CHAPTER 11

60 1 0
                                    


Kanina pa nakauwi si Reyzi pero hindi pa din tumitigil ang pagtibok ng puso ko. Makakasama sa akin kapag nagtuloy tuloy to.

Bumaba na lang muna ako para uminom ng tubig pero papasok na ako sa kwarto ng marinig ko na nag uusap sina mommy at daddy.

"Sa tingin mo ba tama ang desisyon natin na payagan magpakasal si Rylie Meriam?" Nacurious tuloy ako sa pinag uusapan nila kaya nakinig lang ako.

"Muka naman mabait si Raze at nakikita ko na matutulugan nya si Rylie kung sakali bumalik ang sakit nya" ha? Bumalik?

Akala ko ba never na babalik ang sakit ko?

"Sobrang pag iingat natin kay Rylie dahil baka bumalik ang sakit nya, possible yon dahil ikaw mismo ang tumitingin sa kanya meriam" naging malungkot si mommy kaya niyakap sya ni daddy.

"Hindi natin kasalanan na nagkasakit si Rylie mahal" hinalikan ni daddy ang noo ni mommy. "Natutuwa nga ako dahil kapag nawala tayo may asawa si rylie na tutulong sa kanya, ang ganda ng taste ng anak natin hahaha"

Pinalo naman sya ni mommy.
"Syempre mana saken"

Nakangiti ako na umakyat , sila ang ideal ko when it comes sa relationship pero alam ko na matatagalan pa ako na mahanap yon pwera na lang kung magkatotoo ang nararamdaman ni reyzi sa akin.

Sa kabilang banda nalungkot ako na malaman na pwede pala bumalik ang sakit ko.

May sakit ako sa puso dati , sabi ni mommy nakuha ko daw to dahil nagkasunog sa lugar kung saan nagkaroon ng libreng check up ang team nila. Noong pinanganak kami ni Kylie , ako ang nagkaroon ng butas sa puso kaya naka incubator ako kahit baby pa lang. Akala ko magaling na ako kasi nagkaroon ako ng operation when I'm 5 years old but I'm wrong. It's okay as long as buhay pa ako susulitin ko ang mga natitirang taon man yan or buwan.

Natulog na ako pagtapos ko mag overthink.

Zzzzzzzz

"Kambal nasa baba yung gagawa ng gown mo, gising ka na" kalabog sa pinto ang nagpagising sa akin.

Nag ayos muna ako bago bumaba.

Kinuhanan nila ako ng sukat ko at pinapili ako kung anong design ng gown ang gusto ko. I want simple but elegant gown kaya pinili ko yung gown na off shoulder pero long sleeve and fitted sa katawan ko. Ako na din ang hinayaan ni Reyzi mamili kung ano ang magiging color coding ng mga bisita kaya pink ang sinabi ko, ngumiwi nga si Kylie pero hinayaan ako kasi kasal ko naman daw yon.

Nagpagawa na din ang kambal ko ng dress pati sila mommy. Nag start na din magbigay ng wedding invitation si Reyzi.  Binigyan nya din ako kung sino daw aayain ko kaya binigyan ko si Plankton since sya lang friend ko.

__________________

Nanonood kami ni Ky ng horror movie.

"Oo nga pala Ry nabigyan mo na ba si Plato ng invitation?" Plato naman ang tawag ni kambal kay plankton hahaha.

"Oo tapos na , nagulat pa nga sya eh" tawa ko pa.

"Dapat sinabi mo , pano gulat?" tawa nanaman sya.

I decided to call Plankton via IG.

"Hello mga beh , bakit kayo napatawag?" Nakita ko naman ang background ni Plankton para syang naglilinis sa room.

"Omg ka Plato , walang pinagbago muka ka pa din unggoy" tinuro pa ni kambal ang screen habang hawak naman ng isang kamay ang tyan nya.

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now