Kabanata 4

28 11 2
                                    

---

Pumasok ako sa coffee shop malapit sa university na pinapasukan ko at umorder ng kape at isang slice ng cake. Umupo ako sa medyo tago na part because I'm gonna review today.

This is my last semester at nakakatuwa dahil natapos ang dalawang semester ko ng walang problema.

Sobrang gaan sa pakiramdam dahil hindi katulad sa bahay sa Manila na sobrang gulo. Natapos ko ang dalawang semesters ko nong first year ako don na puro masasakit na salita ang natatanggap kay Dad.

"Ma.. I'm okay. Nag-aaral ako--uuwi po ako ng maaga..po? Hindi naman po ako ginugulo ni Zed-umiiwas naman po ako.."

Napasinghap ako ng mahina sa narinig ko. She's here? Nilingon ko ang nasa harapan ko at siya lang mag-isa at nagre-review din yata.

Umiwas ako ng tingin ng maramdamang lilingon siya. Muntik na ako mahuli.

"H-harper?" Nanatili akong bingi at nakapokus sa handouts ko kahit na gusto ko na mag-angat ng tingin.

"Hey." Tawag niya ulit sakin kaya sumuko na ako. Minsan lang naman to.

"What?" Ayan na naman ako..tunog galit pero hindi naman talaga.

"Sungit naman." She chuckled.

"Sabay na tayong dalawa mag-review," dagdag niya at lumipat sa table ko.

I thought she's distant too and a silent type pero ngayon.. I don't know. Nagdadaldal siya na parang bata.

I'm the silent type and she's my type-ah I mean she's the talkative type.

"Kumusta ka naman dito sa University? Hindi kita masyado nakikita..ngayon pa lang talaga sa loob ng dalawang sem." Exaggerated niyang sabi.

"I'm busy studying." Ang limit ko magsalita.

"Rinig ko nga.. tapos ang dami mo pang admirers ah." Tukso niya sakin. Hindi ko alam pero nainis ako.

"I thought we're going to review?" Puna ko at natigilan naman siya.

"Sabi ko nga mag-aaral tayo para maganda kinabukasan.." napahagikgik pa siya at natahimik naman nong hindi na ako kumibo pa.


Gusto ko siyang tahimik lang at kasabay kong nag-aaral. Mamaya na ako hahanga at matutulala kapag tapos na ako dito. I don't like her talking that much, she's too loud for me.

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now