Kabanata 27

26 5 0
                                    

---

I'll be stalking him at kapag may asawa at pamilya na siya ay titigil ako. Hindi ko naman siya aagawin kung may sarili na siyang pamilya.

Masasaktan ako pero hindi aabot sa punto na maninira ako ng pamilya.

Kakayanin ko kayang makita siyang may kargang anak at may naka-angklang asawa sa kanyang braso?

Kabado akong bumuntong-hininga.

Umuwi din ako ng pilipinas dahil may event akong dadaluhan. It is an event for all the fashion designers who did a great job showing up their clothes and designs last week. At isa sa napiling design na gagamitin sa isang summer runway this year ay iyong mga designs ko.

I did a great job..after so many years nakamit ko rin ang tagumpay ko. Ang pangarap kong makapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho.

Napatalon ako sa gulat nang makitang tumatawag ang pinsan ko sa side ni Mama.

"Hello Belle.."

"Hera, pwede ko ba maiwan ang anak ko sayo?" Nagmamadali niyang sabi.

"Ha? S-sige. Nasaan kayo?"
Agad akong napa-oo dahil nataranta din ako dahil mukhang may emergency siya.

"Nandito ako sa tapat ng drugstore..malapit sa hotel na tinutuluyan mo."

Mabilis ang galaw kong lumabas sa hotel room ko at hindi na nag-abalang mag-ayos pa.

Malayo palang ay nakita ko na si Belle na nakatayo at may dalang malaking bag at karga si Agatha. She's 2 years old now.

"Hi, thank you for saving my ass." Nanginig pa ang boses niya dahil sa kaba.

"What happened Belle?" I asked worriedly.

"Pilit nilang kinukuha si Agatha sakin Hera.. iiwan ko muna siya sayo. Pwede lang ba?" Naiiyak niyang sabi at sabay pa kaming napalingon nang may dumating na lalaki at mukhang nag-aalala din.

"Belle sigurado ka ba?"
Okay lang sakin na ako muna magbabantay sa anak niya pero baka hindi niya kayanin.

"Sige na Hera umalis na kayo. Ayokong mawala sakin si Agatha. Siya nalang ang natitira sakin eh."
Umiyak na siya at tumakbo palayo. Naiwan kaming tatlo ni Agatha at ng lalaking katabi ko.

Agad akong pinapasok ng lalaki sa kotse niya.

"Her husband is missing, dalawang buwan na at 'yong pamilya ng lalaki na pilit kinukuha ang anak nila na si Agatha."

Nagulat ako sa narinig ko at hindi ako makapaniwala na may ganoong nangyayari sa buhay ng pinsan ko.

"Eh saan siya pupunta?" Takang tanong ko at gusto ko ulit makausap si Belle sa mga plano niya pero nawala nalang siya bigla.

"I'm his best friend..gusto kong ako na magbabantay kay Agatha pero.. nandito ka na naman at pamilya ka ni Belle. Salamat at dumating ka, ako na ang bahala sa pinsan mo. Alagaan mong mabuti si Agatha.."

Hinatid niya ako sa labas lang ng hotel at mukhang nagmamadali talaga siya. Sana mahanap niya si Belle.

"Lim, thank you. Samahan mo si Belle ha?" Ako itong kinakabahan sa pinsan ko eh. Mukhang mahihirapan siya sa pamilyang humahabol sa kanya.

"I will."

"Ingat." Sabi ko at napabuntong hininga nalang siyang tinanaw palayo.

Nilalaro ko si Agtha nang may nakita akong isang grupo na nagtatawanan palabas ng hotel.

"Putcha 'yong mukha ni Stephen parang tanga," sabi ng lalaki at malakas pa na tumawa.

"Dahil sa babae nagkakaganyan–"

"Hoy Rave kapag ikaw natamaan ng pana ni kupido huwag kang iiyak-iyak kapag broken hearted ka!"

They seems familiar. Naningkit ang mata ko dahil hindi ko sila masyadong klaro ang mukha nila dahil sa may kalayuan. Konting lapit pa.

"Itong ngang si Harper eh nabaliw nong nawala si He-"

"Shut up dumbass."

Nanlalaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang napagtanto na kilala ko pala sila.

Oh shit.

Napasinghap ako nang napalingon sakin si Evhes.

Agad akong umiwas ng tingin at nagsimula na ulit maglakad.

"Hala kamukha ni Hera oh, tingnan mo Rave–iyong may kargang baby kasi!"

"Grabe talaga iyang mata mo. Guni-guni mo lang yan, ano ka si Harper?"

"Nakita ko kasi tapos nagulat pa nga nong nagkatitigan kami! Hindi ko naman nakakalimutan mukha niya kasi dyosa yon–aray!"

"Stop saying nonsense," malamig na sambit ni Harper. Boses palang niya alam mo nang maraming nagbago sa kanya.

"Harper, siya talaga ang nakita ko."

"She will never come back."

Napasinghap ako at uminit agad ang gilid ng mga mata ko.

I'm here and I miss you so much Harper. Kakayanin kong haharapin. ka, pero hindi pa sa ngayon.

Can We Fix It (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz