CHAPTER 2

93 2 1
                                    


"Sorry I'm late" baritonong boses galing sa lakaking nasa pinto kaya napatayo ako btw familiar boses nya?.

"Hi, ikaw ba yung friend ng kapatid ko?" I ask him. "Ako nga pala si Rylie , ry na lang for short hehe" hala bakit ba sya hindi nagsasalita?

Ang tagal ko nag antay tapos ayaw niya ako kausapin? Ayaw niya ba saken?.

"Are you Mrs,Reyes?" he ask while surveying my whole body.
Omg bakit ganyan sya makatingin? I was just wearing a yellow off shoulder hihi.

The way he look at me parang hindi niya ako inaasahan na makita dito.
Hindi ba sinend ni Ky yung picture ko? para kahit papaano alam ni Mr.Lim muka ko.

"Hindi hehe" sagot ko sa kanya. "Bakit sino ba yon?" ako naman nagtanong sa kanya para fair.

"Leave" he said while massaging his nose. Sinisipon ba sya? Kawawa naman sya.

Bakit niya ako pinapaalis? Eh kami nga yung magkikita eh. Lumapit ako sa kanya at naglahad ng kamay.

"Nice to meet you po" todo ngiti pa ako para hindi na sya mabadtrip.

Akala ko kukunin na nya yung kamay ko pero hindi , dumiretso sya sa upuan at uminom ng gatas ko?

"What the hell!" Bakit ba siya sumisigaw huhu.

Galit na galit na talaga siya para siyang si kuya driver kanina.

"Ayaw mo ba ng gatas?" tanong ko para ikukuha ko na lang sya ng coffee kung gusto niya.

Tinignan nya ako ng masama, jusko po Kylie asan ka na?.

"Ano pa bang ginagawa mo dito?" he ask again.

"Sabi ng kapatid ko may kukunin daw ako sayo" nakayuko kong sagot sa kanya.
Natatakot na ako sa kanya , ayoko tumingin baka kainin nya ako ng buhay.

"Miss, I have a meeting right now at hindi ako ang tinutukoy mo so you must leave." mahaba niyang sagot halatang nagpipigil na sigawan ako.

Hindi daw sya? pero bakit sabi ni Kylie number 6? Pinaprank ba ako ng kapatid ko? Nakakainis naman si Kylie eh , balak niya na ba mag vlog huhu.

Itetext ko sya para malaman ko , ayaw ko naman umalis dito na hindi nakukuha yung pinapakuha ng kambal ko.

I get my phone in my bag but I realized na nag black out nga pala ang phone ko and kailangan na palitan kasi matagal na din eto.

"Ahm Ku-Kuya can I borrow your phone for a while? Itetext ko lang yung kapatid ko , I can't text her sa phone ko kasi nag black out sya" Sana pumayag si kuya saglit lang naman e.

Tinignan niya ako directly to my eyes kaya yumuko ako , I can't handle an eye contact with him hindi ako mapakali.

I started crying habang nakatayo sa harap ng Mr.Lim na ito.
Hihiramin ko lang naman eh ibabalik din pagtapos.

"Here and stop crying , I hate girls who cry like a river. Don't waste my time" Binigay niya sa akin yung phone niya kaya tumigil na ako sa pag iyak.

To:09*********

Ky si Ry 2 , sira phone ko kaya nakitext ako.
Akala ko ba number 6 yung table bakit isang private room napuntahan ko?

Sent

*Beep

Ang bilis naman magreply ng kapatid ko.

From: 09*********

Nagkamali ako ng binigay na number sorry Ry dapat number 9 , nagtetext at tumatawag ako sa phone mo hindi mo naman sinasagot.

Haynako nakakainis naman si kambal kaya naman pala nagagalit si Mr.Lim eh kasi hindi dapat ako yung kikitain niya.

Ang ganda ng phone ni Mr.Lim ha titignan ko kung may games kasi ayoko mabored.

"Mr.Lim , ano po ang order niyo" tanong ni ate waitress.

"Just give me black coffee" sagot niya ng hindi tumitingin kay ate waitress kasi busy sya sa pagtatype sa laptop nya.

Krunggggg'

Nakakahiya tumunog yung tyan ko , kanina pa kasi ako dito eh wala pa akong kinakain.

Napatingin si Mr.Lim at ate waitress sa akin.

"Give her a food" inutos niya kay ate waitress at lumabas na ito.

Mabait naman pala sya pero wait bakit parang kanina pa sya nag aantay sa ka meeting nya?.

Naglaro na lang muna ako sa phone nya kasi may nakita akong flappy bird HAHAHA naglalaro pala sya non?

"Good Afternoon Mr.Lim , as usual ang aga mo sa pinag usapan" biglang may dumating na babae edad 30 pataas , ito ata ang inaantay nya kanina pa.

Tumayo si Mr.Lim at nakipag kamay. Tinulungan nya pa ito makaupo sa upuan nya.

Ako? nasa tabi ako ni Mr.Lim naglalaro.

"It's good to see you again Mrs.Reyes, you know how much I value time" naka smirk nyang sabi at umupo na din sa upuan niya.

Dumating na si ate waitress at binigay ang mga order namin so I started eating kasi gutom na talaga ako.
Narinig ko pa na umorder si Mrs.Reyes ng inumin.

"Oh you have someone here , care to introduce me?" nag uusap na sila at hindi ako nakikinig promise.

Napatingin ako sa kanila at nakatingin sila sa akin.

"Hi po , ako po si Rylie you can call me Ry na lang po." pacute kong sabi hehe malay mo matuwa sya saken , hindi katulad ng katabi ko galit na galit gusto manakit.

"Your name suits you well hija and you're so pretty bagay na bagay kayo , I hope na tumagal kayo" naka smile niyang sabi.

Ngingiti na din sana ako kaso narelize ko yung sinabi nya, she hope na tumagal kami? bakit? tumagal saan? tumagal sa coffee shop? kaso bawal kailangan ko umuwi kasi magagalit si mommy at daddy tapos si Ky.

"Bawal po eh kailangan ko po kasing umuwi" nahihiya kong sagot.

I saw Mr.Lim half smile.

He know how to smile huh?

"Let's talk and don't mind her"
buti naman kinausap niya na si Mrs.Reyes kasi nahihiya na ako.

"She's cute , hindi ko akalain na ganyan ang mga type mo sa babae ha" tumawa si Mrs.Reyes.

__________________________________
__________________________________
Don't forget to smile :)

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now