Kabanata 9

24 7 0
                                    

---

"Don ka na ulit mag-aaral?" Tanong niya at umiwas ng tingin sakin.

"Don ako magtatapos..plano din yata ni papa na e-training ako para sa business namin.."

"Ingat ka don..at galingan mo sa school." Ang cute niya palagi magsalita.

"Salamat Rara. Ikaw din," natawa nalang ako nang irapan niya ako. Ayaw niya sa Rara eh.

"May gagawin ka ba bukas at sa susunod na mga araw?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Sa bahay lang ako..bakit?"

"Sama ka samin? Bibisita kami sa mga tourist spots dito sa Negros bago uuwing Manila."

"Hindi ko alam kung papayagan ako ni Mama."

"Ipagpapaalam kita syempre. Isasama natin si Ave kasi ang cute ng kapatid mo tapos ikaw hindi–aray," nagbibiro lang ako pero kinurot agad ako.

"Anong hindi?"

"Ouch-tama na. Cute ka sabi ko." Ang sakit mangkurot!

"Sige, sasama ako kapag pinayagan ako ni Mama."

"Sige hambalon ko si mama nga maupod ka."
(Sige, sasabihin ko sa mama na sasama ka samin.)

"Puro ka biro." Inambahan pa akong papaluin.

"Bawal ka magka-crush sa mga yan ha, " nguso ko sa mga pinsan ko at kaibigan namin.

"Yong walang damit na singkit ang mata sino yan?-"

"Harper lang dapat alam mong pangalan." Ismid ko at tinakpan ang mata niya.

"Ang dami kong alam na pangalan Harper." She smiled sheepishly.

"Syempre ako number one diba?"
Mariin ko siyang tinignan.

"Asa ka naman." Inirapan ko siya at natawa nalang kami pareho.

Kaya pala ayaw ko sa maingay at palasalita, dahil gusto ko ako iyong nangungulit.

Napailing nalang ako. Gusto ko siya isama sa Manila pero hindi naman 'yon kadaling gawin dahil may pamilya siya dito at nag-aaral pa siya.

Sana pagbalik ko ay nandito pa siya at okay na okay. Sana kapag wala na ako dito sa tabi niya ay manatili siyang maingat at matatag.

Alam kong hanggang ngayon ay hindi parin siya nilulubayan ni Brielle. Ang tagal na nilang ginugulo si Hera at hindi ko alam kung bakit sila galit na galit sa nanahimik na tao.

Napabuga ako ng hangin nang maging maayos ang pagpapaalam ko kay tita Ashley sa kanyang mga anak.

"Hindi ko alam na may kaibigan si Hera na lalaki," seryosong sabi ni tita na ikinasinghap ko ng mahina.

"Kung may binabalak kang saktan ang anak ko ay huwag mo na ituloy..maawa ka naman samin."
She smiled sadly. Napalunok ako, mukhang madaming pinagdaanan ang mama ni Hera at kitang-kita ko yon sa mga mata niya.

"Tita, malinis po ang puso ko. Wala po akong bad record kahit kanino." I chuckled nervously.

"Mabuti naman. Bukas kayo ng umaga aalis?"

"Opo. Iingatan ko po 'yong mga prinsesa niyo..at baka abutin kami ng ilang araw po kasi balak ata ng mga pinsan kong libutin ang Negros Occidental." Napakamot ako sa ulo ko.

"Ah ganun ba. Sige, mabuti nga yon at makapasyal naman itong dalawa kong anak. Salamat hijo ha? Mag-iingat lang kayo sa inyong pamamasyal."

Hinatid ako ni Hera sa labas na at natuwa ako nang makitang may ngiti sa labi at mga mata niya.

"Salamat, Kuya-"

"Stop calling me Kuya. I'm not that old Rara.. Harper nalang."

"Oo na, oo na."

"Kapatid mo nasan?" Ave is just 7 years old.

"Nagliligpit na ng damit. Excited na yon para bukas." Natawa siya ng mahina.

I secretly gazed at her and my heart beats crazily again while looking at her angelic face. How can someone be this cute and beautiful to look at?

Napailing ako at pinigilan ang sarili na malunod sa babaeng kaharap ko.

"Uwi na ako, Rara."

"Ingat ka sa pagmamaneho ha?"

"Yes po."

Gusto ko mag good night kiss pero hindi pa pwede..kapag girlfriend ko na siguro hehe.

Can We Fix It (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora