CHAPTER 22

45 1 0
                                    

3 YEARS LATER


Sa tatlong taon na to wala akong narinig mula kay Raze. Never sya pumunta dito sa America at wala na akong balita sa kanya. Inaantay ko na dumating ang annulment papers namin pero wala akong natanggap.

Kumikirot pa din ang puso ko kapag iniisip ko sya , akala ko nga makaka move on ako ng tuluyan kapag lumayo ako pero paano ako makaka move on kung...

"Mommy I want milk" yes nanganak na ako at may 2 years old baby boy.

Kamukang kamuka nya ang daddy nya kaya paano ako makaka move on?

2 years old pa lang sya pero diretso ang pagsasalita nya dahil matalinong bata ang aking anak.

Tinimplahan ko naman sya ng gatas para makatulog na dahil gabi na. Nagtatrabaho ako bilang manager  sa isang restaurant dito sa America.

Akala ko ang pagiging asawa ang pinaka masayang mangyayari sa buhay ko pero ng maipanganak ko si Mauwie , mas masaya pala maging ina. Alam ko na ngayon kung bakit kami mahal na mahal ni Mommy, kapag nanay ka na sobrang mamahalin mo talaga ang anak mo.

He's Rence Mauwie Lim.

Kahit galit ako sa daddy ng anak ko , hindi ko ipinagkait ang apelyido nya.

"Aki , diba sinabi ko na sayo na tama kakanood jan sa tablet mo? Anak 3 years old ka pa lang pero kung umasta ka para kang 10 years old". Stress na stress na si Ky sa anak nya pero nagtataka pa sya kung saan nagmana ang anak nya edi sa kanya din buti na lang itong baby ko mana sa magaling nyang ama dahil tahimik at may pagkasuplado. Sa amin lang sya ngumingiti pero sa ibang tao seryoso ang muka nya.

Pati ang pagiging maldita ni Ky manang mana ni Aki pero ang pagiging matalino nito sure akong kay Ace nakuha HAHAHA sorry kambal.

"Mommy, I'm watching make up tutorial. I want to be pretty for my crush" tili naman ni Aki.

"Aki , 3 ka pa lang .. sumasakit ang ulo ko sayo" pero malambing naman ang batang yan lalo na kapag napapansin nya na hindi okay ang mommy nya. Lumapit sya kay ky, humingi ng sorry at humalik sa pisngi nito.

Tulog na tulog na ang baby ko kaya nilipat ko na sya sa kwarto namin.

Tinitigan ko ang muka nya at lalo kong nakita ang muka ng Daddy nya.

Kamusta na sya sa Pilipinas?

Magkasama pa din kaya sila nung babaeng yon?

Madaming nangyari sa loob ng 3 years na yon. Pagdating ni Aki ng 1 year old , nag apply na si Ky sa Airlines at natanggap sya. Isa na syang ganap na Flight Attendant ngayon, bukas ulit ay may flight sya. Ako at si Mommy ang nag aasikaso sa mga bata. Minsan puro ako dahil nasa hospital si mommy para magtrabaho.

May manliligaw din si Ky na isang piloto pero hindi bet ni Aki kaya hindi na din inentertain ni Ky , sabi pa nga nya sapat na daw si Aki.

Nung manganak ako kay Mauwie , hinanap nila mommy si Raze pero sabi ko wag na sabihin dahil balak ko sya sorpresahin kapag nanganak ako at tumalab naman sa mga magulang ko pero nagtataka sila until now dahil hindi ko pa din nasasabi kay Raze.

Si Plankton naman nakita ni Ky nung isang araw sa eroplano , bigatin na daw dahil isang ganap na singer na si Plankton kaya natuwa ako para sa kanya. Natupad na din ang gusto nya pero sila pa din ba ni Airah???

Sinearch ko si Plankton at nagulat ako dahil kilalang kilala sya ni google.
2 years na sya ngayon sa showbiz and nakapagpatayo na sya ng bahay para sa pamilya nya at natupad na din ang kotse na gusto nya. Masaya ako para kay Plankton , natupad na lahat ng mga gusto nya sa buhay. Ngayon ko lang naisip na buksan ang social media accounts ko since umuwi kasi ako dito never ako nagbukas but still marami naman akong pictures sa cp ko lalo na ang muka ni Mauwie.

Yung Rence sa pangalan nya sinunod ko sa daddy nya and ang Mauwie naman sinunod ko sa baby chawie ko na namatay. Akala ko magiging malungkot ako dahil sa mga nangyari sa akin sa Pilipinas pero nagbago lahat ng manganak ako. Masasabi kong masaya na ako pero parang may kulang pa din.

Pagbukas ko ng Instagram Account ko , bumungad sa akin ang madaming post ni Plankton para sa mga commercial, concert and fan signing nya. Tinignan ko ang Instagram account ni Raze kasi inaasahan ko na may post sya tungkol sa babae nya pero wala akong nakita , tatlong post lang yung nandon. Yung isang post na una kong nakita nung sinearch ko sya which is yung coffee sa table , second naman yung wedding picture namin and third yung date namin. Wala na akong nakita na iba kaya nagtataka ako.

Platon Official

Salamat naman at nag online ka din riri.

Bakit?

Alam mo na ba?


na singer ka na?
Oo naman , so proud of you


Thankyou riri hihi pero hindi about jan, about sa asawa mo.


Anong meron sa kanya?


Wala ka talagang alam?


Magtatanong ba ako kung meron?


Saan ka ba kasi nagpunta?


Nandito ako sa america kina mommy

Pero buti na din na nanjan ka para safe.

Safe saan?

Comatose ang asawa mo hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising.

Nabitawan ko ang cellphone, anong comatose???

Anong nangyari ba??

Bakit??
I mean anong nangyari?


Binangga ang kotse nya 2 years ago and until now hindi pa sya nagigising.

I didn't know

Malamang nasa America ka

Uuwi ako

Pasalubong ha

Nagawa pa magbiro ni Plankton pero totoo kaya ang mga sinasabi nya? Hindi naman magsinungaling sya magsinungaling sa akin. Uuwi kami ni Mauwie.

____________________

Maaga akong nagising para magligpit ng dadalhin namin ng anak ko. Nakausap ko na din sila mommy at kwinento ko ang sinabi ni Plankton. Nagulat din sila sa nalaman pero mas nagulat ako sa sinabi nila.

"Nakausap ko ng dalawang beses si Raze pero hindi ko sinabi na buntis ka anak kasi ayaw mo sabihin, kinakamusta ka lang nya" bakit nya pa ako kakamustahin? diba may babae na sya? "Sinabi ko nga na dumalaw dito pero sabi nya may tatapusin lang daw sya bago sumunod dito" Tinanong ko si daddy kung kailan yon tapos sabi nya 2 years ago pa daw so naaksidente ba sya kasi papunta sya dito?

Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Mommy where are we going?" Kusot kusot pa ni Mauwie ang mga mata nya.


"Sa Daddy mo"

__________________________
____________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now