Kabanata 29

22 4 0
                                    


---

Tanaw ko sa malayo si Harper. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero umuurong lahat ng lakas ko. Paano ko kaya siya lalapitan nang hindi kinakabahan? Mukhang galit talaga siya sakin. Lalo pa iyong tono ng pananalita niya.

Maraming nagbago sa kanya. He looked so professional and mature now. Mas lalo siyang naging guwapo, matikas..at nakaka-intimidate siyang katabi para bang hindi siya marunong ngumiti at magbiro.

Hindi na siya katulad dati. Hindi na siya ang dating kilala kong Harper.

Lihim akong nasaktan nang makitang may babae siyang sinalubong at niyakap. Napahawak ako sa dibdib ko.

At hindi lang 'yon..may bata rin siyang binuhat at hinalikan sa pisngi.

Kung hindi ba ako umalis non at iniwan siya..ay may sariling pamilya na din ba kami? Ikinasal kaya kami? Katulad ng parati niyang sinasabi na papakasalan niya ako kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral ko.

Napatingala ako at pinalis ang luhang nakatakas sa mga mata ko. I'm happy for him..for having a wife and a son.

Parang may punyal na sumaksak saking dibdib at hirap na hirap akong huminga ng maayos. I love him so much at hindi ko kayang makita siyang masaya na sa piling ng iba. Hindi ko pala kaya..

Putangina ang sakit sakit na.

Limang taon ko 'tong dala-dala at nakakapagod na. Sobrang sakit na.

DAYS passed and I'm still soaking in my bed. Crying again and again.

Akala ko kaya kong makita siyang masaya na at may pamilya na pero bakit parang nadudurog ako sa bawat araw na lumilipas?

I still remember when I first saw him. At sobrang saya ko ng araw na iyon dahil tinulungan niya ako. I couldn't forget his smile that day and his scent.

Pagkatapos nagkita kami ulit sa palengke kung saan binubully ako ni Brielle nong nalaman na nagka-crush ako kay Harper.

They will bully and harassed me every time magtatagpo ang landas namin dahil nga may gusto din siya kay Harper..kaya talagang nagiging maingat ako non para hindi ko sila makasalubong.

Mas lumala pa iyon nang nalaman nilang nililigawan ako ni Harper.. palagi ako ang nakikita nila at ginagawang laruan.. muntikan pa nga akong ipagahasa ni Brielle mabuti nalang dumating si Harper.

Hindi ko inaasahang na dadating siya ng araw na iyon. Doon ako mas lalong nahulog sa kanya.

Hanggang ngayon masakit parin dahil siya 'yong naging sandalan at karamay ko sa mga hinanakit ko sa buhay. Ngayon hindi ko alam kung maibabalik ko pa ba ang dati.

Lumabas ako sa kuwarto ko at nanghihinang kumuha ng tubig sa kusina at pagkatapos non ay napaupo nalang ako sa sahig dahil sa nahihilo ako.

"Harper..miss na miss na kita."

"I want to hold you again."

"Gusto ko yakapin mo ulit ako katulad ng dati."

"Mahal na mahal parin kita.."

Panay ang punas ko sa pisngi kong basang-basa ng luha ko.




Malalim akong napasinghap at agad pinalis ang mga luha ko nang makarinig nang katok sa aking pinto.

I check my face first. Maga ang mata ko and my lips looks pale, kitang-kita rin ang sugat sa labi ko na nakagat ko.

Maingat kong binuksan ang pinto at hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko siyang nasa harap ko at may kargang bata..anak niya.

"Bakit?" Mahinang sambit ko at napapaos pa dahil ilang araw na akong iyak nang iyak.

"May niluto ako at napasobra. Sayo na," malamig na sambit niya at ibinigay agad sakin at bumalik na ulit sa unit niya.

Galit siya sakin pero ano ito? Hindi naman ako nagugutom at bakit bibigyan niya ako ng ulam?

Hindi ko alam kung matutuwa ako magmumukmok na naman dahil nakita ko na naman siyang kasama ang anak niya.

I badly want a child too. Pero hindi ko alam kung kaya ko..knowing that he is the only man I want to be the father of my future kids.

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now