Kabanata 7

21 7 0
                                    

---

Mabilis lumipas ang araw at buwan at taon. Naging mabuti naman ang takbo ng buhay ko dito sa probinsya at sa susunod na pasukan ay fourth year college na ako.

I'm planning to go back to Manila to continue my studies there. My Mom and Dad are contacting me to go home..ayos naman sakin kasi graduating na naman ako.

"Hijo, sigurado ka ba na ikaw na ang mamalengke?" Paninigurado ni Lola, mukhang walang tiwala sakin pumuntang palengke.

"Lola, ayos lang. Kaya ko naman,"
Nagpaalam na ako at tumungo na sa bayan. Maraming nakasulat sa listahan at kaya ko naman to lahat dahil may dala naman akong kotse.

"Pogi, bili ka ng talong oh, malaki na mahaba pa–"

What the hell?

"Ito oh kalabasa malaki at mabilog, parang dibdib ni Marites-"

Why am I here again?

"Ano pogi? Bibili ka ba malunggay healthy to bili kana para lalo kang gumwapo--"

Gusto ko tuloy umuwi nalang at si Lola nalang mamalengke. Napapasinghap nalang ako sa nadadaanan kong may naiisip talagamg ibabato saking mga salita.
Marami pang nagpupuna sakin at nag o-offer ng bilihin nila.


Matapos kong bumili ng mga gulay sa prutas section--tama ba? Oo, prutas susunod ko bibilhin.

Nangunot ang kilay ko nang makitang may gulo sa may dulong parte ng prutasan. Namukhaan ko ang isa si Feli at si Brielle na tawang-tawa sa nangyayari. Nasa lima silang babae at isang lalaki at puro sila tawanan.

I don't know what's happening kaya nilapitan ko at nagulat ako sa nasaksihan ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa nila yon sa bata.

"Hera?" Bulong ko nang makitang tinutulak-tulak siya ni Brielle.

Inis akong lumapit at nakita kong sira-sira ang bilihin nila Hera. At umiiyak naman sa gilid ang bata dahil sa takot.

"What are you doing?" Malamig na sambit ko.

"H-harper?" Utal na sambit ni Brielle. Hindi ko alam pero 'yong paghanga ko sa kanya ay parang bulang nawala..matagal na. At ngayong nakita ko ulit siya ay inis ang naramdaman ko. Seriously, bullying?

"Bakit niyo ginawa to?" Tinulungan ko si Hera tumayo.

"Ang sama kasi ng ugali niya. Inaaway niya si Brielle!" Kinakabahang sabi ni Feli. Sa nakikita ko kanina sila yong may mali eh. Silang yong nang-away.

"Stop lying and go home. Ang tanda niyo na para gumawa ng ganito. Hindi na kayo bata, Feli." Malamig na sambit ko at itinago si Hera sa likod ko ng aabutin siya sana ni Brielle at saktan na naman ulit. Why she's acting like this?

Ang pagkaalam ko ay mahinhin siya at magalang. Ano to?

"Stop hurting her Brielle." Inis kong sambit. They're annoying already and I'm trying to be patient here.

"Ang arte niya kasi akala mo kong sinong maganda! Pinagkakalat pa na tinulungan mo siya at binili ng art materials."

Yon lang? Inaaway nila to?
Noong nakaraang taon pa yon, ang tagal na!

"Kasi totoo naman yon," sabat ni Hera na ikinangiti ko. Sumasagot eh. Nice.

"Uwi na. Tatawag ako ng pulis kapag hindi pa kayo tumigil. Sinira niyo pa tong paninda ni Hera," pagbabanta ko at padabog namang umalis si Brielle kasama mga galamay niya.


"Kuya H-harper thank you."
Nahihiya niyang sabi at nilapitan ang kapatid na ngayon ay hindi na umiiyak.

I feel bad seeing their situation right now. Sira yong mga paninda at nakakalat sa daan. Brielle is a bitch huh?

Now I know. Pasalamat nalang ako at hindi lumalim ang paghanga ko sa kanya noon.

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now