Kabanata 28

24 4 0
                                    


---

Lim texted me to meet him in the nearest restaurant. Mabuti nalang at hindi iyakin si Agatha kaya magaan lang siya alagaan.

Nagsuot lang ako ng kulay baby blue na dress at kinarga na si Agatha palabas. Ano kaya yong pag-uusapan namin? Kumusta na kaya ang pinsan ko?

Hindi naman ako nahirapang hanapin siya sa loob si Lim. He's handsome, para siyang modelo sa tangkad at postura ng kanyang katawan.

"Hi." Matipid kong bati sa kanya.

"Good morning," ngumiti siya ng tipid at tumayo para kunin sakin si Agatha sa akin. Lumapit naman iyong waiter at umorder na siya.

Matapos naming sabihin ang order namin ay pinagtuunan namin ng pansin si Agatha. She's baby talking now.

Aliw na aliw kaming dalawa habang naghihintay dumating ang order naming pagkain. Tipid akong ngumiti nang magtama ang mata namin ni Lim. Iginala ko nalang ang mga mata ko.

Sandali akong hindi makahinga nang makita ko si Aeriel, Harry, Cindy at Heart malapit sa table namin. Halos magtago ako sa inuupuan ko nang sabay pa silang lumingon sa banda ko.

Oh God, hindi pa ako handang maharap sila.

Hanggang sa dumating ang order namin ay nakatagilid lang ang ulo ko at nasa harapan lang iyong mga mata ko. Nakita kaya nila ako?
Nakilala ba nila agad ako? Putaina nakakaba naman to.

"Did you find Belle?" Tanong ko kaagad. I'm worried about Belle's safety. And I'm worried about me,

Paano kong nakilala nila ako?
Galit kaya sila sakin? Lalo na si Aeriel, dahil sinaktan ko ang kapatid niya. Ang bait niya pa naman sakin dati.

"Yes." he said breathily.

"She's safe right?"

"She's in my place now. I'm here to check on you. Wala ka bang napapansin na may sumusunod sayo or something suspicious?"
Kinabahan naman ako bigla sa tanong niya.

"Wala naman."

"Please be careful."

"Thank you–"napatayo ako bigla nang umiyak si Agatha at umangat ang dalawang kamay para magpabuhat sakin. Natawa ako nang mahina kasi ang cute niya talaga.

"Agatha ayaw mo na sakin?" Natatawang sabi ni Lim at kinurot ng mahina ang pisngi ni Agatha.

Nakatayo parin kasi ako sa harap ni Lim dahil nilalaro niya ang paa ni Agatha na ngayon naman ay kumikibot-kibot ang labi dahil pinipigilan ang kanyang iyak.

Mukhang hindi siya kumportableng kinakandong habang nakaupo. Mabuti nalang at tapos narin kaming kumain.

"Ngayon lang siya umiyak." I giggle.

"Weh?" He laughed at tumayo narin.

"Oo." I pouted and I  glance to the table near us.

Halos manginig ako sa kaba nang makitang dumami sila sa table nila at mukhang seryoso ang mga pinag-uusapan. Napakuyom ang kamay ko sa nerbyos nang mahuli ko ang tingin ni Heart sakin. Hindi naman siya mukhang galit..

Napasinghap ulit ako at nag-aya nang umalis kay Lim.

Week passed and I decided now to finally move in to my condo unit. Hindi na ulit ako lumabas sa hotel room ko sa takot na baka makasalubong ko ulit ang kapatid, pinsan at mga kaibigan ni Harper. Hindi ko pa kayang harapin sila.

Nagpatulong ako magpabuhat ng isang maleta kong may kalakihan sa isang staff. Kulang pa ako sa kagamitan at wala pa akong plano na bumili dahil hindi naman siguro ako magtatagal dito..baka babalik din ako sa U.S.

"Thank you po," pagpapasalamat ko sa staff na tumulong sakin at inabutan na din siya ng tip.

Mabilis akong pumasok sa unit ko nang makitang may lumabas sa condo unit ni Harper. Si Rave, ang kaibigan niya.

Parang gusto kong lumipat ng unit!

Nagtama pa ang paningin namin at parehas pa kaming nagulat.

