Kabanata 10

29 7 0
                                    

---

Maaga kaming nagising at sinundo sila Hera. Pagkarating namin don sa bahay nila ay nasa labas na silang dalawa kasama si Tita Ashley.

"Magandang umaga po Tita," bati ko sa mama niya at nagsipagbatian narin ang mga kasama kong kanina pa maiingay.

Dalawang van ang dala namin. Sa kabilang van ay si Art, mga kaibigan niya at yong kapatid ni Cody na babae
Kami namang magkapatid, ang tatlo kung pinsan at si Hera ay dito sa kabilang van.

Ayaw mahiwalay ang mga yon sa isa't-isa kaya pinagsama nalang.

"Hi, Ave." Bati ko sa kapatid ni Hera.

"Hello po, Kuya."

"Kapag gusto mo kumain sabihan mo lang ako ah?"

"Yes po." Magandang bata si Ave at kapag nagdalaga na to ay marami din tong manliligaw katulad ni Hera.

"Ikaw si Hera?" Tanong ng kapatid ko. Kami yong nasa likuran dahil alam kong maiilang na naman si Rara.

"Oo," sabi niya na nakangiti sa kapatid kong nakatunghay samin.

"Ako si Aeriel." Nakangusong pagpapakilala ng kapatid ko.

"Ang ganda mo sa personal." Nakangiting usal ni Hera na ikinatuwa ng kapatid ko.

"Salamat at ikaw naman sobrang ganda mo.. ewan ko pero para kang anghel na mukhang modelo." Ang daldal talaga ni Aeriel.

"Thank you." Nahiya na naman siya ulit.Ewan ko pero palagi siyang nahihiya kapag napupuri.

"Itong kapatid mo ang ganda rin huhu. Ang ganda ng genes niyo."

"Hera, pasensyahan mo na itong pinsan ko. Natotomboy yan kapag nakakakita ng maganda." Natawa kami sa sinabi ni Stephen.

"Pasensya ka na Hera, ang ganda mo talaga kasi. Ang dami mo sigurong manliligaw no?" Sobrang dami niyang manliligaw.

"Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sakin ah?" Sabi ko at sinagot niya naman ng tango lang.

Our destination for today is 'the ruins'.

The Ruins is situated in Talisay, Negros Occidental, Philippines. The mansion was built in early 1900s and inspired by Italian architecture. This ancestral home mansion is the remains of the family of Don Mariano Ledesma Lacson and Maria Braga Lacson.

Maganda raw dito kapag gabi kaya naisipan naming pagkabalik nalang namin siguro. Sayang 'yong oras kapag hihintayin namin gumabi dahil maaga kaming nakarating dito.

"This place is beautiful."
Nanlalaki ang mata ni Cindy habang nakatitig sa mansion na nasa harap namin

Natuwa nalang kami ng nag-uunahan na si Aeriel at Cindy magpa-picture. Si naman at Hera ay pumunta sa fountain. Ang iba ay excited na pumasok at maglibot habang nangunguha ng pictures.

"Gandahan mo Kuya Clent! Ibabato ko 'yang camera kapag pangit mga kuha mo sakin.." banta niya sa kanyang kapatid.

"Oo na po mahal na prinsesa." Tatawa-tawang sabi ni Clent.

Sobrang dami naming litratong kinuha at paniguradong sa susunod naming pupuntahan ay ganito rin ang mangyayari.

Natuwa ako nang nawala na ang ilang ni Hera sa amin. Paanong hindi siya sasabay eh puro mga kabaliwan alam ng mga ito. At isa pa hindi ko rin naman hinahayaang mabored itong Rara ko. Hehe.

"Ang ganda dito no?" Her smile is so bright today.

"Tapos ang ganda mo pa," smooth as fck. Tinitigan ko ang mukha niyang nakangiti. Hinding-hindi ako magsasawang titigan siya hangga't nasa tabi ko siya.


Her thin almond eyes and heart shaped lips.. hindi ko maiwala sa isip ko.. para bang nakaukit na iyon sa isip ko.






Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




📍The Ruins

Can We Fix It (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon