Kabanata 3

27 12 2
                                    

---

Mabilis dumaan ang mga araw at wala namang bago sa buhay ko.. ang nagbago lang siguro ay iyong paghanga ko kay Brielle.

Kumusta na kaya siya? I didn't saw her mga limang buwan na..baka hindi ko lang nakikita dahil hindi ko naman tinutulungan sarili ko na makita siya.

Bahay at skwelahan lang ako. Hindi ako nagtatagal sa school dahil umuuwi agad ako kapag tapos na klase ko at lumalabas lang ng room kapag kailangan ko.

Nagbabasa lang ng libro kapag tapos ko na gawin lahat ng gawain ko sa school. Minsan don ko na sa room ginagawa ang mga homeworks ko para maiwala ko ang isip ko sa ibang bagay.

"Harper..ah.." napaangat ako ng tingin ng may babaeng lumapit sa harap ko at may inabot sakin na papel. Nangunot na naman ang noo ko at mariin siyang tinignan.

Another love letter to read. Oo, binabasa ko dahil parang kailangan..ayaw ko namang itapon agad nakakaramdam ako ng guilt at parang nakakasakit ako ng damdamin ng babae..effort nila to and I appreciate it.

"I appreciate this..sana last na to ah. I don't want to hurt all of you pero ayaw ko mag girlfriend. Sorry." Magalang na sabi ko at narinig ko pa ang singhap ng mga studyanteng malapit samin. Napayuko siya Ng ulo ay tipid akong nginitian. I smiled genuinely and her cheeks turned red.


Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagbabasa at hindi ko na pinansin pa ang mga tingin nila na ikinailang ko na naman.

Ah my heart..malakas na naman tibok dahil sa kaba. Kailan pa kaya ako masasanay? Ramdam ko naman ang unti-unting pagbabago sa sarili ko.. pero gusto ko mawala na to agad.

"He's too good to be true. My ideal man.." napakamot ako sa kilay ko sa narinig. Pauwi na ako at hindi na bago sakin ang usapan nila na ikinaiilang ko palagi.

Naririnig ko parin kasi kahit sila-sila lang nag-uusap. Ewan ko ba parang ipinaparinig talaga sakin.

"Paano mapansin ng isang Harper Vizco? Gusto ko makausap eh."

"He's nice to approach, Snow. Hindi naman siya snob pero mabilis lang siya makipag-usap. Parang one time reply lang.. ganern."

One time reply. It's really me..ang galing niya namang e-describe ako. Hindi ko alam kong matatawa na ba ako sa narinig kong 'yon.


"Brielle and Zed already broke up."

I halted my step at umaktong may babasahin na text para makahinto sa paglalakad.

"Zed cheated.."

Iyon lang ang gusto ko marinig na rason at umalis na ako. Bakit kailangan pang magloko kung may girlfriend ka na naman diba? Hindi pa ba sapat si Brielle?


Hindi dapat sinasayang ang chance na 'yon. Nag-girlfriend ka tapos maghahanap ng iba? Ano yon? Parang tanga lang.

Kung hindi mo na mahal..magbuwag na mo. Hindi 'yong magdudulot ka pa ng trauma at pasakit.

Can We Fix It (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon