CHAPTER 21

47 1 0
                                    


Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko.

Nanghihina ako.

Ayaw ko kumain kahit ang pag inom ng gamot na binigay ni doc ay ayaw ko gawin.

Lagi akong pumupunta sa likod bahay para kausapin si chawie.

Ang baby ko wala na.

Sya ang lagi kong kasama sa lahat, alam nya lahat ng rants ko since elementary. Si Daddy ang nagregalo kay Chawie kaya mahal na mahal ko sya pero iniwan nya din ako.

Wala na akong kakampi sa bahay na to , hanggang ngayon hindi umuuwi si Reyzi. Mukang nagsasama na sila ng babae nya.

Dinadalaw ako nila Plankton pero hindi ako lumalabas. Nakakulong lang ako sa kwarto at umiiyak.

"Hey wife , hindi ka pa daw kumakain sabi ni nanay corazon" nagising ako dahil sa taong to.

"Sino ka?" Nagtaka naman sya sa tanong ko.

"Ako ang asawa mo"

"Wala akong asawa , umalis ka sa kwarto ko!" Pinagtulakan ko sya kaso ang lakas nya.

"Wife , what's the problem? I'm sorry kung hindi ako nakakauwi. May problema sa kompanya at kailangan ko ayusin" masuyong sabi nya. Kailan nya itatago sa akin ang pangbababae nya!!

Sinungaling!!

Umiyak lang ako sa harap nya, lalapitan nya ako pero umuurong ako.

"Hindi ka man lang pumunta sa hospital nung nahimatay ako, wala ka dito para samahan ako magluksa sa pagkawala ni chawie" iniyak ko lahat sa kanya.

Pero hindi ko sinabi ang mga nakita ko.

"I-I'm sorry wife" sa tingin nya ba sa isang sorry lang magiging okay na lahat?

Namumula ang mga mata nya pero hindi ako nakaramdam ng awa.

Umiiyak sya? Bakit ngayon lang?!

He dis this to me!!

I changed because of him.

After ng gabing yon lagi ng umuuwi si Raze , hindi ko na sya tinatawag na reyzi dahil para saan pa?

I take meds pa din pero minsan hindi na ako umiinom.

Napapansin na din ang pag putla ko.

"Wife are you okay?" Nandito kami sa hapag kainan at nilalaro ko lang ang pagkain ko, wala akong gana.

"Don't talk to me and just eat" tinarayan ko sya kaya gulat na gulat ang muka nya.

I don't care kahit magulat pa sya.

Bukas pupunta ako ng America at hindi ko alam kung uuwi pa ba ako.

Aantayin ko na lang ang annulment paper namin , tutal may babae naman na syang iba ..ayon ang asawahin nya.

Wala akong balak magpaalam sa kanya dahil wala din naman syang pake at hindi naman nya ako mapipigilan.

Maaga akong matutulog para makaalis ng maaga bukas.

"Wife let's talk" amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

Uminom sya?

Obvious ba? Kaya nga amoy alak , hayst ang bobo ko sa part na yon.

Hindi ko sya pinansin.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama meaning nandito na sya sa tabi ko but I didn't move.

He hugged me from behind.

Sa inis ko ay tinulak ko sya pero wala akong lakas.

"I-I'm sorry wife, please forgive me" nababasa ang balikat ko dahil umiiyak sya , kumirot ang puso ko sa nakita but I need to be tough.

Ayaw ko na magpadala sa mga sasabihin nya.

He kissed me and I didn't push him.

I want to feel him kahit ngayon lang.

This will be the last I promise to my self.

Napahawak ako sa buhok nya ng bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Pinigilan ko ang nararamdaman na kiliti. He start to undress me and hindi ako umangal.

Hinalikan nya ang aking bundok na nagpabaliw sa akin. Binalikan nya ang aking labi , nalasahan ko ang alak na ininom nya.

Yes , something happened.

Hinayaan ko may mangyari sa amin dahil huli na din naman to.

____________

Nagising ako ng maaga at naghanda na sa aking pag-alis.

Nakadapa sya at kitang kita ang hubad na katawan kaya kinumutan ko sya.

Hindi ako nagpaalam sa lahat kahit kina Airah.

Iiwan ko na ang masasakit na alala dito. Ayaw ko na balikan.

Tinanggal ko ang sim ko at nagpalit ng bago , I also want to delete our pictures pero hindi ko na ginawa dahil memories pa din yon

Pagdating ko dito sa America nagulat sila mommy dahil hindi daw ako nagpasabi. Hindi ko na din sinabi kung ano ang dahilan bakit ako pumunta dito sa kanila. I don't want to complicate things more.

Nagulat ako sa laki ng tyan ni Ky at malapit na syang manganak.

Gusto ko din magkwento sa kanya pero nilihim ko na lang , nalungkot din sila ng malaman na patay na si chawie. Iyak pa ng iyak si ky dahil na din sa pagbubuntis nya kaya mabilis maiyak.

Kahit papaano nakalimutan ko ang sakit na binigay ni Raze.

Naka isang linggo ako dito sa America bago nakahanap ng trabaho bilang cashier ng supermarket. I accept the job kahit papaano dahil malaki din ang kita dito.  Mas tinuon ko ang atensyon sa pagtatrabaho. Napansin nila mommy na never ko tinawag si Raze kaya kinausap nila ako kung may problema ba daw kami mag asawa pero sabi ko gusto ko lang muna magbakasyon at wag na muna guluhin ang taong yon dahil may problemang kinahaharap ang company nya khit ang totoo ay babae lang naman ang inaatupag.

Gumising akong masama ang pakiramdam kaya nag alala sila mommy.

"Anak , okay ka lang ba talaga?"
Si mommy ang nagdala ng pagkain ko dito sa kwarto.

"I'm fi_

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis na pumasok ako sa cr at sumuka. Lagi akong sumusuka ewan ko ba.

Hinagod naman ni mommy ang aking likod. "Anak baka buntis ka"  nagulat ako kay mommy at inisip ko kung kailan ba ako huling nagkaroon. 1 month na ako hindi dinadatnan.

Natutuwa ako dahil magkakaroon na ako ng anak, pareho na kami ni Ky may baby. Nag pt ako at positive ang lumabas , natuwa ang pamilya ko at sa gitna ng kasiyahan.

"Daddy manganganak na ako" pumutok na ang panubigan ni ky kaya tinakbo na namin sya sa hospital.

Napaka strong ni Ky dahil nakayanan nya manganak , isang healthy baby girl ang lumabas. Tuwang tuwa sila mommy lalo na si daddy, may bago na daw syang baby kasi malaki na daw kami ni ky kaya ngumuso kami pareho.

Nakita kung paano maglabor at sumigaw sa sakit si ky. Natakot ako para sa akin pero at the same time na-excite. Kitang kita ko ang saya sa mata ni Kambal lalo na ng makita na nya ang kanyang anak.

"Sya si Akeisha"

Ayan ang pangalan na sinabi ni Ky bago sya nahimatay sa pagod.

Welcome to the world pamangkin!

________________________
______________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now