CHAPTER 12

56 2 0
                                    


Nagulat ako dahil may biglang nag salita sa likod ko and familiar , paglingon ko tama ang hinala ko na si Reyzi yon.

"Hindi ka nagreply sa text ko" naka pout kong sabi.

"Because I'm going with you" umupo naman sya sa kabilang gilid ko kasi nasa kabila si Ky.

"Hoy Raze musta buhay?" napansin na ni kambal na nandito si Reyzi kaya puro tanong ang inabot niya.

"I'm good" ganyan sya kaikli sumagot.

Ewan ko ko ba dito kay Reyzi , Isang Tanong Isang Sagot syang tao...Madaldal naman sya kapag pinapagalitan ako. Napapansin ko yon na madami syang nababanggit na salita kapag galit sya.

Umorder naman ng beer si Reyzi kaya ito na ngayon ang tinutungga nya.

"Pota Plato sumakit tenga ko sayo buti tumigil ka" pang aasar agad ni kambal kay Plankton pagdating nya sa table namin.

"Aba aba buntis tandaan mo libre ko yan baka ipabayad ko yan sayo" ganti naman ni Plankton kaya napatawa naman ako.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang kamay ni Reyzi sa bewang ko. Hinahaplos nya ako don habang ang isang kamay nya may hawak na beer na iniinom nya.

"Omg ka riri , sya na ba ang chupapi mo?" hinampas hampas naman sya ni ky kakatawa.

Boang talaga to si Plankton kung ano anong salita ginagamit kaya dati napapagkamalan ni ky na bakla kasi akala mo babae kung magsalita.

We all know Plankton madali at masaya sya kasama kaya nga minsan hindi na nila alam kung may pinagdadaanan ba yung tao kasi lagi naman tumatawa.

"Galing ng kambal ko pumili noh?"
Pagmamalaki ni kambal.

"I'm Raze Lim" pagpapakilala ni Reyzi. "I'm her soon to be husband"

"Hi pare , ako nga pala si Platon Santiago .. nakatira sa mabuhay street and I thank you" nag shake hands sila and nag vow pa si Plankton na mukang tanga hahaha.

"Ay wow kabog ang pagpapakilala pwede na isali sa MU" pumapalakpak pa si kambal na akala mo nga naman nasa beauty pageant kami.

"Wag na beh baka mag uwian kapag alam nila na ako ang sasabak" sagot naman ni Plankton.

Nawala na ang paningin ko kina plankton dahil naramdaman ko ang pagpisil ni Reyzi sa bewang ko kaya tinignan ko sya. Nagulat naman ako dahil tatlong beer na ang naiinom nya.

"Reyzi wag ka masyado uminom magdadrive ka pa diba?" Hinawakan ko sya sa braso nya na nakahawak sa akin.

Tumingin lang sya sa akin at inubos ang iniinom pagtapos ay tumayo.

"Let's go , I'll drive you home" tinignan nya din si kambal after sabihin yon.

"Oh uwi na daw kayo magkapatid , swerte nyo ha libre na dito tapos libre sakay pa..kayo na talaga" tumayo na din si Plankton para ihatid kami sa labas.

Nakaalalay si Plankton kay Kambal dahil nagsisimula na din dumami yung tao sa beer house. Sumunod naman ako kay Reyzi sa kotse.

"Wow ganda ng kotse mo pare , magkakaganyan din ako soon but not now hahaha" hinimas himas pa ni Plankton yung kotse ni Reyzi.

"Baka magasgasan mo yan Plato" simaan naman ni Plankton ng tingin si ky na tumatawa.

Pansin ko sobrang happy nya ngayon , ganon ba kapag buntis?

"I can give you one if you want" baritonong boses ni reyzi ang nangingibabaw sa amin.

Nagulat kaming tatlo ni kambal at plankton sa sinabi ni Reyzi.

"Hala shy ako ihh" nagtakip pa ng mata si plankton gamit ang dalawang palad nya kaya binatukan sya ni ky.

"Gaga ka grab the opportunity na , pabebe masyado" hawak hawak naman sa batok si Plankton mukang ang lakas ng pagbatok ni Ky.

"Kababae mong tao ang bigat ng kamay mo..btw thankyou pare sa balak mo pero gusto ko na ang unang kotse ko mang galing sa pinaghirapan ko. Hatid mo na sila , thankyou ulit at kayong kambal ingat ha ...magkita na lang tayo sa kasal nyo. Congrats pare paki-ingatan yan kasi love namin lahat yan"  tumalikod na si Plankton at pumasok na si Kambal sa backseat.

Hindi ko napansin na lumuluha na ako sa sinabi ni Plankton.

"Why are you crying?" Lumapit si Reyzi at tinapik tapik ang likod ko.

"Naiyak ako sa speech ni plankton haha" nag punas na ako ng luha. "Tara na, uwi na tayo Reyzi" pumasok na kami sa kotse at una kong napansin ang natutulog na si ky sa backseat.

"Our wedding is near , do you want to back out?" Nagulat ako sa tanong ni Reyzi , bakit nya naisipan na aatras ako sa kasal? Dahil ba umiyak ako kanina?

"Hindi ako aatras Reyzi" ayon na lang ang naging sagot ko. Nagulat ako sa pagpatong nya ng kamay sa hita ko.

"Thankyou" naka stop pala ang kotse at nakatingin sya sa akin. Tinignan ko din sya kung paano nya ako tignan.

"Thankyou for helping you?" Nagtataka naman ako sa thankyou nya.

"Thankyou for staying" muntikan ko pa hindi marinig ang sinabi nya dahil biglaang paghalik nya sa akin. Nandito nanaman ako sa moment na to kung saan gusto ko sya hatakin and he obliged. Ang tagal namin nag kiss when we heard a camera.

"Boom huli kayo , akala nyo tulog ako ha " tawa tawa pa si ky habang tinitignan ang cp nya. "Ganda nito ry aesthetic, tignan mo oh" binigay naman nya sa akin ang cp nya and oo nga ang ganda ng kuha namin.

"Lemme see" ang lapit na pala ng muka ni Reyi sa akin dahil gusto nya din sumilip para makita yung picture.
"Ky , send this to me" binalik na ni Reyzi ang cp kay Ky.

"Areglado basta bili mo ako avocado ha yung dalawa ang buto sa loob" naka smile pa si ky kay reyzi.

Saan kukuha si Reyzi ng avocado na ganon?

May dalawang buto ba ang avocado?

Bumaba na kami sa kotse at hinatid nya kami hanggang pintuan.

"Go inside , it's cold here" pumasok naman si kambal , ako? Hinihintay ko makaalis si Reyzi.

"Antayin kita makaalis bago ako pumasok" yakap yakap ko ang sarili ko dahil malamig nga sa labas.

Si reyzi naman hindi pa umaalis , nakatingin sya sa akin at parang may balak sabihin pero nahihiya sya.

"May sasabihin ka pa ba?" Hindi na din ako nakatiis para syempre umuwi na sya kasi baka tumigas kami dito sa labas at maging yelo kami.

Nag iisip pa nga ako kung saan ako mag aapply after ko ikasal pero nahinto ang pag iisip ko ng marinig ko ang mga salitang ito.

"Let's try to be serious in our marriage... Let's try to work things out. I want to try it with you as long as you're my wife" .

_________________________
____________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat