Kabanata 14

26 7 0
                                    

---

Nakatulog kami sa byahe papuntang Cadiz City. Ang aga naming nagising para mabilis 'yong byahe namin sa daan. Mabuti nga dito sa Negros at hindi talaga traffic bumyahe kaya nakuha pa naming mag-almusal ng maaga at magkapae sa tabi ng highway.

After a long drive, we're finally here in Lakawon Island. It is located in Purok Mainuswagon Barangay Cadiz Viejo, Cadiz, Negros Occidental 6121 Philippines.

"Mililigo na kayo?"

Tanong ni Cody sa kapatid at kaibigan niyang ready na maligo sa dagat. It's already 8:00 in the morning and we have a lot of time to stroll around.

"Maliligo na kuya, kayo ni ate Art?"

"Maya na kami. Magso-solo kaming dalawa. Ingay niyo kasi." Ismid nito at umalis na kasama si Art. Attitude talaga ang isang iyon.

"Ave, gusto mo maligo na tayo?" Tanong ko kay Ave na ngayon ay nasa dagat na ang mga mata, binili siya kanina ni Aeriel ng swimsuit parehas pa nga sila ng style magkaiba lang ang kulay.

Naka sando lang ako at board shorts while Hera's wearing a dolphin short paired with halter croptop.

"Ave, tara sama ka sakin!" Sabi ng kapatid ko at nilapitan na si Ave pero ayaw sumama dahil hindi pa pinapayagan ni Hera.

"Hera ako na kay Ave magbabantay. Pasyal kayo ni Kuya." Iyon lang sinabi niya at nagmamadali silang umalis ni Ave na tuwang-tuwa naman.

"Maliligo ka?" Tanong ko sa kanya.

"Maya pa ako..ikaw nalang."

"Mamaya nalang din ako. Kukuhanan nalang kita ng picture, kunware pinopromote natin 'tong Lakawon Island tapos ikaw yong model." Ngumisi ako.

"Sige, payag na ako pero dapat gandahan mo."

"Maganda ka naman kaya ayos lang yon kung blurry siya–aray naman Ra."

"Kainis ka," tawang-tawa sambit niya.

Pumunta kami sa mahabang tulay. Sandali kaming huminto at pinagmasdan ang malinaw na tubig at ang kagandahan ng view ng islang ito.

Pinagmamasdan namin ang mga taong masayang naliligo at katulad rin naming tuwang-tuwa sa pagkuha ng mga litrato.

Beach life is the best with friends and family.

"Kunwari nasilaw ka ng araw babe."
Sabi ko habang nakatapat ang camera ko sa kanya.

"Babe mo mukha mo."

"Galit ka na naman. Chill maganda lahat ng kuha ko ah." Nangingisi kong sabi.

"Pagkatapos nito, ikaw naman kukuhanan ko ng picture."sabi niya at umayos na ng tayo at todo ngiting humarap sa camera.

Putaina ganito pala
feeling ng isang camera? Sobrang ganda naman nitong babaeng to.

"Tapos na ba?"

"Isa na lang ngiti ka ng ganon ulit ha?" Itinapat ko ulit ang camera sa kanya at zinoom ko iyon para ma-focus sa face niya.

"Yan ganda naman ng baby Hera ko–"
Tinakpan niya ang bibig ko at sinapak ako sa braso.

"Pikon ni mareng Hera." Tawang-tawa ako sa kapikonan nito palagi eh.

"Hindi pwedeng wala tayong picture dalawa." Sambit ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sina Rave, Stephen, James at Clark na may kausap na mga chic's. Mga babaero talaga. Akala ko ba maliligo ang mga 'to?

"Rave!" Isang tawag ko lang lumingon na siya..mahilig siya sa photography eh kaya magaling 'tong batang to.

"Kuhanan mo kami ng picture, kung tatanggi ka babasagin ko 'tong camera sa ulo ni James," banta ko kaya nasapak ako ni Hera at James.

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now