CHAPTER 20

45 1 0
                                    

It's been 1 month and I must say na bumalik ang dating reyzi na nakilala ko. Madalang na lang syang umuwi kaya hindi ko mapigilan umiyak sa gabi lalo na ngayon dahil napansin ko ang pagbagsak ng katawan ni chawie, hindi nya iniinom ang gamot nya.

I need reyzi pero hindi pa din sya umuuwi. Matapos ang date namin nung araw na yon , lagi na syang nasa office. Nag tetext naman sya puro kumain ka na.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya , kung okay pa ba kami.

Sumikip ang dibdib ko sa pag iyak pero hindi naging rason yon para tumigil ako sa kakaiyak.

Nag dilim ang aking paningin....

____________

Pagdilat ng mata ko , alam ko na kung nasaan ako....sa hospital.

"Kamusta ang pakiramdam mo hija?" Si nanay corazon pala ang kanina pang nakahawak sa mga kamay ko.

"I'm good po , pumunta po ba dito si reyzi?"  Umaasa akong pumunta sya dahil sinugod ang asawa nya.

Alam kong nag-aalala sya sa akin.

"Pasensya ka na hija pero sabi ng secretary nya , nasa business trip daw si reyzi at baka bukas pa makauwi"  ngumiti ako kay nanay corazon to hide my disappoinment.

Bakit hindi nya sinabi na nay business trip sya? Asawa nya ako dapat alam ko. Hindi ko na napigilan ang muling umiyak kaya agad agad na lumapit si nanay corazon sa akin para patahanin ako.

"Makakasama sayo ang pag-iyak, tumahan ka na" pero hindi ako nakinig sa kanya. Iyak ako ng iyak dahil mas masakit kung kikimkimin ko lahat ng to.

Biglang pumasok si doc.

"Mrs. Lim, I suggest na magpahinga ka na muna. Makakasama sayo ang magpagod at lalong lalo ang umiyak. Nalaman ko na may record ka pala sa sakit ng puso and sorry to say but bumalik ang iyong sakit" hindi na ako nagulat sa sinabi ni doc dahil alam ko naman na possible na bumalik ang sakit ko. Hindi naman naitago ni nanay corazon ang pagkagulat.

Reyzi I need you now, please come here. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Pagkagising ko wala si nanay corazon pero may isang yaya na iniwan saken para bantayan ako, nalaman ko na pinagluluto pala ako ni manang ngayon.

I reached for my phone and tried to call him but no one answer.

Sabi ni nanay corazon kahapon na baka umuwi si reyzi ngayon kaya balak ko sya puntahan sa office.

Humanap ako ng tyempo para makalabas sa hospital, sakto naman na umihi si yaya kaya tinanggal ko ang mga nakasabit sa akin at nagpalit ng damit. Nagalakad ako ng mabilis hanggang sa makalabas ako ng hospital. I took taxi para makadating sa opisina ni reyzi.

Akala ko madadatnan ko ang secretay nya pero wala kaya I decided to go inside his office pero napatigil ako ng marinig ang boses ng isang babae.

"I know naman na hindi mo sya mahal at maghihiwalay din kayo" kitang kita ng mga mata ko na nakakandong ang babaeng yon sa asawa ko.

"Yes , I marry her because I need my father's property so she's out of this conversation, I don't wanna hear anything about her because she's nothing to me" tumagos sa puso ko ang lahat ng sinabi nya, feeling ko mamamatay na ako sa sobrang sakit ng puso ko.

Gusto ko magalit sa kanila , gusto ko sambunutan at hilain ang babaeng yon dahil asawa ako at may karapatan ako pero tama naman si reyzi ...he marry me because he needs me , he doesn't love me.

Pero ano ang lahat ng pinakita nya? Pagpapanggap lang ba ang lahat ng yon?

Napatakip ako sa aking bibig para hindi marinig ang mga hikbi ko.

"Mrs.Lim n-nandito po pala kayo , dapat nagpasabi kayo ..m-meron pa pong ka-meeting si Sir Raze". Hindi makatingin ng diretso ang sekretarya nya sa akin kaya hindi nya din napansin ang pag-iyak ko.

"Don't tell him na pumunta ako dito" tinalikuran ko sya pagtapos.

I don't know what to do!!!
I want to scream!!

Airah Calling...

I answered her call.

"Rylie, where are you? Bakit hindi ka pumasok kahapon at ngayon?"

"I-I'm sorry Airah, something h-happen" hindi ko naitago ang paghikbi sa bawat salita ko.

"R-Rylie anong nangyari?" Nagulat si Airah sa narinig kaya eto sinundo nya ako sa company ng asawa ko.

"Rylie , anong nangyari?" Lumapit sya sa akin at yumakap.

Sa yakap nya ako mas lalong napaiyak , finally may taong nag aalala sa akin. Someone came for me , I'm not alone right?

Iyak lang ako ng iyak sa yakap ni Airah at sya naman ay walang tigil sa paghimas ng aking likod. Hindi ko kinaya ang pag-iyak kaya dinala ulit ako sa hospital.

Nagising ako na nasa hospital ulit.

Nakita ko si Airah at Nanay Corazon na nag uusap.

"Gising ka na pala hija, kumain ka na muna" si Nanay Corazon ang unang nakapansin sa akin. Ayoko kumain pero kumakalam na ang tyan ko kaya pinilit ko ubusin ang binigay ni Nanay Corazon.

"You feel okay Rylie?" Malambing na tanong ni Airah habang hawak ang kamay ko. Umiling ako at nagbabadya nanaman ang mga luha ko.

"Shh, it will be okay" niyakap nya ako.

BLAGGG!!

Bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko.

"Riri wag muna , bata ka pa" parang tanga ang entry ni Plankton kahit si Airah ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Nag peace sign lang si Plankton at lumapit sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Alam na ba nila tita? Si Ky alam ba? Asan ang asawa mo?" Sunod sunod ang tanong nya kaya binatukan sya ni Airah.

"Aray naman baby masakit" nakanguso pa sya.

Natutuwa ako para sa kanila.

Halatang mahal nila ang isa't isa kahit hindi halata kay Airah pero alam ko na mahal nya din si Plankton.

Paano naman ako?

Sabay na umuwi si Airah at Plankton , nangako pa na babalik dito pero sabi ko uuwi na din ako dahil hindi ko gusto ang hospital. Kinausap din ako mg doctor at sinabi na kailangan ko daw ulit maoperahan.

Parang ayaw ko na maoperahan.

Ayoko na mabuhay pero naalala ko ang pamilya ko.

Kinabukasan umuwi na din kami kahit ayaw ni Nanay Corazon.

Hanggang kailan ako masasaktan?



"Ma'am patay na po si Chawie , inilibing po namin sya sa likod bahay" ayan ang bumungad sa akin pagdating namin sa bahay.

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now