Kabanata 16

26 7 0
                                    

---

"Hi Ave, good morning."
Bati ko kay Ave na kakagising lang.

"Good morning, Kuya. Si ate Aeriel po?" Ayos ah? Mas gusto niya na si Aeriel kaysa sakin ah.

"Good morning, babe." Bati ko kay Hera na namula agad ang mukha dahil sa inis sakin.

"Isa pa talaga Harper."

"Sige na nga honey na lang–ah putaina–aray joke lang Rara."

"Kalbuhin mo na 'yang pinsan ko..sagarin mo na't magma-manila na yan." Sambit ni Timber at hindi namin alam kung bakit bigla nalang binitawan ni Hera ang buhok ko na parang napapaso at lumayo sakin agad.

"Oh nagalit?" Gulat na tanong ni Timber na ikinakibit-balikat ko naman dahil hindi ko rin alam.

"Kausapin mo na," dagdag niya at tinulak pa ako para umalis na at sundan si Hera na pumasok na sa van.

Nakita ko siyang tahimik na nakaupo sa likuran kaya pumasok ako at tinabihan siya.

"Hey, you mad?" Tanong ko sa kanya. Seryoso na ako ngayon, mukhang hindi na maganda mood niya eh.

"Hindi," hindi siya makatingin sakin.

"Galit ka ba kasi tinawag kitang honey?" Kinakabahan kong tanong, kung ganon mas bet niya 'yong babe?

"Sige, babe nalang itatawag ko sayo huwag na 'yong honey–aw!" Pinitik niya ang noo ko.

"Stop it." Malamig na banta niya sakin.

"Sorry na kasi." Napakamot pa sa ulo ko.

"Bakit ka galit, Rara?"

"Hindi ako galit. Nalungkot lang ako kasi naalala ko na namang aalis ka na. Wala na akong kakampi kapag may nang-aaway sakin. Wala na akong kausap at wala ng maingay na Harper kasi iiwan mo rin ako.. katulad ni Papa."

Napabuntong-hininga ako at ikinulong ko ang kanyang mukha sa mga palad ko. Kitang-kita ko kung paano namula ang mga mata niya at pinigilan ang sarili niyang hindi umiyak.


"Hindi naman ako mawawala sayo Hera. I'll always come back here dahil nandito ka. I will always check on you if you're okay.. bibisitahin kita tuwing wala akong pasok at syempre dito ako magbabakasyon..para makasama ka ulit."

I'm tempted to kiss her sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Baka sinasabi mo lang yan tapos hindi mo naman pala tutuparin."

"Anong sinasabi ko lang? Liligawan pa nga kita eh." Hindi ko alam kung bakit nadulas iyon sa bibig ko. Tumikhim ako.

"Kaya dapat huwag kang magpapaligaw sa iba..pag nalaman kong may nanliligaw sayo–ewan ko lang talaga."
Dagdag ko pa. Wala na akong pakialam sa hiya na yan. Nasabi ko na eh, papanindigan ko 'to. Tatapusin ko ng maayos.

"Ano?" Gulat siyang napatingin sakin at napahawak sa mga kamay kong hawak parin ang mukha niya.

"Liligawan kita, Hera."

Tangina sobrang kabado ako!

"Manliligaw ka sakin?"

Tumango ako at napatitig sa mga labi niya. Damn her kissable lips, I badly want to devour that!

Kapag nalaman ng mga pinsan ko kung paano ako mag-isip ngayon baka kutyain ako ng mga iyon. Ako pa naman iyong pinakamabait at inosente samin!

"Seryoso ka ba?" Gulat niyang tanong at lumayo pa sakin. Akala niya sobrang layo talaga mauusugan niya eh no?

"Seryosong-seryso.." kahit aasawahin pa.

Tumikhim ako.

"Can I court you?"

I said hopefully. This is my chance now.. I don't think this is just an infatuation. Sobrang layo sa paghanga at simpleng pagkagusto lang.

Sobrang layo na nga ng narating ng pag-iisip ko dahil nakikita kong siya na ang magiging asawa ko.

"You can court me Harper, pero sana kung may magustuhan ka ng iba don sa Manila ay sabihin mo sakin. Para malaman ko kung manliligaw pa ba kita or hindi na."

Hindi ko nga alam kung makakaahon pa ako sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.

"At sasabihin mo din sakin kung ayaw mo ng magpaligaw at kung may gusto kang iba.."

Ang sakit naman non. Kung magkakagusto man siya sa isang lalaki ay sana.. ako yon. Ako lang.

Ako nalang Hera..

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now