CHAPTER 16

63 2 0
                                    

Pareho kami gulat ni Airah at hindi nakatakas sa akin ang paglungkot ng mata ni Airah.

"Ang gwapo nya at ang galing kumanta , sobrang gusto ko sya" habang pinapakita sa amin ang mga litrato ni Plankton na for sure galing sa Ig nito.

"Rylie si Mr.Lim pala ang ang asawa mo, sikat na business man sya" mukang iniiba ni Airah ang usapan dahil ayaw na marinig ang mga sasabihin pa ng kaibigan nya.

Speaking of Reyzi doon ko lang naalala na tumawag nga pala sya.
I decided to go pero biglang humirit ang kaibigan ni Airah na si Rica.

"Don't go muna Rylie , nagbabalak ako mag bar .. let's have some fun you know, bawal kj" mahirap tumanggi sa isang to dahil makulit.

"Wag mo na sya pilitin rica , ayoko din naman sumama" pareho talaga kami ni Airah hahaha.

Hindi ko nga gusto ang aura ni rica pero I need to show some respect dahil kaibigan sya ng magiging boss ko.

"Nooo Airah , remember may utang ka pa saken ..hindi ka pumunta nung birthday ko" nagdadabog na ngayon si Rica. Kung titignan mo si Rica mukang mas matured sya sa amin pero ang attitude nya ngayon ngayon parang mas bata pa sa amin.

Bumuntong hininga naman si Airah at pumayag na lang.

"Yehey , alam ko naman na hindi mo ako matitis..ikaw naman rylie need mo sumama sa amin para naman mag enjoy ka , alam ko na busy man ang asawa mo" so what kung busy si reyzi?

Gusto ko na umuwi, namimiss ko na si chawie pero mukang hindi ako makakatakas.

"Let's bonding na , shopping muna tayo ng susuotin natin" tili ng tili si Rica. Siya lang ang masaya sa balak nyang gawin, pareho kami nakangiwi ni Airah.

Bakit nya ba naging kaibigan yon?

Tinext ko na lang si Reyzi para naman hindi sya magalit if ever gabihin ako.

To Reyzi:
Natanggap ako sa work reyzi, btw baka anong oras na ako makauwi kasi nagkayayaan kasama ko magiging boss ko.

Agad agad naman ang reply ni reyzi.
Hindi ba sya busy? Bakit ang bilis nya mag reply?

From Reyzi:
What work?

To Reyzi:
Secretary

From Reyzi:
Damn , what company?

Bakit sya nagmumura?

To Reyzi:
Dela Fuente  Hotel why?

Inaantay namin na bumalik si Rica dahil nag aayos pa sya sa cr. Hindi ko talaga maisip paano nakakatiis si Airah na kasama ang isang yon.

Mas matangkad ng kaunti si Rica sa amin ni Airah at pansin ang collar bone nito dahil mapayat sya , may korte naman ang bewang nya kahit papaano. Muka nga syang model dahil ang hahaba ng binti nya.

Madami magkakagusto sa kanya kaya bakit si plankton pa ang napansin nya? Paano si Airah?

Kanina ko pa nga napapansin ang pagiging tahimik ni Airah , may malalim syang iniisip.

Beep

Chineck ko ang cp ko at nakitang tatlo na ang reply ni Reyzi.

From Reyzi:
Shit , there's so many company why there?

From Reyzi:
Who is your damn boss?
Is he a man?

From Reyzi:
Don't work wife kaya kita buhayin

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now