Kabanata 30

42 5 0
                                    

---

Wearing my silver strappy sandals and a black maxi dress with a high slit, I stormed out in my unit and I rode my car. Kumuha na ako ng sasakyan para hindi ako mahirapan sa mga lakad ko.

"Oh wow. Ms. Alistair is here!" Agad akong napangiti. Nagulat ako sa mga lumapit sakin pagkadating ko.

"The great clothes designer from America is here!"
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa sa kanilang bungad sakin.

"Your design is all great and I super love it!"

"Thank you so much." Malapad na ngumiti ako at natutuwa sa kanila na nakikipag-selfie pa sakin.

"Parang dyosa talaga! Iyong beauty mo talaga tumitingkad at nakakakuha ng atensyon ng crowd."

"Do you have a boyfriend now?
at hindi ako maniniwala kapag sinabi mong wala."
Natatawa nalang ako sa mga tanong nila sakin at maayos ko namang sinagot.

Marami pa akong natanggap na puri at nasanay narin ako dahil ganun din ang mga taong nakapaligid sakin doon sa America.

The event went smooth pero dahil atat na akong umuwi ay palihim akong lumabas. Uuwi na ako, nararamdaman kong mahihirapan ako mamayang umuwi kapag napasama na naman ako sa circle of friends ni Madam CJ.

"Hi," napalingon ako sa lalaking sumabay sakin sa paglalakad. Kanina pa ako hindi kumportable.

"You're not with your date?" Tanong niya at halatang ayaw ako tantanan.

"Sorry, nagmamadali ako eh. Una na ako." Nagmamadali akong lumayo at pumasok na sa kotse ko.

I stopped the car to the nearest bar in my condo unit. I wanna get wasted and party like I'm still a sweet teenage girl.

"One shot of vodka please," sabi ko sa bartender at napakurap-kurap pa siyang napatingin sakin.

Mabibilang ko pa ang nainom ko pero ang mga lalaking lumalapit sakin, hindi ko na mabilang.

Ayokong may kasama, gusto ko ako lang at hindi ko naman sila kailangan.

Isang tao lang ang gusto at kailangan ko.. malas lang dahil may asawa na.

Natulala na ako sa dagat ng tao sa loob ng bar na nagsasaya at nagsasayaw sa dancefloor. Nakangisi akong nakatanaw sa dagat ng mga tao.

Katulad ko din ba sila na may ganito ding pasan-pasan at sa bawat araw na lumipas ay patuloy ang pag-bigat sa dibdib?

I lost count and I can feel my body getting numb and I'm dizzy already..pero kahit ganun malinaw parin ang pag-iisip ko..siya parin ang nasa isip ko kahit lasing na ako.

Putangina Harper kailan ba kita makakalimutan ha?

I didn't stop drinking at nakakatuwa kasi kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Paano kaya ako makakauwi mamaya?

Tinawanan ko nalang 'yon.

Kung hindi ako makakauwi, eh di dito matutulog. Napahagikgik ulit ako pero nang may lumapit sakin at hinatak ako patayo ay nagpanic ako.

"Don't touch me!" Matigas na sabi ko dahil hinihipuan niya narin ako. Lumala yata ang pag-bigat ng ulo ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Umangal din ang bartender pero wala ring nagawa dahil hinihila na niya ako sa kung saan. Panay naman ang reklamo at sigaw ko baka may makatulong sakin pero wala.

I can't even see clearly because of dizziness.

"Hoy ano ba! Isusumbong kita sa asawa ko!" Sigaw ko at marahas niya akong hinihila palabas.

Can We Fix It (Completed)Where stories live. Discover now