Chapter 25

51 2 0
                                    


"Daddy bakit cry ka?" Hinawakan ko ang muka ko at naramdaman ko na basa na ito ng luha ko.

"D-daddy wag k-ka na cry" umatungal na din sya ng iyak dahilan kung bakit unti unting nagigising si Rylie.

Third Person POV

Kinarga agad ni Rylie ang kanyang anak ng makita itong umiiyak.

"Shh baby stop crying na" yumakap ang kanyang anak at tumingin sa kanya.

"Daddy cry po" nagulat naman si Rylie at napatingin sa nakahigang si Raze na nakatingin na din sa kanila ngayon.

Hindi nya napansin na gising na pala ito kaya agad syang lumapit.

"May masakit ba sayo raze?, Tatawagin ko na ba ang doctor?" Lalong umiyak si raze ng marinig ang boses ni Rylie.

Akala nya panaginip lang lahat pero nagkakamali pala sya. Kaharap nya talaga ang asawa nya at may anak pa sila.

"Raze wag ka na umiyak , pati anak mo gumagaya" hindi na alam ni rylie ang gagawin dahil pareho umiiyak ang kanyang mag-ama.

"Is this real?" Napakunot ang noo ni rylie sa tanong ni raze.

"Of course it's true, we have a baby and we're here already so magpagaling ka" ngumiti si rylie.

Tumigil sa pag iyak si Raze at nag angat ng kamay para mayakap ang dalawa. Hindi naman ang atubili si Rylie at sumugod din upang maramdaman ang yakap ng matagal na nyang inaantay.  Feeling nya kontento na sya at safe sya sa yakap ni Raze.

"O-ouch ipit ako mommy" natawa pareho ang dalawa dahil sa kanilang anak.

_______________________

Sinusubuan ni Rylie si Raze ng pagkain nya habang ang anak naman nya naglalaro sa cellphone nya. Nasabihan na din nya ang mga magulang nya tungkol sa nangyari kay Raze kaya uuwi sila. Nalinawanan na din si Rylie kung bakit ganon ang naging pagtrato ni Raze sa kanya noon.

"I'm sorry for what I've done , please accept me again" hinawakan ni Raze ang kamay ni Rylie habang sinasabi ang mga katagang yon.

"I forgive you already Raze and I'm thankful sa mga ginawa mo baka kung nag stay din ako dito , napahamak na kami ng anak mo". Hinimas ni Rylie ang kamay ni Raze na nakahawak sa kanya.

Nagkatinginan sila.

"I love you Rylie"

"I love you Raze"

Unti unting lumapit ang mga muka nila sa isat isa at....

"Sali ko mommy" sumingit ang cute nilang anak.

Napakamot sa ulo si Raze at sa isip "sayang pagkakataon na"

Natawa na lang si Rylie sa nangyari.

Nalaman nila na namatay si Elaine sa Car Accident nung araw na yon.



After 1 week

Isang linggo din bago tuluyang nakalabas si Raze sa hospital, maayos na ang lagay nya at nagtatrabaho na ulit.

"Kamusta pare , balik trabaho ka na ha parang hindi ka muntikan mamatay" tawa tawang pagpasok ni Dominic kasunod nya si Ace na tahimik lang at malalim ang iniisip.

Nag taas naman ng middle finger si Raze kay Dominic.

"Wala ba kayong trabaho at ako ang ginugulo nyo?" Nakatutok pa din sa mga papeles si Raze kahit nasa harap nya ang mga kaibigan.

"Inuman tayo pare, celebrate natin ang pagkabuhay mo" napapahampas pa sa hita si Dominic sa kakatawa.

Tinigilan naman ni raze ang mga papeles at masamang tumingin kay Dominic.

"You assh__

Kring Kring....

Hindi natuloy ni Raze ang pagmumura sa kaibigan dahil bigalang tumawag ang asawa nya. Lumiwanag ang kaninang busangot na muka ni Raze.

"Yes wife?" malambing na boses na bungad nya.

"Daddy , mauw to ..usto ko choclate paslubong" natawa naman si Raze sa pagsasalita ng kanyang anak. Paputol putol ito pero napaka cute sa pandinig nya.

"Okay son, I'll get you chocolate"

"yEy Thankyou Daddy" rinig na rinig ang patalon talon ng kanyang anak kaya he chuckled.

"Wow pre, daddy na daddy na ang datingan ha. Sana ol daddy na HAHAHHAHA" Napa iling na lang si Raze sa inasta ng kaibigan.

Napansin nya din ang pananahimik ni Ace.

"Ano nangyari jan?" tanong nya kay Dominic.

"Ewan ko sa taong yan , may nabunggo kasi yan na batang babae tapos tinarayan sya.. tulala na sya pagtapos." Natawa naman si Raze sa paliwanag ni Dominic kasi with action pa.

"Kami na nga lang ni Ace mag iinom, sige na bumili ka ng chocolate para sa tyanak mo" takbo naman na lumabas si Dominic hila hila si Ace bago sya batuhin ni Raze ng Vase.

Umupo si Raze sa swivel chair at huminga. Napagod sya sa muka ni Dominic.

"Kamusta tol" napabuntong hininga naman sya. Wala na nga si Dominic pero pumalit naman ang isang to.

"Ano nanaman yon Platon?" Hinilot na nya ang ulo nyo dahil feeling nya magkakatrangkaso sya sa mga kaibigan nya.

"Wag mainit ulo mo saken , tandaan mo ako nagsabi kay Rylie tungkol sayo kung hindi dahil saken baka hindi mo alam na may anak ka at wala sila dito ngayon" ngumingiti pa sya ng nakakaloko.

"Diba may practice ka para sa concert mo , bakit nandito ka?" Tumayo si Platon at lumapit kay Raze, hinilot nito ang balikat nya.

"Tol sa concert ko yung time para mag propose ka kay Rylie , diba sabi mo papakasalan mo ulit sya?" Minsan nabubuyset sya kay Platon at pinagselosan na nya ito pero hindi din maikakaila na tunay itong kaibigan.

Napangiti sya sa sinabi ni Platon baka yun na nga ang time para ayain ulit magpakasal si Rylie.

Pagkatapos ni Raze ma- discharge sa hospital, naisipan nya na mag propose ulit kay Rylie. Gusto nya na magsimula ulit sila ng bago at walang pagkukunwari.

________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now