Kabanata 5

31 7 0
                                    

---

"Harper may naghahanap sayo sa labas," napaangat ako ng tingin sa kaklase kong lalaki.

"Sige." Iyon lang ang nasabi ko dahil sa ugali kong tipid kumausap sa iba. I didn't even say thank you!

Lumabas ako sa room ko at napasinghap nalang nang makita si Aeriel, ang kapatid ko kasama ang pinsan kong si Heart.

"Why are you here?"

"Ang cold mong bumungad ng bisita-"

"Parehas lang tayo Art.. pero nagbago kana.. I'm happy for you." Sabi ko at hinila si Aeriel para mayakap.
Niyakap ko rin si Art. She's Heart Vizco Alvarez.

"I miss you big bro. Kumusta ka dito?"
Sabi ni Aeriel na nakayakap pa sa bewang ko.

"I miss you. Wala na akong klase, tara labas tayo," kinuha ko ang bag ko at sumama din ang dalawa. Clingy talaga tong si Aeriel, nasanay na ako. Umiyak pa nga nong umalis ako ng Manila.

"May girlfriend ka dito kuya?" Bulong niya sakin at kumakaway-kaway pa nga sa mga students na para bang ka-close niya ang mga 'yon.

"Stop that." Saway ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng dalawa.

"Kj ni Kuya. Dami nakatingin eh, mukhang marami kang admirers," hagikgik niya pa at mas lalong dumikit sakin.

"A, iyong damit ko."

"Tamad mo talaga magsalita ginawa mo na nalang A yong pangalan ko, eh kay gandang pangalan non." Napailing nalang ako at natawa.

Nag-uusap kaming tatlo sa mga nangyayari don sa kanila sa Manila, Si Art na masaya na ngayon sa buhay niya. Si Aeriel nagkukuwento naman tungkol kay mom at dad.

"Si mom parang sira, galit kay kuya tapos the next day iiyak dahil miss kana." She laughed. I miss my Mom and Dad too.

"Tapos si Dad, ikaw bukambibig kung kailan ka daw babalik," may pa hampas pa siya sa table habang natatawa.

"Kailan ka ba babalik don?" Tanong ng pinsan ko. Hindi ko pa alam eh.

"I don't know." Kibit-balikat kong sabi.

"Gusto mo na rito?" Tanong naman ng kapatid kong punong-puno ng cake ang bibig.

"Gusto naman..this place is peaceful. It's good for my soul." I chuckled while wiping the icing on the side of her lips.

"Balik ka nalang don kapag nagbago na sila Mom at Dad," bulong niya sakin.

"Hanggang kailan kayo dito?" Tanong ko.

"One week kami dito. Gusto daw ni Ate magbakasyon at makalayo kay kuya Cody. Nakakainis daw mukha eh."
Natawa naman ako sa narinig.

"Haha gagi ka Aeriel," natatawang sabi ni Art.

"Hoy manloloko!" Natigilan kaming tatlo nang may sumigaw malapit samin at nangunot ang noo ko ng nakaturo pa sakin. Nagulat nga rin 'yong ibang taong nandidito.

"Huwag kang magpaloko diyan dahil may girlfriend siya dito at niloloko ka lang niyan!"

Ha?

Gulat na gulat din ang kapatid ko at pinsan ko..mas lalo na ako. Anong nangyayari? Bakit ako tinuturo?

Brielle?

Kaibigan to ni Brielle diba? Nahanap ng mata ko si Brielle na nakaupo at nakatabon ang mga kamay sa mukha na para bang hiyang-hiya sa kaibigan niya. Ang dami nila sa table pero siya lang napagtuunan ko ng pansin.

What's going on?

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now