CHAPTER 17

47 1 0
                                    

Naramdaman ko ang pag angat ko sa kinauupuan ko.

"Pareng Raze nandito ka din pala, sunduin ko din bebe ko ..akala mo ikaw lang ha" nandito si plankton?

"Wife ,are you okay?" Wala na akong lakas para sagutin si Reyzi kasi hilong hilo na ako and parang gusto ko na matulog.

Nawala ang ingay ng bar sa pandinig ko at narinig ko ang tunog ng manika.
Pag dilat ko nasa kotse na ako ni Reyzi, mukang sya ang nagbuhat sa akin kanina.

"Reyzi buti hindi ka busy" hindi ko naman ineexpect na susunduin nya ako kasi alam ko na busy sya , sabi nga din ni Rica kanina busy na tao ang naging asawa ko.

Wala nga kaming honeymoon eh nakakatampo. Sa nabasa ko kasi kailangan mag honeymoon kapag tapos na ikasal pero kami hindi namin ginawa.

Hindi nagsasalita si Reyzi kahit may sinabi naman ako. Tinignan ko sya at kaagad kong napansin ang kilay nya. Looks like my husband is mad?

"Galit ka ba?" pero walang reyzi na sumasagot sa tanong ko.

"Sorry kung nag bar ako, pinilit lang naman ako" naiiyak ako kapag ganto sya sa akin.

I want a hug from him.

Is this the effect of the alcohol?

"Reyzi let's hug" tinaas ko pa ang kamay ko para abutin nya.

"Stop it" saway nya sa kakulitan ko kaya doon na bumuhos ang mga luha ko.

Hindi na ako gusto ni reyzi!!!

"Siguro ayaw mo na sa akin"

"Rylie lasing ka lang" pero umiling iling ko.

Bawal na ba yumakap sa asawa
Ang sama nya sa akin.

Hindi ko sya pinansin kahit dumating na kami sa bahay, nagkunwari akong tulog para buhatin nya ako uli.

"Wake up hard headed lady" tapik nya sa pisngi ko. "I don't like the idea but I think I'm crazy because of you. I always think of you in the office and I can't concentrate. What did you do to me?" Nag confess ba sya? Good idea pala ang pag fake ko matulog.

Didilat na dapat ako pero naramdaman ko ang pag angat ng aking sarili.

____________

"Wife wake up, you need to clean yourself first"

Nailapag na ako ni Reyzi sa kama at kanina nya pa ako ginigising pero ayoko dumilat. Gusto ko pa sya magsalita, gusto ko pa malaman ang nararamdaman nya.

Talk please.

I wanna hear something.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko pababa sa kilay ko, mata , ilong at umabot sa labi ko.

"I want to taste your lips again"

Napigilan ko ang aking paghinga dahil sa sinabi nya.

He wants to what?

Hindi ko alam kung epekto pa din ba ng alak pero dumilat ako at ako ang humila sa ulo nya para magdikit ang mga labi namin.

Nakakahilo ang mga halik nya.

Bumaba ang kanyang labi sa aking leeg, may kiliti ako don kaya hindi ko napigilan umiling at iilag ang aking leeg sa kanya.

"Hahahhaah reyzi may kiliti ako dyan" parang baliw na tawa ko.

Nasasambunutan ko na sya dahil hindi ko kinakaya ang kiliting hatid ng kanyang mga halik.

"I think I need a cold shower, I'll be back ..clean yourself too before you sleep" binigyan nya ako ng mabilis na halik bago lumabas sa kwarto.

bitin naman!

bakit kasi ako may kiliti, nakakainis.

Sinunod ko na lang ang utos nya na maglinis ako ng katawan at bumalik sa higaan ko pagtapos. Inaantay ko sya bumalik bago ako matulog.

"I thought you're sleeping already" naka boxer na lang si Reyzi at nakikita ko nanaman ang bukol sa kanyang ibaba.

Napansin nya din ang tinitignan ko kaya bumaba ang kanyang mata doon.

"Stop staring wife , they will bark at you" he chuckled.

"There's a dog sa boxer mo?" Lalong lumakas ang tawa ni Reyzi sa sinabi ko.

What's funny?

Pwede ba ilagay sa boxer ang aso?

"I don't easily laugh but you always make it easy" nakangiti sya habang sinasabi yon kaya ngumiti na lang din ako. Tumabi na sya sa akin at yumakap.

Yumakap?
Yumakap!

"Let's sleep wife , we both have work tomorrow" he kissed my temple.

This is the best feeling ever.

Kahit hindi naman sabihin ni Reyzi ng diretso sa akin , alam ko na may nararamdaman na din sya sa akin.

Sana tuloy tuloy ang ganto kasi natutuwa ako sa mga pagbabago nya.
Masayang makita syang ngumingiti at hindi na laging masungit.

____________

Nagising ako sa alarm na galing sa cellphone ko.

Kailan pa ako nag alarm?

Tinignan ko ang katabi ko at wala na si reyzi dito. Nakita kong maliwag na and it's already 7:00 AM. Magsisimula ang work ko ng 8:00 AM.

Nauna na umalis si Reyzi?
Sabagay baka madami pa syang trabaho sa office.

Naligo na ako at nagbihis ng corporate attire. Pagbaba ko amoy ko na ang pancake na niluluto nila manang.

Pagdating ko sa kusina hindi sila manang ang naabutan ko kundi ang isang lalaking nakasuot ng apron.

Bakit nandito pa si reyzi?

"Good morning to my beautiful wife , I made you breakfast and I already feed our baby chawie" my jaw literally drop.

Si Reyzi ba ang nasa harap ko?

"I want a good morning kiss wife , come here" torete naman akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi nya , aalis na dapat ako ngunit hinalikan nya pa ako sa labi.

"I'm full , I don't need to eat" he chuckled.

Nasasaniban ba sya?

Nilagyan nya ng chocolate syrup ang pancakes ko at may milk din sya na tinimpla.

"Bakit ka pa nandito reyzi , diba may work ka?"  Nagsimula na ako kumain habang ang isang to nakatunganga sa harap ko. Enjoy na enjoy ang itsura nya sa panonood sa akin.

"I'm the boss so I can go to the office anytime and also I want to prepare breakfast because it's my wife first day of work..ihahatid na din kita"

I smiled and finish my food.

I can't take eye contact right now because my heart is beating so fast , gusto na ata lumabas sa aking dibdib.

Si Reyzi na din ang nagligpit ng pinag kainan ko and after that hinatid na nya ako sa work. Pinagtinginan pa nga ako dito sa company ni Airah dahil ang isang Mr.Lim lang naman ang nag hatid sa akin.

They started to call me Mrs. Lim and they always tease me.

Umakyat na ako sa office ni Airah and we started to work. Unang araw pa lang pero ramdam ko na ang pagod, madaming paper works na pina check sa akin and may mga prinint ako kasi baka kailanganin ni Airah.

"Airah okay ka lang ba kagabi?" Naalala ko na iniwan ko pala siya kagabi kasi dumating si Reyzi at binuhat ako.

"Yes I'm fine" matipid na ngiti ang binigay nya. Tahimik lang magtrabaho si Airah which is okay lang sa akin dahil hindi din naman ako ganon kadaldal.

First name basis din kami kasi magkakilala naman daw kami , ayaw nya na tawagin ko syang boss or ma'am kasi feeling nya daw ang taas taas nya.

Kanina nung hinatid ako ni Reyzi sinabi nya na mag date daw kami sa araw ng rest day ko. He will adjust daw kahit anong araw pa yon kasi sya naman daw ang boss.

Ngumiti ako sa naisip.

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now