CHAPTER 9

57 2 0
                                    

Yakap yakap ko si Kylie at pinapatahan ko sya dahil baka mapano sila ng baby nya. Umalis pala si Reyzi kanina nung biglang may tumawag sa kanya. Nagpaalam naman sya sa parents ko kaya okay lang.

Inabutan ni mommy ng tubig si kambal at pinunasan ang mga luha nito.

Ang kaninang galit na muka ni daddy ay mahinahon na ngayon. Daddy love us so much na hindi nya kayang magalit ng matagal sa amin.

"Tell me Kylie what happened" malambing na ang boses ni daddy.

"D-daddy bigla syang nawala" humihikbi ulit sya. "Nagising na lang ako na wala sya sa tabi ko maliban sa sulat nya. Nakalagay don na matagal daw sya mawawala at wag ko na daw subukan na hanapin sya... Daddy mahal ko sya" iyak ng iyak si Kylie nung araw na yon at nakatulog din sya pagkatapos.

Tama nga ang hinala ko na si Ace ang ama ng bata. Sasabihin na dapat nya kay Ace na buntis sya 6 weeks na kaso nga lang biglang naglaho ang binata. Hindi alam ni kambal kung ano yung reason.

Si Ace daw ay may business din and attorney din daw.

Halata naman kay Ace na matalino sya , he wear glasses pero hindi hadlang yon para makita ang kagwapuhan nya pero walang tatalo sa magiging asawa ko hihi.

magiging asawa ko? grabe talaga ang feeling ko masyado.

Kahit joke joke lang ang magiging marriage namin , natutuwa ako kasi ako yung magiging asawa nya for the mean time nga lang.

Gusto ko tulungan si Kambal pero paano?

Oo naalala ko nga pala kaibigan ni Reyzi si Ace kaya tatanungin ko si Reyzi kung alam nya nasaan si Ace.

Kring Kring

Reyzi Calling...

"Hello Reyzi , Bakit ka napatawag?"
Magkasama pa lang kami kanina tapos namiss nya agad ako? hihihi

"Did you eat already?" Oh tatanong lang pala kung kumain na ako.

"Oo tapos na kami nila mommy pero si Kylie hindi na namin ginising dahil pagod yon kakaiyak" narinig ko sa kabilang linya na napa buntong hininga si Reyzi.

Ito na yung chance para tanungin ko sya about kay Ace.

"Reyzi diba kaibigan mo si Ace?" Hindi ko na hinintay na sagutin ni Reyzi yon. "Tulungan mo naman ako makausap sya para kay Kambal kasi naaawa ako sa kanya pati sa magiging pamangkin ko".

"Let's see what I can do Rylie but for now you need to sleep, it's already midnight" after the call nakatulog na din ako.

Para naman kasi akong hinehele ng boses ni Reyzi nakakainis hahaha.

_________

Good morning everyone!
Yes , ang sarap ng tulog ko kaya nag decide ako na magluto ng almusal.

Saktong sakto tulog pa si mommy dahil baka napagod din kahapon.

Nagluto ako ng sinangag , hotdog, bacon and scrambled egg with onion and tomato , fave nila mommy and daddy yon.

Nagluto naman ako ng pancake namin ni Kambal. Nakahanda na din ang chocolate syrup ko and Vanila syrup ni Kylie. Oo , Vanilla ang favorite ni Kylie.

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now