Kabanata 21

24 7 0
                                    


---

Bumyahe kami at pumunta rito sa malamapit lang na water falls. Sinusulit ko kasi ang mga araw na kasama ko siya.

Tinatamad akong umalis, ayaw kong umalis at gusto ko dito nalang sa tabi niya. Pero nag-aaral din ako at may ginagampanan sa pamilya ko.

"I'll miss you when I go back to Manila again tomorrow," I puckered my lips and stare at her.

"Mamimiss din naman kita pero kailangan ka don at nag-aaral ka pa. Graduating ka na." Pinisil niya ang pisngi ko at mahina siyang natawa.

"Kaya nga pero gusto pa kita kasama. Sama ka nalang sakin Rara." Hinapit ko siya palapit sakin at niyakap ang braso niya.

"Pwede naman kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral."

Distracted na ako sa mga panguso-nguso niya at pagkibot-kibot ng labi niya.

"Sige, aral tayo mabuti."

Matagal ko siyang tinitigan. I want her to meet my parents. Nakilala na siya ni Lola at gustong-gusto na nga siya. Huwag na huwag ko daw papakawalan pa.

Nahuli niya akong mariing nakatitig sa kanya. Siya pa talaga ang iyong nahiya eh.

"Maliligo ka pa?" Tanong niya sakin at inayos ang mga hibla ng buhok kong magulo.

"Oo naman, tara na." Tumayo ako at inalok ang kamay ko sa kanya.
Umiling siya.

"Susunod ako."

"Okay po."

Lumusong ako at lumangoy sa malalim na parte ng talon. Konti lang ang turista ngayon kaya tahimik dito.

I want to live like this, a simple life with the person I want to spend and commit my life, time and love.

Pasimple kung sinulyapan si Hera nakaupo sa may malaking bato at nakapikit ang mga mata. Ang cute niya sa ginagawa niyang breathing exercise.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at lumangoy palapit sa kanya.
Sarap titigan ang babaeng to.

Hindi sinabi ni Lord, na dito ko lang pala makikilala ang babaeng bibihag sa puso ko.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naiisip ko ang salitang pamilya at kasal ay siya ang nakikita at pumapasok sa isip ko.

I want to marry her soon kapag may trabaho na ako at graduate na siya. I want to make a lot of memories with her, gusto ko siya lang ang magiging ina ng mga future anak ko.

"Akala ko hindi ka maliligo?" Tanong ko sa kanya nang makitang lumalangoy siya palapit sakin. Kinikilig na ako kahit magkatitigan lang kaming dalawa.

"Ayokong nag-iisa ka lang maligo baka mamaya malunod ka pa."
Mahina siyang tumawa.

"Ikaw lunurin ko diyan eh.. lunurin sa pagmamahal."

Namula siya at parehas kaming natawang dalawa hanggang sa nauwi kami sa tuksuhan at pangkikiliti ko sa kanya.

Panay naman ang tawa at reklamo niya dahil hindi na raw niya kaya at hirap na siyang huminga.

"Tama na! Suko na ako!" Sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha. Nagkunwari akong napuwing at hindi maimulat ang mata ko.

"Uy sorry, masakit talaga?"
Nang makalapit na siya sakin ay hinuli ko ang bewang niya at kinabig palapit sakin kaya napayakap kami sa isa't-isa.

What a fuckin' smooth move.

Napatitig ako sa mukha niya. Whenever our eyes met, my knees will get weak and my heart beat goes wildly.

Para siyang diwata dito sa magubat na falls at ang swerte ko dahil nasilayan ko siya, ang diwatang nagpapatibok ng puso ko.

"I want to.."

"Ah..ang lamig no? Tara ahon na tayo." Hindi mapakaling sambit niya.

"..kiss you." Pagtatapos ko sa sasabihin ko sana kanina.

"Ha?" Gulat niyang sabi at lalayo pa sana sakin pero dahil nakayakap ako sa kanya ay hindi niya nagawang  lumayo sakin.


I kissed her forehead and smell his hair.

And then I kissed, sucked and bit her soft lips.

Big thanks to the kissing tutorial in youtube, it helped a lot.

"I love you." I whispered in between our kisses. Oh man, I'm so simp.

I stopped kissing her when she's out of breath. Ang weak..

Namumula ang buong mukha niya nang tingnan ko siya at namumungay ang maganda niyang mata.

"Rara hindi marunong mag kiss–aw!"
Nakurot tuloy ako.


"You're the only man I kissed!" Reklamo niya at hinampas na naman ako. I am her first kiss.


"You're my first kiss, Rara."
Namula siya at may pinipigilang ngiti.


Can We Fix It (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon