CHAPTER 23

50 1 0
                                    

Nandito na kami ni Mauwie sa Pilipinas. Halata sa muka ng anak ko ang paghanga sa lugar.

"Mommy susunduin tayo ni Daddy?" Hawak hawak ko sa kanang kamay si Mauwie habang ang kabila naman ay maleta ang hawak ko.

"No baby , your tito Plankton will be our driver for today" nagtaka naman sya kung sino si Plankton.

Kanina pa kami nag aantay ni Mauwie dito sa Airport at nagugutom na ang anak ko.

Si Plankton ang susundo sa amin dahil wala din akong ibang kakilala na pwede , alam naman nya ang bahay namin ni Raze kaya good thing din.

May nagtakip ng mata ko kaya nabigla ako.

"Miss holdap to" kilala ko na kung sino. Hanggang kailan magiging loko loko ang isang to.

Nagpumiglas naman si Mauwie sa hawak ko.

"Don't touch my mommy!!" Sigaw na ng sigaw si Mauwie kaya tinanggal ko na ang pagkahawak ni Plankton.

Sinasapak ni Mauwie ang hita ni Plankton. Gulat na gulat naman ang muka nya.

"Shit riri, may anak ka na?" Tawang tawa naman ako.

"Hindi ba obvious?.. Mauwie stop that, siya si Tito Plankton mo" tumigil naman si Mauwie at tumakbo papalapit sa akin.

"Kamukang kamuka ni Pareng Raze hanep , sana ol may anak" hindi pa din nya matanggal ang tingin sa anak ko.

"Edi gumawa kayo ni Airah " niloko ko naman sya pero biglang naging seryoso ang muka nya at inaya na kami na sumakay. Mukang may problema sila ni Airah.

Dumaan muna kami sa Mcdo dahil gutom na talaga ang anak ko.
Sinubuan ko si Mauwie hanggang sa makadating na kami sa bahay namin ni Raze.

"Hindi na ako papasok, may recording pa ako..ingat kayo tsaka sesend ko address kung nasaan si Raze" umalis na si Plankton.

Pumasok na kami ni Mauwie sa loob at nagulat ako dahil may aso na dumamba sa amin, kahawig nya si chawie. Nagtatakbo naman ang anak ko sa aking likod, pati pagkatakot sa aso namana nya sa daddy nya.

"Mommy, scared " hinimas ko ang ulo ng aso.

"Mabait sya anak , come here " nilapit ko si Mauwie at inalalayan na himasin ang aso. Natuwa naman ang anak ko pagtapos.

"Chara , san ka nagsusuot na aso ka ha" boses ni Nanay Corazon ang aking narinig. "Jusmiyo Rylie hija?" Napahawak sa dibdib si Nanay Corazon.

"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi para sana nakapaghanda kami" lumingon naman sya kay Mauwie.

"Napaka poging bata , mana sa kanyang ama. Nabalitaan mo ba ang nangyari kay Raze kaya ka umuwi?"  Tumango naman ako.

Pinapasok nya muna kami para makapagpahinga. Nakatulog agad si Mauwie paglapag ko sa kanya sa kama. Bumaba ako pagtapos para makausap si Nay Corazon.

"Hija alam kong umalis ka dahil hindi kayo okay mag-asawa pero naaawa din ako kay Raze nung wala ka. Hindi sya kumakain at puro pag inom ng alak ang ginagawa".

Bakit nya gagawin yon?

Akala ko ba masaya sya kasama ang babae nya?

"May babae nga na pumunta dito pero sinigawan ni Raze na umalis , hindi umalis yung babae kaya kinaladkad ni Raze paalis"

Ang babae kayang tinutukoy ni Nay Corazon ay ang kasama ni Raze?

"Hindi ko alam hija kung anong nangyari bakit sya nabangga pero nung araw na yon nagpaalam sya sa amin na susundan ka sa America" hawak ko ang aking bibig sa gulat.

Balak nya ako sundan?

___________________

Natulog ako na madaming iniisip. Kailangan ko sya makausap para malinawan. Bukas na bukas ay aalis kami ni Mauwie para puntahan sya sa hospital.