Malakas ang pintig ng puso ko at inabala na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit ko. Sana pala ang kinuha kong unit ay iyong malayo-layo sa kanya eh.

Nakatulog ako matapos kong magligpit ng mga gamit. Pagkagising ko ay naalala kong hindi pa pala ako nakakapag grocery. Nagbihis lang ako isang cotton short at isang sleeveless top at nagsuot lang ng jacket.

Naghihikab akong lumabas ng unit ko at antok pang naglakad habang buhat-buhat si Agatha. Nakakatuwa kasi ang behave talaga ni baby, hindi siya iyakin.

"Hera?" Nawala ata ang antok ko nang may narinig akong tumawag sakin. Hindi ko magawang lumingon kaya naglakad nalang ako ulit pero may tumawag ulit sakin.

"I'm not Hera," malamig na sambit ko habang nakatalikod parin ako sa kanila. Mabuti nalang kasama ko si Agatha na nayayakap ko at mahigpit pa ang pagkakayakap sa leeg ko.

I don't have the courage to talk to them right now..

"Alam naming Ikaw si Hera. Nakita ka namin non sa restaurant."

Nanlamig ako.

"Ano naman kung siya siya ang taong tinutukoy niyo?"

Napakagat labi ako sa sinabi ni Harper. 'Ang taong tinutukoy niyo.'

Bakit hindi niya ako tawagin sa pangalan ko?

"Kayo nalang gumala. Nakakawalang gana na."
Halos mapasikdo ako sa malalim at malamig niyang boses. Kailangan ko na talagang makalayo dito.

Napahingang malalim ako at mabilis ang lakad ko para makalayo sa kanila. Agad akong pumara ng taxi at papunta sa malapit na grocery store.

Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba.

Hanggang ngayon ay natutulala parin ako sa nangyare kahapon. Mabuti nalang talaga hindi ako lumingon.

Sa inis ko ay nalakasan ko ang pagkagat sa pang-ilalim kong labi dahilan para malasahan ko ang dugo ko.

I sip on my coffee while doing a sketch about sa bago kong mga design for swimwear.

Malaki ang sweldo ko sa ibang bansa sa pagiging fashion designer kaya malaki na ang ipon ko..nabibili ko na ang mga gusto ko sa buhay, hindi katulad noon na walang-wala talaga kami ni Mama.

Iyong tanging pinanghahawakan lang namin noon ay ang bahay namin na naipundar nila papa at mama nong magkasama pa sila.

Napatayo ako bigla nang marinig ko ang iyak ni Agatha. Nagka-instant baby ako.

"Hi baby.."binuhat ko siya papuntang kusina para ikuha ang gatas niyang tinimpla ko na kanina. Ang cute ng batang 'to kaya okay lang magpuyat at mag-alaga. Gusto ko na tuloy magkaroon ng sarili kong anak.

Kung kukuha kaya ako ng Nanny? May event pa naman ako sa lunes, kailangan ko ng maiiwanan kay Agatha iyong maaasahan sana. Baka pagbalik ko wala na si Agatha, tiyak mapapatay ako ni Belle.

Pinatulog ko muna siya at mabilis akong naligo. Lalabas kaming dalawa, ayokong magkulong kami dito buong araw.

Nag short lang ako at plain white top. Maghahanap ako ng ibang gamit sa unit ko. Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Lim..

"Why are you here?"
Takang tanong ko sa kanya.

"Belle is in a safe place now. Natanggap mo ba ang text niya?"

Agad kong tsinek ang cellphone ko at nakitang may text nga siya don.

[Hera, hindi ko kaya malayo kay Agatha. Pupunta diyan si Lim at kukunin si Agatha. I'm safe now. Thank you for helping me.]

Nakahinga ako nang maluwag sa kaalamang maayos na siya ngayon. Pinapasok ko si Lim sa loob ng unit ko para kuhanin ang mga gamit ng bata.

"Bye, Agatha. Hope to see you again," hinalikan ko siya sa pisngi at bumigat ang puso ko dahil mamimiss kong alagaan siya.

Thinking about Agatha makes me want to have a baby too. I'm already 25, ang tanda ko na at pwede na magkaroon ng sariling pamilya.


Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now