Ikaw nga oh pawis din." Bahagya siyang napanguso at nangingiting hinila ang kamay ko kaya napayuko ako. Tangkad ko pa naman.

Hirap pigilan ang kilig. Sino na namang lalaki ang hindi kikiligin sa babaeng maalaga at pupunasan ang pawis mo?

"Nawa'y lahat."

Parehas kaming dalawa napalingon sa mga dumaan. Nangunot ang noo ko nang makitang nanunuod sila samin.

"Ang guwapo at ang ganda naman nila. Perfect match." Dagdag nang panibagong dumaan.

"Ah, gusto mo lipat na tayo?" Napalingon naman ako kay Hera.

"You seem uncomfortable here," nahihiyang sambit niya.

"Okay na ako dito, okay na ako kahit saan basta ikaw kasama ko."
Napangiti ako at mabilis siyang hinalikan sa ulo nang makitang namula na naman siya.

Nagpaalam na muna akong bumili ng street foods.

"Sigurado kang wala kayong importanteng ginagawa sa school niyo? Dalawang araw kana dito,"nag-aalalang sabi niya. Papunta kami ngayon sa palengke at tutulong ako don at syempre magbabantay narin sa kanya..

"Wala. Nakapagpaalam naman ako sa magulang ko at wala ring problema si Lola na umuuwi lang ako don sa bahay para matulog."
Parehas kaming natawa.

Palagi akong nasa bahay nila Hera at nilalandi siya don at iniinis.. I want to spend more time with her..dahil baka ilang linggo pa 'yong hihintayin ko bago ko ulit siya mabibisita rito.

Nakasuot ako ng cap na naka snapback at plain black shirt at naka jogger pants lang ako na grey.

"Ang guwapong bata oh. Nobyo siguro ni Hera."

"Aba bagay talaga sila ng magandang dalaga na si Hera."
Pumalakpak yata ang mga tenga ko sa narinig.

"Taga-maynila ata, paniguradong seryoso dahil nakukuhang puntahan rito."

Napangiti ako. Seryosong-seryoso po talaga ako.

"Harper, magsabi ka lang kapag nababagot ka na at pagod ka na ha?"

Napangiti ako, sarap kiligin kapag siya ang dahilan.

"I won't get tired of you, Hera."

Siksikan na naman ang palengke dahil sa maraming namimili at natutuwa ako dahil madaming bumibili samin.

"Hi, Hera." Napalingon ako sa dalawang lalaking bumibili kay Hera.

Okay lang sakin na kausapin nila si Hera pero huwag lang nila babastusin.

"Kaya hindi ako tinatamad mamalengke dahil sayo, babalik kami ulit bukas."

Sana all babalik ulit. Lihim akong napaismid.

"You take care always Hera, I don't want you to get hurt."
Napatitig siya sakin. Inabot ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"I love you.." I intertwined our hands and made her sit on my lap.

"I love you, Harper."

Maagang naubos ang paninda ni Hera kaya maaga rin kaming makakapunta sa bahay. Isasama ko siya sa bahay at ipapakilala kay Lola. Gusto daw niyang makilala ang girlfriend ko eh, hindi ko naman ipinagdadamot kaya dadalhin ko siya don.

Kabado si Hera na nakasunod sakin at ayaw talaga magpahawak baka daw hindi magustuhan ni Lola. Sus, halikan ko pa siya sa harap ni lola eh.

"Huwag ka nga kabahan." Tinawanan ko siya at hinila palapit sakin at hinalikan siya ng mabilis sa kanyang labi.

What a nice move. Gulat siyang napatingin sakin.

"Kalma ka lang nanlalamig na kamay mo oh." Natatawa kong sambit habang hinihipan ang mga kamay niya.

"Baka mamaya makita tayo ni lola Pauline-"

"Ito na ba yong babaeng mahal mo Harper?" Tanong ni lola at gulat pang nakatingin kay Hera.

Ang ganda talaga ng girlfriend ko..mabait pa.

"Magandang araw po ma'am-"

"You can call me Lola, hija."
Nangingiting sabi ni lola at nilapitan siya para mayakap.

"Lola, si Hera po..girlfriend ko. Hera si Lola Pauline." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Ang gandang bata. Sabihan mo ako kapag pinapaiyak ka ni Harper dahil talagang makakatikim to sakin ng palo." Banta ni lola sakin at tinangay na si Hera papuntang kitchen. Magluluto daw siya at tuturuan niya si Hera.

"Dapat matuto tayong mga babae magluto habang tayo ay bata pa.." rinig kong sabi ni lola habang nagkukunwari akong may kukunin sa kusina para masilayan ko si Hera.

Busy siya! At hindi talaga ako nililingon.

Kanina pa ako pabalik-balik..umiinom ako ng tubig kahit hindi ako uhaw para mapansin niya ako tapos heto't nabusog na ako ng tubig lahat-lahat wala parin.

Sa inis ko ay nilapitan ko na siya at niyakap mula sa likod. Ayan gulat siya tuloy.

Inis niya pa akong tinutulak palayo pero ayaw ko umalis kaya nang nalingunan kami ni lola ay inaakala niyang nag-aaway kaming dalawa.

"Kayo talagang dalawa..huwag kayong mag-aaway. At lalong-lalo na kahit anong mangyari walang may susuko. Suportado ko kayong dalawa at gusto ko kayo na ang magkatuluyan dahil sobrang bagay na bagay kayong dalawa."

"Harper ipangako mo sakin na hindi ka magloloko at mamahalin mo ng tama si Hera."

"Opo lola," malambing na sabi ko at hinalikan si Hera sa pisngi niya.

"Ikaw naman Hera, kahit anong pagsubok ang dumating sa relasyon niyo ng apo ko ay huwag kang sumuko at magtiwala kayo sa isa't-isa."

Pangaral samin ni lola na talagang isina-isip at puso ko na dahil talaga namang hindi ko isusuko si Hera.

Ipaglalaban ko siya at mamahalin ng totoo.

"I love you.." bulong ko sa kanya na ikinasinghap niya ng mahina.

"Mahal din kita, Harper." she whispered back softly..

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now