"Mommy where's daddy? I can't see him here" sinusubuan ko sya ng breakfast para makaalis na kami. Nakaligo na kami kanina pa at ang pag aalmusal na lang ang tinatapos ko.

"Baby pupunta tayo kay daddy after mo kumain" binilisan naman nya ang pagkain pagtapos ko sabihin yon.

Nagpahatid kami sa taxi at binigay ko ang address sa driver.

"Ma'am nandito na po tayo" buhat buhat ko si Mauwie dahil inaantok pa.

Pumunta ako sa front desk.

"Anong room si Raze Lim" tanong ko sa babaeng nurse na kaharap ko.

"Hi ma'am , kaano ano po kayo ni Mr. Lim" napataas naman ang kilay ko sa babaeng to.

"Miss can you just tell us my daddy's room" nagising na pala ang anak ko, akala ko natutulog.

Nagulat naman ang nurse sa sinabi ni Mauwie kaya binigay agad sa amin ang room number ni Raze , wag na sya magtaka dahil hawig na hawig ni Mauwie ang daddy nya.

Nagpababa na si Mauwie dahil alam nyang nangangalay na ako.

Ang cute ng anak ko may backpack pa na suot.

Tinuro nya ang kwarto , nakita nya siguro ang room number.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang kaibigan ni Raze. Si Dominic at Ace.

Nandito na si Ace?
Kailan pa sya nakadating?

"Kylie"
"Rylie...what kylie dude , si Rylie yan" tawa tawa naman si dominic.

"Rylie kamusta si Kylie?" Bakit tinatanong nya sa akin? Pagtapos nya iwan ang kapatid ko.

"She's fine" sinagot ko na lang , tumango naman sya.

Nakita ko ang nakahiga na si Raze.

Lalapit na dapat ako pero may kumatok sa pinto.

"May bata sa labas" si Dominic pala ang nagbukas. Hindi ko namalayan na naiwan ko sa labas si Mauwie.

"Mommy, you leave me outside" nakabusangot ang anak ko kaya natawa ako. Nanahimik naman ang dalawa sa loob at nagulat dahil nalaman nila na may anak kami ni Raze.

"Who is my daddy here mommy" tinignan ni Mauwie si Dominic, Ace and lastly ang nakahiga na si Raze.
"Oh he's my daddy because we look alike , right mommy?" Nagtangka sya na umakyat sa higaan ni Raze pero hindi nya maabot kaya tinulungan sya ni Ace.

"Thankyou Tito" Ace pat his head.

Iniisip ko kung what if makita ni Aki ang daddy nya , ano kaya ang gagawin or sasabihin nya?

I just wish my niece wouldn't cuss at her dad.

"Hi daddy, why are you still sleeping? It's already morning" hinawakan nya pa ang pisngi ng daddy nya.

"Labas muna kami Rylie, bibili lang ng pagkain" tumango lang ako kay Dominic.

Kami naman ang naiwan ni Mauwie kay Raze. Hinawakan ko ang kamay nya at hinawak sa aking pisngi.

Gumising ka na Raze , nandito kami ng anak mo.

Papatawarin na kita basta gumising ka at sabihin sa akin ang lahat.

Yumakap si Mauwie sa daddy nya at nilabas ang milk nya sa bag. Dumede sya sa bottle nya, nagpapaantok ang anak ko.

Bumalik din sila Dominic at nagdala ng pagkain sa amin ni Mauwie pero mamaya pa naman kakainin.

"Hindi alam ni Raze na may anak sya tama ba ako?" Tinignan ko si Ace at tumango.

"Pag nagising si Raze matutuwa sya lalo na naka 3points pala sya" tumatawa naman sa kalokohan si Dominic.

Nakatulog na ng tuluyan si Mauwie sa tabi ng daddy nya. Nagpaalam naman ang dalawa na aalis na at babalik bukas.

Hinawakan ko ang kamay ni Raze hanggang sa hilain na din ako ng antok. Nakaulo ko sa higaan nya.

"Please wake up Reyzi" I kiss his hands and close my eyes.

____________________________
______________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat