CHAPTER 4

70 2 0
                                    

Nakasunod lang ako kay reyzii kasi sya naman yung bibili at hindi ako.

Binibilang ko yung tiles na inaapakan ko..

"Aray, bakit ka naman huminto?" Hawak ko yung ulo ko dahil nabangga ako sa likod nya.

Tigas naman ng likod nya parang bato.

"Stop counting like a kid" ang sungit talaga nya lagi.

Magkasalubong ang makapal nyang kilay at parang inis na sa akin.

"Sorry po hehe" nag peace sign pa ako para hindi na talaga sya magalit.

Pumasok na kami sa isang store na puro cellphone , ang gaganda and ang mahal huhu.

"What do you like Iphone or Samsung?" He ask while scanning other phones.

Hindi naman ako mapili so kahit anong brand okay lang sa akin.

" Ikaw na bahala"

Tinignan nya ako bago kunin yung isang phone , samsung ata yon.

Nagbayad na sya sa counter habang ako eto nasa gilid inaantay ko sya.

"Here" sabay abot sa akin nung paper bag.

Nagulat ako sa presyo pagdukot ko nung resibo.

30,000???!!!

"Ang mahal naman nito reyzii baka hindi kita agad mabayaran" grabe naman yung presyo nito.

Kinuha nya yung paper bag at inayos nya yung cellphone.

Binalik nya sa akin yung phone and naka open na yon.

"Naka save na yung number ko, answer my call or text" tumango naman ako.

Ang ganda ng camera parang gusto klo magpicture.

"Reyzii pwede mo ba ako picturan?" Inabot ko sa kanya yung phone ko and nag pose na ako sa harap nya.

Naka pwesto na din sya para kuhaan ako kahit naka busangot na yung muka nya.

Nag finger heart ako , peace sign , fierce and lastly my adorable smile. Sabi ni ky before na kung sino man daw makakita ng smile ko mahuhulog daw ang loob sa akin dahil napaka ganda ko daw kapag nakangiti.

Kukunin ko na sana yung phone ko pero nakatulala pa din si reyzi.

"Reyzi okay ka lang ba?" Kumaway pa ako sa harap nya.

"Tsk" inabot nya sa akin yung phone.

Wow ang ganda ng mga shots ko, pwede na sya maging photographer.

"Reyzii picture tayo" dumikit ako sa kanya and nag smile sa camera.

1..2..3...

HAHHAHAHAHHAA

Ginamit ko kasi yung filter na nasa camera. Naka smile ako sa picture and si reyzi naman nakabusangot na nakatingin sa akin, we both have bunny ears...cute

" Look oh pareho tayo may bunny ears , we are now a kuneho" Tawa pa din ako ng tawa pero nanahimik na ako kasi ang sama ng tingin nya saken.

Hawig nya si daddy kapag ganyan sya.

" Do you want to eat or you want to go home?" Gusto ko pa sana kasama si reyzi kasi ang bait nya kahit nakabusangot sya.

I'm longing for a friend since elementary kasi walang lumalapit sa akin and lagi lang ako inaaway.

Si ky lang talaga ang meron ako.

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now