CHAPTER 15

54 1 0
                                    

Dinala ako ni Plankton dito sa isang
5 Star Hotel. Mukang bigatin nga ang crush niya kasi grabe ang laki ng hotel na ito.

"Ganyan na ganyan din ako nung unang tapak ko dito, ganda noh? pero mas maganda sya hihi" mukang tanga na kinikilig si Plankton sa tabi ko.

"Nasaan pala sya?" Nagtataka ako kasi kanina pa kami naka upo dito pero hindi nya pa ako dinadala sa crush na sinasabi nya.

"Chill ka lang riri, nasa meeting pa kasi yon" nagsasalita sya pero nakatutok naman ang mga mata sa cellphone na hawak nya. "Oh tara na tapos na daw sabi ng kasamahan ko".

Kaya pala hawak ang cellphone nya kasi nag-aantay ng update sa kasamahan daw nya.

Sumakay kami ng elevator at pinindot nya ang 10. Grabe nasa pinaka taas pa pala ang magiging boss ko , mukang lantang gulay ako kapag pabalik balik na inutusan.

Lumabas na kami ng elevator at pinuntahan ang dulong pinto.

"Hi , pretty rara" malakas na boses ni plankton habang papasok ng kwarto.

Nakita ko naman na malawak ang office at tambak na paper works ang nasa lamesa. Babaeng nakatalikod at nakatingin sa view ng labas. Masasabi kong maganda sya , hanggang balikat ang color brown na buhok at maputi din sya gaya ko. Simpleng office attire ang suot.

"What do you need Platon?" mahinang tinig galing sa babae.

Humarap sya kaya nagkagulatan kami. We know each other , naging magkalaban kami sa mga quiz bee and naging partner din kami nung lumaban kami sa ibang lugar. Comfortable sya kasama kaso nga lang magkaiba kami ng school kaya ning nag college kami nawala na yung connection between us.

She's Airah Dela Fuente , Beauty and Brain din kaya siguro nagkagusto sa kanya si plankton.

Nakita ko ang saya sa muka ni plankton habang nakatingin kay Airah.

"It's been a long time Rylie, how are you?" The same old Airah mabait pa din sya at mahinhin. Ang daming nagsasabi na mas mukang kapatid ko si Airah kaysa kay Kylie. Pareho daw kami maganda , matalino at mabait.

I believe may kanya kanya tayong quality ang unique in our own way.

"I'm fine Airah, how about you?" Naka smile kami sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?, Bakit hindi ko alam? ...trinaydor nyo a-ako" umaarte pa sya na hawak nya ang dibdib nya.

"Stop the act Plankton" masungit na sabi ni Airah kaya tumawa naman si Plankton.

"Cute mo rara hihi" kilig na kilig naman si Plankton.

Napansin ko pa ang pag ikot ng mga mata ni Airah, nakakatuwa dahil akala ko dati hindi sya makabasag pinggan pero syempre lahat naman ng tao nagbabago lalo na kapag ang kaharap mo si plankton na sobrang pasaway.

"I'm good too rylie btw what brings you here?" Naglakad si Airah pabalik sa swivel chair nya at naupo.

"I need wo_
Hindi ko na natulog ang sasabihin ko dahil umepal si plankton.
"Kailangan daw nya ng trabaho rara" sinamaan naman sya ng tingin ni Airah.

"Can you please let Rylie talk, ikaw ba kinakausap ko?" Mukang pikon na pikon na si Airah kay Plankton.

Kanina nga pagpasok hindi sya lumilingon kahit ang lakas na ng boses ni plankton.

"Sabi ko kasi sayo riri magsalita ka , ako tuloy napapagalitan"ako naman ang binalingan ngayon ni plankton.

Aba ang galing ako pa sinisi, nakakahiya talaga si plankton kasama pero wala ako magagawa kasi kaibigan ko sya.

"I need work Airah, I hope you can help me" nakayukong sabi ko.

"Of course I can help you, hindi ko lang inexpect na ang pagiging partner natin dati sa quiz bee mangyayari ulit ngayon pero partner naman tayo ngayon sa company..you will be my secretary Rylie, you can start tomorrow." Masayang masaya ako sa sinabi ni Airah. Sobrang bait talaga nya , ilalakad ko sya kay Plankton para naman ma-crush back na ang kaibigan ko.

"Oh riri yung pinag usapan ililibre mo ako sa unang sahod mo" hindi ko napigilan ang saya kaya nayakap ko si plankton.

Tumalon talon pa kami na mukang nanalo sa lotto, well parang ganon na din kasi nakahanap na ako ng work.

"Ehem you may leave now Platon, as long as I remember your duty will start now". Nagulat naman si plankton kaya bumitaw sya sa akin at chineck ang kanyang relo.

"Shit alis na muna ako , riri mag ingat ka pag uwi ha ...congrats ulit , bye pretty rara labyu" kumaway sya sa akin at nag flying kiss kay Airah. Ako talaga ang nahihiya para sa kanya. "Thankyou plankton".

"Plankton?" Sa akin na ngayon nakatingin si Airah at nagtataka sa pagtawag ko kay plankton.

"Mahilig ko sya tawagin sa ganon kasi magkatunog"

"Matagal na kayo magkakilala?"
Ang daming tanong ni Airah pero willing ko naman lahat sagutin since tinanggap nya ako.

"Kaibigan ko sya nung elementary pero lumipat sila nung nag high school and ngayon lang ulit nagkita, friends pa din kami" nakangiti kong banggit kay Airah.

"Friends lang kayo? Pansin ko na sobrang close kayo" napansin ko ang pagiging masungit ni airah sa tanong nya.

May feelings kaya sya kay plankton?

"Boy best friend ko sya , alam mo naman na hindi ako lapitin ng mga babaeng kaibigan dati" pareho kami ng naging problema ni airah dati when it comes sa friends, walang gusto maging kaibigan ako dahil mayabang daw ako kasi lagi akong top. Wala naman gusto makipag kaibigan kay airah dahil mayabang daw dahil mayaman at matalino.

Minsan nga napapa isip ako kahit gaano ka pala kabait sa tao , lagi ka pa din huhusgahan kahit hindi ka pa naman tuluyang nakikilala.

"I see" tango tango pa sya after nya sumagot.

May malakas na kumatok kaya doon napunta ang atensyon namin.

"Hello welcome world , kamusta ang frenny ko na single forever?" May pumasok na babae at sobrang ikli ng suot.

"Pwede ba Rica ang lakas ng boses mo" naiinis na sabi ni airah.

May friend na pala sya?

I'm happy for her kasi may friend sya na maituturing.

Reyzii calling..

Tumayo na ako para magpaalam kay Airah.

"Hello , mukang familiar ka" napadako naman ang tingin ko sa kaibigan ni Airah. "Sabi ko na nga ba familiar ka eh, ikaw yung asawa ni Mr, Lim".

She know me?

Maybe guest sya sa kasal namin ni reyzi.

"You're already married Rylie?" Si Airah naman ang nagtanong.

"Oo nakalimutan ko sabihin Airah kasal na ako nung isang araw lang" pinakita ko ang singsing ko.

"Omg sabi na eh, nandon kasi ako with my dad and doon ko din nakita ang magiging asawa ko" tuwang tuwa sya habang iniisip yung tinutukoy nya.

"Who?"
"Sino?"

Sabay pa kami ni Airah na nagtanong.

"Si Platon Santiago"

___________________
_____________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now