CHAPTER 8

59 2 0
                                    

Hindi pa kami nakadating ni Reyzi sa bahay dahil guess what? Nasukahan ko lang naman sya at mura sya ng mura ngayon.

"Sorry Reyzi, hindi ko alam na susuka ako" kanina pa ako sorry ng sorry kay reyzi at naiiyak na ako.

"Shit, stop crying Rylie" pero hindi pa din ako tumitigil. Naiinis ako sa sarili ko baka na-turn off na sya sa akin.

Nandito nga pala kami sa condo nya dahil magpapalit sya.

Pumasok sya sa isang kwarto and naisipan ko naman na umupo sa sofa dahil nahihilo pa din ako.

Zzzzz

_________

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nasaan na kaya si Reyzi?

Hala nasaan ako?

Napatingin ako sa paligid at napansin ko na nasa kama na pala ako nakahiga.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na si Reyzi na ang nasa sofa.

Nakahiga sya at mukang mahimbing na din ang tulog. Bumalik ako sa kwarto para kunin yung kumot at nilagay ko sa kanya.

Hinanap ko ang phone ko dahil baka hinahanap na ako na sa bahay but lucky me and ky dahil hindi pala umuwi sila mommy dahil may reunion na dadaluhan at sa hotel sila mag sstay para ngayong gabi hassle naman kasi talaga kung uuwi pa sila gayong gabing gabi na at baka mapahamak pa sila sa daan.

I texted Kylie dahil hindi din pala sya umuwi , nag text na din ako kay mommy and daddy ng goodnight.

Uminom muna ako ng tubig bago bumalik sa kwarto nya at natulog.

__________________
__________________

Amoy ng pancake ang nagpagising sa akin. Masarap yon lalo na kapag may chocolate syrup.

Naghilamos muna ako sa cr bago ako tuluyang lumabas.

Nakita ko ang nakatalikod na si reyzi.

"Good morning Reyzi" nakangiti ko na bigkas.

Lumingon naman sya pagkarinig sa sinabi ko. Tumango lang sya at tumalikod ulit.

Sungit hmp.

"Eat and after that sabay na tayo pumunta sa bahay nyo, I'll talk to your parents." Omg ito na talaga yon.

Hihingiin na nya yung kamay ko sa pamilya ko.

Dito ba kami titira kapag mag-asawa na kami??

"I said eat stop staring"  Hindi sya kumakain ng pancake dahil kape lang ang iniinom nya.

"Do you want coffee or juice?" He asked.

"I want milk" nakalabi kong sabi.

"Are you sure you are 22?" Akala ata nya nagbibiro ako sa edad ko.

Tumango ako bilang sagot.
"You look like a kid to me"

Hindi ko alam kung ano dapat maramdaman sa sinabi nya , nakaka offend pero ayoko na lang pansinin.

Umalis sya sa lamesa and hindi ko alam kung saan pupunta. Baka mag tubig na lang ako after ko kumain.

Pinuno ko ng chocolate syrup ang pancakes ko kaya hindi ko na napansin na nakabalik si Reyzi dala ang isang tasa na may laman na gatas.

Ang bait nya talaga!!!

"Thankyou Reyzi hehe"  todo smile pa ako while sya seryoso lang yung muka.

After namin kumain nag decide na kami umalis para daw makausap na nya sila mommy. Actually kanina pa ako kinakabahan kasi hindi ko alam ano kakalabasan ng pag uusap nila.

My parents adore me so much and kahit sabihin nila na it's okay na mag asawa ako , alam ko na they want to spend my other year kasama sila.

Huminto na ang kotse hudyat na nasa bahay na kami. Nauna bumaba si Reyzi at pinag buksan ako pero mas kinabigla ko ang paghawak nya sa kamay ko.

"Let's do this" ngumiti sya ng maliit pero dahil sa ngiti na yon napag desisyunan ko na tulungan talaga sya.

Hindi ko alam pero nararamdaman ko na kailangan nya ako.

Pumasok na kami sa bahay at ang bumungad sa akin ang malakas na sigaw ni daddy.

" What did you do to yourself Kylie??" Dumadagundong ang boses ni daddy kahit nasa pinto pa lang kami.

Nakita ko na humihikbi ang kambal ko. Si mommy naman nilapitan si daddy para kumalma.

I think mali ang pagkakataon na para sabihin kina daddy ang balik namin kaya hihilain ko na dapat si Reyzi pero huli na ang lahat dahil nakita kami ni daddy.

"What's the meaning of this Rylie?"  Kahit ang kapatid ko na umiiyak ay naka tingin sa akin ngayon.

"Ahmm d-daddy_"  I didn't finish what I said because Reyzi interrupt. "Hello Sir, I'm here to take your daughter's hand" magalang na sabi ni Reyzi kay daddy.

Mukang hindi kinakabahan si Reyzi dahil eye to eye sila ni Daddy habang ako dito maiihi na sa kaba.

______

Nandito kami sa sala , magkatabi kami ni Reyzi habang katapat naman namin ang parents ko. Ang kaninang umiiyak na si Kylie ay tahimik na naka masid na din.

Bakit kaya sya umiiyak kanina? Pupuntahan ko nga dapat sya kaso ang higpit ng hawak ni Reyzi.

"What did you say young man?"  Si daddy ang nagsasalita kasi hanggang ngayon tulala si mommy.

"I want to marry yout daughter sir"  hawak pa din ni Reyzi ang kamay ko at marahang pinisil ito. Ang tulala na si mommy ay napatingin sa mga kamay namin.

"How old are you?" sobrang intense naman dito para tuloy ako nauhaw.

"I'm 27 sir and if you will ask what's my occupation, I have a company sir .. your daughter is in good hands , she will have a bright future with me." Wow parang nasa pageant si Reyzi at nag qquestion answer sila ni daddy.

Maya maya lang ang muka ni daddy ay parang lumambot. Si mommy din ay parang naiiyak.

"Ang baby ko ikakasal na" umiiyak na si mommy kaya dinaluhan ko sya.

"Salamat at matapang ka na pumunta dito" nakipag shake hands si daddy kay Reyzi. "Mahal na mahal ko ang anak ko na yan kaya sana wag mo sya sasaktan" pati tuloy ako napa iyak sa sinabi ni daddy kung makapag salita sya parang ngayon na ako ikakasal.

Bakit ang bilis para kay daddy na payagan si Reyzi?

"Kailan nyo balak magpakasal hijo?" Si mommy na ngayon ang nagtatanong habang nakayakap pa din ako sa kanya.

"It will be next month ma'am" napangiti naman si mommy.

"Call me mommy from now on kasi magiging anak na din kita" tumayo si mommy at yumakap kay Reyzi.

Nakita ko ang pagkagulat sa mata nya at ang paglambot ng expression nya.
Pumikit sya at pag dilat nya parang mamasa masa ang kanyang mata.

Lumapit din si Kylie at nakipag kamay kay Reyzi.

"Subukan mo saktan kambal ko , ako makakalaban mo" siga na pagkasabi nya kaya pingot ang binigay ni daddy.

Nakita ko naman na napanguso ang kambal ko.

"Ikaw Kylie kailan mo ihaharap sa akin yung ama ng magiging anak mo ha?"  Nakatingin si Daddy kay Kylie. " Wag kang ngumuso dyan at sagutin mo ang tanong ko".

Nagulat ako sa nalaman kahit ata si Reyzi ay nagulat dahil nakita ko ang pagkabigla ng muka nya.

Si Ace ba ang ama?

Bumalik nanaman sa pag iyak si Kambal.

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now