Kabanata 1

45 12 0
                                    

---

"Apo, magbihis ka na at may dadaluhan tayong birthday party."
Nangunot ang noo ko sa narinig kay Lola Pauline.

"La, dito na lang ako sa bahay."
Kapag kilala ko naman ang kausap ko ay hindi ako nahihiya at kinakabahan. Takot ako makipag-usap pero kailangan ko sanayin ang sarili ko dahil hindi habang buhay ay sarado ako para sa ibang tao at takot makipagkilala.


"Harper, apo huwag ka magkulong dito sa bahay at palaging nag-iisa. Maraming mga kaedaran mo dito ang mabubuti at paniguradong magiging ka-close mo," hinaplos ni lola ang buhok ko na ikinangiti ko.

"Sasama na po ako, lola." Ayoko munang pag-usapan ang pagkikipag-close ko sa iba..next time nalang kapag kaya ko na.


"Kailan daw bakasyon kapatid mong si Aeriel?"

"Wala naman po siyang binanggit sakin lola." Dalawa kaming magkakapatid, ako at si Aeriel.

"Saan ka mag-aaral sa susunod na pasukan? Diba mag se-second year college ka na?"
Hanggang ngayon hindi parin kumukupas ganda ni lola. Siya 'yong pinakamagandang lola na nakita ko at nakilala ko.



"Hindi ko pa po alam, la. Maganda ba dito ipagpatuloy ang Fine Arts la?"
Pag-iisipan ko pa..gusto kong makalayo muna sa lugar na kinalakihan ko dahil walang naidulot na maganda ang mga tao don sakin.


Dad are pressuring me to take Business management pero hindi ko pinagbigyan kaya nagalit sakin.

Si Mom na perfectionist at konting pagkakamali ko ay pinaparamdam sakin na wala akong kwenta.

My sister, Aeriel pushed me to go here dahil nahihirapan siya sa sitwasyon ko at buong puso ko naman tinanggap yon lalo pa at naiintindihan ng Lola namin ang sitwasyon ko.

She's so concerned about me..masaya akong may kapatid akong katulad niya..mas mahal siya ng parents ko at alagang-alaga kaya wala akong ikakabahala.

"Merong magandang University dito apo. Samahan kita e-enroll para mapabilis. Magtiwala ka kay Lola mo Pauline.." natawa siya ng mahina.

"The best ka po talaga Lola," natawa na rin ako.

Napasinghap ako ng mahina nang makitang maraming taong bisita ang dadaluhan naming birthday. Harper, birthday party nga diba?

Magaling ako magtago ng totoong nararamdaman ko kaya alam kong hindi nila alam kung gaano ako ka-kabado ngayon. They're staring straight at me. Like, what the hell?nakakailang.

Ipinakilala ako ni Lola sa mga kakilala niya at sobrang dami 'yon. Napakamot ako sa batok ko. Pwede na nga si Lola mangampanya bilang mayor sa dami ng kilala niya.

"Ka-guwapo nga bata no? Sure ka Pauline nga indi ini artista imong apo?"

(Ang guwapong bata no?sure ka Pauline hindi artista itong apo mo?)

"Ano ka ba Jasmine, lahing Vizco kasi kaya tingnan mo mukha," palabiro talaga 'tong si Lola.

Okay, I'm Harper Vizco by the way.

"Nasan na pala si Brielle at nang maipakilala ko.." rinig kong sabi Ng isang ginang. Iyong nagpapa-party.


Brielle. She's here?

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now