CHAPTER 19

55 2 0
                                    




Sinundo ako ni reyzi sa trabaho kanina at pansin ko na malalim ang iniisip nya.

May problema ba sya?

Kapag kakausapin ko naman sya , okay lang sya. Madaming nagbago kay reyzi simula ng sabihin nya sa akin na seryosohin namin ang pagiging mag-asawa and day by day pinaparamdam nya na mahalaga ako sa kanya.

Hinahandaan nya ako ng breakfast and tabi kami lagi matulog, magigising ako na yakap yakap nya.

That's the best thing that happened to me.

Ngayon naghahanda ako para sa date namin ni reyzi , kanina pa sya wala kasi may pupuntahan lang saglit and susunduin daw nya ako after.

It's my chance para mag-ayos , isusuot ko yung regalong dress sa akin nung kasal namin. Isa itong off shoulder dress na may design na sunflower all over. Ang presko sa katawan, bagay na bagay ito sa magiging date namin.

I tied my hair into a bun , naglagay lang ako ng konting buhok sa gilid gilid para I look cute sa paningin nya hehe. Nag liptint lang din ako and all done. I wear my flat sandals and of course my tote bag. I have addiction sa mga tote bag kasi you can bring anything you like and okay sya gamitin , hindi sya ganon pansinin so no one can snatch my things.

Pinuntahan ko muna si chawie dahil napansin ko ang pagiging matamlay nya , hindi na sya matakaw kumain and we tried to consult him sa vet pero sabi nila dahil lang daw sa klima kaya nagkakaganyan si chawie. Hinimas ko ang ulo nya, naamoy nya ata ako kaya dinilat nya ang mata nya and now he's looking at me.

My poor baby :<<

"Pagaling ka na baby chawie para igala kita sa park ha?" Wala naman syang tugon sa sinabi ko and basta na lang pumikit.

Hinihintay ko na si reyzi dito sa sala and malapit na mag 1hour pero wala pa din sya , matutuloy pa ba ang date na ito??

Napatayo ako ng marinig ko ang kotse nya.

Pawisan si Reyzi at gusto ang kanyang white na polo.

"I'll just change my clothes and we will go" dire diretsong umakyat si reyzi na hindi man lang ako tinitignan.

Ano ang problema nya?

Nararamdaman ko na nagbabadya ang mga luha ko kaya pinigilan ko.

I just need to think positive.

Hindi sya galit.

He likes me kaya nga magdedate kami eh but why is he cold???

May ginawa nanaman ba akong mali?

Tinatanong ko pa ang aking sarili kaya hindi ko napansin ang pagbaba ni Reyzi.

"Let's go"

Sumakay na kami sa kotse nya.

"Reyzi may problema ba? , Napapansin ko ang pag buntong hininga mo"

"What's buntong hininga?" I don't know  if  required ba tumawa sa ganitong situation namin.

"Ahm I mean your Exhale " tama naman diba?

"Sorry wife , there's a problem in the office " ah sa office pala.

Akala ko naman galit sya sa akin.

"Andito na tayo"

Napatingin naman ako sa bintana and wow. Ang ganda ng lugar , madaming bulaklak at iba't ibang uri.

Napa busangot naman ako dahil sa suot ko , kapag tumabi ako sa mga bulaklak baka mapagkamalan akong ka-uri nila.

Napansin naman ni reyzi kaya hindi nya napigilan na matawa. Napanguso tuloy ako.

"Why? do you want some kiss?..okay here we go" dinampi naman nya ang kanyang labi sa akin.

Ngumuso ako sa inis , hindi dahil sa gusto ko magpahalik.

I just rolled my eyes.

"Wife you're being mataray na"
Akala mo seryoso pero tumatawa naman.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at hinawakan sa kamay para makalapit sa lamesa na nakahanda.

Inalalayan nya ako hanggang sa makaupo.

"I choose this place because it reminds me of you. This place is quiet and refreshing just like you. This flowers is also like you, beautiful in your own way." Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nya.

Akala ko kakain na kami pero may kinuha sya sa tabi at isang malaking bouquet of roses ang binigay nya sa akin.

"This is for you my lovely wife" I smiled and reach for the flowers.

I want to stop the time but I know it's impossible.

Kumain kami, nagkwentuhan at nag take ng pictures.

Nag myday naman ako , picture namin ni reyzi kasama ang bouquet.

Maya maya may tumawag kay reyzi kaya lumayo sya sa akin bago sagutin ang tawag. Hindi naman ako naghinala dahil may tiwala ako sa kanya lalo na ngayon na pareho kaming may nararamdaman sa isa't isa.

kyky replied to your story.
     sana ol na lang ako

Natawa naman ako sa naging reaksyon ni kambal. Lagi ko sila kinakamusta thru video call and chats, malaki na din ang tyan ni ky kaya doble ingat sila Mommy.

"Wife come here" umupo si reyzi sa lilim ng isang puno. Naglatag sya ng mat bago ako ayain umupo.

Ang gwapo ni reyzi kahit naka side view lang sya , paano pa kaya kapag nakaharap na.

Napapikit ako sa sariwang hangin, napaka peaceful ng lugar na to.

Hinilig ko ang aking ulo sa balikat ni reyzi, agad naman nyang inalalayan ang aking likod.

An empty street, an empty house
A hole inside my heart
I'm all alone, the rooms are getting smaller
I wonder how, I wonder why
I wonder where they are
The days we had, the songs we sang together
Oh, yeah

Reyzi started to sing and I can't hide my amusement kasi marunong pala syang kumanta. Hindi naman ako nag angat ng ulo at mas dinama ang ganda ng kanyang boses.

And oh, my love
I'm holding on forever
Reaching for the love that seems so far

Can we just stay like this reyzi?
This moment is unforgettable especially kinantahan ako ni reyzi.

So, I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue
To see you once again, my love
Overseas, from coast to coast
To find a place I love the most
Where the fields are green
To see you once again

My love...

Naramdaman ko ang paghalik nya sa aking ulo.











"Please trust me wife, iloveyou"

Hindi ko narinig ang huling sinabi nya dahil hinila na ako ng antok.

__________________________
____________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now