Kabanata 2

36 14 4
                                    

---

Hindi ko alam kung bakit sobrang nakakaba marinig pangalan niya. Nagsimula lang naman to nang magkatitigan kami nong una naming pagkikita.

Tapos na akong kumain at tahimik lang nakaupo. They're all busy talking with each other, ang kumportable nilang makipag-usap.

Eh ako halos matumba pa minsan sa sobrang kaba na nararamdaman lalo na kapag higit na sa dalawa ang kumakausap sa'kin.

Napayuko ako nang may batang babae na kumalabit sakin. Nakangiti siyang inabot sakin ang isang kendi at umupo pa sa tabi ko. Ang cute.

"Ikaw si Kuya Harper?" Tanong niya sakin.

"Yes." Tipid kong sabi.

"How old are you po?" I'm 19. Turning 20 next month at next month narin pasukan na.

"I'm old already. Ikaw?"

"I'm 6 years old," mukhang ang bilis nito matuto ah. Marunong na makipag-usap at magsalita ng tama.

"You know ate Brielle?" Nagulat ako don kasi si Brielle na naman ulit. Panay Brielle naririnig ko.

Anong meron sa kanya? Ipinakilala pa kami kanina sa isa't-isa at naging maayos naman yon.

"May crush yata sila sayo Kuya. Narinig ko sila nag-uusap tungkol sayo. Pero may boyfriend si ate Brielle kaya nakikitawa lang siya.."

Ewan ko pero biglang pumait ang mood ko sa narinig. Wala naman akong pakialam kung taken siya..pero bakit parang nakakadismaya.

Hindi na ako nagsalita pa, ganun rin ang batang katabi ko at kumakain nalang ng kendi. May nag-utos ba sa kanya na sirain ang mood ko ngayon?

Ano naman kung may boyfriend na iyon? Hindi ko naman siya gusto, bakit ba apektadong-apektado ako don?

Gusto ko na tuloy umuwi dahil nakakapikon sarili ko.


Nakaupo ako sa sahig ng terrace nang kuwarto ko at nakatingin lang sa kalawakan.. they're always beautiful to look at.

Napapikit ako at napasinghap nalang ng pumasok na naman sa sistema ko si Brielle.

Inis akong tumayo at pumasok na nang maalala na taken na siya. Nagkiss na kaya sila nong boyfriend--what the fuck is wrong with my mind?

Brielle..

May gusto na ba ako sa kanya? Am I crushing to that girl?

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now